Nandito kami ngayon sa kusina at naglilista ng mga kailangang bilhin. Sabado ngayon at nandito sa bahay si Sir Sandro, hindi umalis.
Hindi ito tulad ng iba na sobrang workaholic na kahit weekend ay nasa harap ng computer or laptop, siya ay talagang pahinga ang ginagawa nito.
Isang buwan na rin pala simula nung dumating ako dito. Kabibigay lang ng sahod namin kahapon at kailangan kong magpadala kay nanay sa probinsya.
"Kara ikaw nalang ang maggrocery mamaya, nakalista na ang mga bibilhin mo" utos ni Nay Nena sakin.
"Nay, hindi ko po alam ang pupuntahan ko" nagaalangain akong tumingin dito.
"Walang problema iha, kasama mo naman si Sir Sandro" sabi nito. Nang marinig ko ang pangalan niya ay parang gusto kong sabihin kay Nay Nena na si Bridget nalang ang itusan nito, pero nakakahiya kasing tumanggi.
"S-sige po" Sagot ko nalang dito.
"Magbihis ka na at maya maya pa ay bababa na si Sandro at aalis na kayo" utos nito sakin.
Mabilis naman akong nagbihis at baka mamaya ay mauna pa sakin si Sir Sandro na lumabas. Nakakahiyang paghintayin ito. Nagsuot lang ako ng t-shirt na puti at leggings na itim at flat sandals.
Saktong paglabas ko ng kwarto ay siya namang baba nito ng hagdan. Nagkatinginan pa kaming dalawa.
Maglalakad na sana ito papuntang kusina nang biglang namang sumulpot si Nay Nena.
"Nanny, let's go" yaya nito.
"Sandro, hindi ako ang kasama mong maggogrocery, si Kara na muna at di ko maiwan tong ibang ginagawa dito." Paliwanag nito dito.
Nahihiyang napayuko ako dito. Ramdam kong ayaw akong kasama nito.
Mukhang mapapanis ang laway ko sa ilang oras na kasama ko ito kasi sa tingin ko, wala rin itong balak kausapin ako.
Huminga lang ito ng malalim at niyaya na ako palabas.
Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa garahe. Pumagilid muna ako at nilabas niya yung sasakyan.
Nang mailabas nito ang sasakyan ay binuksan ko naman ang backseat at umupo sa pinakagilid.
Napalingon ako sa harap nang napansin kong di pa kami umaalis.
"Gagawin mo ba akong driver?" Tanong nito sakin.
Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. At nang napansin niyang hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin ay nagsalita uli ito.
"Lumipat ka dito sa harap" maawtoridad na sabi nito.
Para naman akong napapasong mabilis na lumipat sa tabi nya.
Wala kaming imik na dalawa hanggang sa makarating kami sa supermarket.
Binuksan ko ang pinto at bumaba na ko ganon din siya. Nauna nga lang ako.
Kukuha na sana ako ng push cart nang kunin niya ito sakin.
"Go, ako na magtutulak. Just take everything on the list and put it here" sabi nito at tumangon naman ako.
Agad ko namang binuklat ang listahan at kinuha isa isa ang mga nasa listahan.
Nakasunod lang ito sakin habang tulak tulak ang cart.
Sumunod sa listahan ay toyo at agad ko naman itong nakita. At nasa medyo mataas na parte ito.
Pilit ko itong inaabot pero di ko talaga kaya. Maya maya pa ay nakita kong may palapit na crew sakin na lalaki. Ngiting ngiti ito at nginitian ko rin ito at tinuro ko ang toyo na di ko abot. Tumango naman ito at nang malapit na sya sakin ay bigla itong napatigil at umalis.
Nagtataka akong nakatitig sa likuran ng lalaki. Nang biglang may umabot ng toyo mula sa likuran ko nang walang kahirap hirap. Ilang pulgada lang ang layo nito sakin at eto na naman, amoy na amoy ko na naman ang nakakaadik na pabango nito.
Gulat na napatingala ako dito.
"Next time, if you need help ask for me, hindi yung magtatawag ka pa ng iba, kaya nga kasama mo ko dito diba?" Sabi nito sakin at nilagay sa cart ang toyo.
Nauna na itong magtulak ng cart at ako naman ay naiwang tulala.
Minsan talaga hindi ko magets ang ugali nito.
Minsan mabait
Minsan suplado
Ewan ko ba!
"What? Are you gonna stand there and wait for sunset?" Iritadong tanong nito sakin.
Umiling ako at mabilis na sumunod sa kanya.
Napadaan kami sa mga sanitary napkins. Nakatingin ako dito at balak ko sanang bumili pero naisip ko na bukas nalang at ibabudget ko muna ang pera ko dahil magpapadala ako kay nanay bukas paglabas namin ni Bridget. Napagkasunduan kasi naming dalawa na lumabas bukas dahil Linggo at day off namin. Oo, may day off kami kada linggo.
Nagikot lang kami ni Sir Sandro hanggang sa makuha namin lahat ng nakalista.
"Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong nito sakin.
Umiling lang ako.
Nakita ko ang pagbuga nito ng hangin.
"Did you swallow your tongue?" Halatang inis na tanong nito sakin.
"Sorry" iyon nalang ang kusang lumabas sa bibig ko.
Simula kasi noong marinig ko ang sinabi niya sa girlfriend niya ay nahihiya na akong kausapin ito and at the same time nasasaktan ako pag naaalala ko ito.
Ang gusto ko nalang ngayon ay makauwi at parang hindi ko na kayang makasama ito na kaming dalawa lang.
"Where do you want to eat?" Tanong nito sakin.
Hindi ako agad nakasagot. Dahil hindi ko akalain na magyayaya itong kumain, tinanghali rin kasi kami.
"I forgot, hindi ka nga pala nakakapagsalita" dugtong pa nito.
Nainis ako sa sinabi nito.
"Kahit saan basta mura" sabi ko nalang sa kanya.
"Okay" simpleng sagot nito sakin.
Maya maya pa ay tumigil ang sasakyan sa isang restaurant at mukhang mamahalin ito.
"Uhm, sir, kayo nalang po ang kumain, hintayin ko nalang po kayo dito" sabi ko nalang dahil baka kulang pa ang sahod ko sa presyo ng pagkain dito.
"Don't worry, uupo ka lang doon sa loob at kakain, my treat" sabi nito na hindi tumitingin sakin at parang nauubusan na rin siya ng pasensya sa akin kaya sumunod nalang ako.
Pagpasok palang sa pintuan ay pinagtitinginan na sya ng mga tao lalo na ang kababaihan. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin dito? Napakalakas ng dating at napakagwapo.
At kung ikukumpara mo pa ang suot ko sa suot niya ay mukha talaga akong alalay nya na nakasunod.
Pinaupo na kami ng isang crew doon at nang makaupo kami ay biglang may tumawag dito.
"Hey, Del Mundo, What's up?"
Isang matangkad at gwapo ring lalaki ang lumapit sa table namin.
"And who is this young lady?" Pagkakita sakin.
"Kara" simpleng sagot lang nito dito.
"That's it?" Tanong uli nito.
At hindi na umimik pa si Sandro.
"Anyway, nakauwi na si Nica, bakit hindi mo sya kasama ngayon?" Usisa uli ng lalaki dito.
"She's busy with her photoshoot today and Mark if you don't mind, can we order first?" Sabi nito dito sa lalaki.
Tumawa ang lalaki at tinawag ang isang crew.
"Ibigay mo lahat ng pinakamahal na pagkain dito sa restau, mayaman yan" bulong nito sa tinawag niyang waiter na sinadya yata nitong iparinig kay Sandro.
"Baliw ka na Diaz!" Sabi ni Sandro dito at sa pagkakaalam ko ay kaibigan nya ang lalaking ito.
Tumawa uli ang lalaki at tumingin uli sakin.
"By the way, I'm Mark" at inilahad nito ang kamay niya.
Aabutin ko na sana ang kamay nito nang biglang magsalita si Sir Sandro.
"Leave her alone, Mark" maawtoridad na sabi ni Sandro dito.
Natatawang binaba ng lalaki ang kamay nito at may kinuha sa wallet.
"Miss, if you need anything, call me. Mark, at your service." May dinukot ito sa wallet nya at binigay sakin, isang calling card ito.
Inabot ko nalang ito para hindi mapahiya.
Pagkaabot nito sakin ay kumindat pa ito sakin at biglang inabot ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. Nagulat ako sa ginawa nito at agad ko itong binawi saka sya nagpaalam samin.
Nang humarap ako sa kasama ko ay parang gusto ko nalang lumubog sa kinauupuan ko dahil sa talim ng tingin nito sakin.
Hindi ko nalang ito pinansin at maya maya pa ay dumating na ang inorder nito para samin. Mukhang masarap ang mga ito.
Kumain kami ng tahimik at hindi na ko kinausap pa nito hanggang matapos.
Sobrang awkward ng mga oras na to. Gusto ko nang umuwi, parang habang tumatagal ay pabagal nang pabagal ang oras. Mabuti sana kung kinakausap ako nito.
(Duh? Kinakausap ka nga kanina pero ikaw tong umuurong ang dila) sabi ng isip ko.
Pagkatapos magbayad ay niyaya na ako nitong umuwi.
"Let's go" malamig na sambit nito.
Tumango ako at tumayo na rin.
Nasa loob na kami ng sasakyan pauwi nang biglang tumunog ang cellphone nito. Sinagot naman nito agad ang tawag nang makita kung sino ito.
"Yes babe?" Sabi nito sa kabilang linya.
Yung girlfriend pala niya.
- ok, I'll pick you up. Where?
- Ok, ok, I love you too.
Napasulyap ako dito at nagulat ako nang bigla din itong tumingin sakin. Mabilis akong umiwas ng tingin at tumingin sa labas.
At ito na nga isang oras na namang katahimikan.
Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana.
At kung minamalas ka nga naman ay traffic pa. Napabuntong hininga nalang ako.
Dahil sa tagal ng traffic ay bigla akong hinila ng antok.
SANDRO's POV
Naipit kami sa traffic on our way home with Kara. Napatingin ako dito dahil di na yata gumagalaw sa kinauupuan niya. Nakatulog na pala ito.
Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang ginawa kanina ng bestfriend kong si Mark sa kanya. Yes, Mark is my bestfriend and alam ko ang likaw ng bituka niya.
That guy is really an asshole.
Talagang sa harapan ko pa talaga naglandian ang dalawang ito.
Why am I so affected? I'm not interested with her after all.
(Really?) sabi ng traydor na isip ko.
Para akong baliw na nilalabanan kung ano ang sinasabi ng isipan ko ngayon. Parang nawawala ako sa focus. Damn!
Maya maya pa ay biglang may bumusina sa likod ko at nakita kong umusad na pala ang traffic.
Napasulyap naman ako sa kasama ko at nakita kong mahimbing parin ang tulog nitong nakaharap ang mukha sakin.
Damn! That lips of hers. Naakit talaga ako. Like I wanna kiss and bite it.
And it's making me hard!
Napabuntong hininga pa ako at pinagpatuloy ang pagdadrive.
At nang makarating kami ng bahay ay hindi ko pa ito ginising. Nasa loob parin kami ng sasakyan.
Hindi ko parin pinapasok ang sasakyan sa loob ng gate.
Para akong tangang nakatitig sa mukha nito. Para akong adik.
Napailing nalang ako.
Damn. Why am I doing this? I have a girlfriend in the first place.
Maya maya pa ay bigla itong gumalaw. Nagising na yata.
Mabilis naman akong tumingin sa harap.
"Nasaan na tayo?" Tanong nito sakin.
"Labas ng gate ng bahay" simpleng sagot ko.
"Ano pa pong ginagawa natin dito?" Takang tanong nito sakin.
"Kanina pa kita ginigising pero hindi ka magising, kaya hinintay nalang kitang magising ng kusa, nakakahiya naman sayo"
(LIAR!) sabi ng isip ko.
Kita ko ang gulat sa mukha nito, which I find it cute.
Wait, what the heck did I just say??
Mabilis nitong tinanggal ang seat belt nito at binuksan ang pinto at lumabas at nagdoor bell para buksan ang gate ng mga nasa loob.
Agad namang bumukas ang gate.
KARA's POV
Hiyang hiya ako at mabilis akong bumaba ng sasakyan para pabuksan yung gate.
Bakit ba kasi nakatulog ako?
Nakanganga kaya ako habang natutulog?
Parang ayaw ko munang magpakita kay Sir Sandro dahil ss kahihiyan at naipadyak ko nalang ang paa ko habang papasok ang sasakyan nito sa malaking gate.
Ang tagal naman kasing bumalik ng guard dito. May guard daw talaga si Sir Sandro dito sa bahay, pero humingi daw muna ito ng dalawang buwan na leave dahil nanganak ang asawa nito at wala daw aalalay sa asawa nito.
Kaya naman kaming mga kasambahay muna ang taga bukas at sara ng gate kapag lalabas at papasok ito. Hindi naman mabigat na trabaho iyon, magaan pa nga e.
Nang makuha namin ang mga pinamili sa likod ng sasakyan nito ay agad din itong umakyat sa kwarto nito. At nang bumaba ito ay nakabihis na ito uli ng panlabas.
Naalala ko susunduin pala nito ang girlfriend niya.
Pormang porma ito at para akong nanonood ng isang fashion show. Habang naglalakad ito pababa ng hagdan.
Nagulat ako nang bigla akong kabigin ni Bridget at bumulong sakin.
"Baka matunaw si Sir Sandro niyan"
Nagulat ako sa sinabi nito at umayos ng lakad at dali daling nangtungo sa kusina para ayusin ang mga pinamili namin.
"Sandro?" Tawag ni Nay Nena sa kanya.
"Yes Nanny?" Sabi nito at sinulyapan si Nay Nena.
"Aalis ka?" Tanong ni Nay Nena sa kanya.
"Opo, may pupuntahan po kami ni Nica, I'm going to pick her up, wag na po ninyo akong hintayin mamaya nanny, matulog na po kayo kapag wala pa po ako" paliwanag nito.
"Sige iho, mag iingat ka"
"Yes nanny, I will" sabi nito at nahuli pa niya akong nakatingin sa kanya nang matapos syang kausapin ni Nay Nena.
Kinabukasan ay nagpaalam kami ni Bridget kay Nay Nena na lalabas at ipapasyal daw ako ni Bridget sa kalapit na mall.
Naexcite ako bigla dahil ngayon lang uli ako makakapamasyal, kahapon kasi hindi ko naenjoy ang pamamanlengke dahil kasama ko si Sir Sandro.
(Hindi nga ba?) sabi ng utak ko. Pinilig ko ang ulo ko at niyaya na ako ni Bridget at aalis na raw kami.
Nagsuot lang ako ng Tshirt at skinny jeans na itim at pinaresan ko ito ng puting sneakers. Dito kasi ako komportable at maliban don mga ganitong style lang ang alam kong suotin.
Marami ang pumupuri simula pa noon sa akin dahil akala nila ang mga simpleng damit na sinusuot ko ay mamahalin pero hindi. Hindi naman sa pagmamayabang pero maputi kasi ang balat ko kaya kahit anong ipasuot sa akin ay bumabagay sa akin.
Paglabas namin ng bahay ay napansin kong wala ang isang kotse ni Sir Sandro, apat kasi ang sasakyan nito at puro mamahalin lahat. Hindi siguro ito umuwi kagabi at baka nagstay ito sa girlfriend niya.
E ano bang pakealam ko? E natural lang naman iyon dahil girlfriend niya ito.
Nilakad namin ni Bridget ang subdivision hanggang sa may guard house at doon kami pumara ng taxi. Wala kasing dumadaang tricycle dito kaya madalas ay taxi.
Pagsakay namin ng taxi ay dinala na kami nito kung saan kami paroroon.
Tumigil ang taxi sa isang mall at bumaba na kami.
Pumasok na kami ni Bridget at naglakad lakad. Mga importante lang naman ang bibilhin ko na magagamit ko dahil nakabudget ang pera ko at magpapadala pa ako kay nanay. Tinawagan ko ito kagabi at sinabi kong magpapadala ako ngayon.
Maya maya pa ay hinila ako ni Bridget sa isang malaking stall ng isang kilalang brand ng damit at bag pambabae at panglalaki.
"Anong gagawin natin dito? Hindi naman tayo bibili?" Tanong ko dito.
"Ano ka ba, magtitingin lang tayo, dali na!" Sabi nito at wala na akong nagawa nang hilahin nya ako papasok.
Tinginan ang mga tao sa aming dalawa dahil sa itsura namin dahil kung titignan mo ang mga nasa loob ng boutique na ito ay puro elitista ang nandito.
Nakayuko ako habang nagtitingin si Bridget sa tabi ko. Nakasunod lang ako sa kanya.
Maya maya pa ay may nakita akong puting sapatos, ang simple pero maganda ito para sa akin. Napatingin ako sa sapatos ko at nakita kong medyo nasisira na ang magkabilang gilid nito.
Nilapitan ko ang puting sapatos at hinawakan ito at tinignan ng mabuti.
Biglang may lumapit na sale's lady sakin at tinanong ako.
"Pwede nyo pong isukat yan mam" sabi nito sakin, pero umiling iling ako lalo na nang makita ko ang presyo nito.
Ibabalik ko na sana ang hawak kong sapatos nang may magsalita sa likuran ko.
"Kara?" Sambit nito ng pangalan ko.
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko na ito yung kaibigan ni Sir Sandro na may ari ng restaurant na kinainan namin.
"Kayo po pala" sabi ko nalang dito. Agad ko namang binalik sa lalagyanan ang sapatos na hawak ko.
"Sinong kasama mo?" Tanong nito sakin.
"Yung kaibigan ko po, si Bridget" sabi ko sa kanya.
Tumango tango ito at hindi parin mapuknat ang mga ngiti nito sa kanyang labi.
"Sige po, alis na po ako" paalam ko sa kanya.
"Wait, can I get your number?" Tanong nito sakin.
"Po??" Gulat na tanong ko sa kanya.
"Can I get your number?" Ulit pa nito.
"Wala po akong cellphone" pagsisinungaling ko sa kanya. Para hindi na niya ako pilitin.
"I don't believe you" sabi nito sakin at natatawang lumapit sakin. At kinuha ang cellphone na hawak ko na de keypad.
Nahihiyang tumingin ako dito.
"Sir, akin na po yan" sabi ko dito at pilit na inaabot ang cellphone ko sa kanya. Pero mas lalo pa nya itong itinataas ang kamay niya at Halos magdikit na ang katawan naming dalawa.
Pilit ko paring inaabot ito at nakatingala parin ako sa kamay nito nang makita kong may isang kamay ang nagabot ng cellphone ko.
Halos lumaki ang mata ko at sinundan ang kamay ng kung sino mang kumuha nito kay Sir Mark.
Pati si Sir Mark ay nagulat din.
"Kung ayaw niyang ibigay, wag mong pilitin" malamig na sabi nito.
"Sir Sandro" sambit ko.
"Here you go again Sandro, come on, it's just a number" giit pa nito.
"Sa dami ng babae mo, Diaz? Really? Isasama mo pa sya?"Turo nito sakin at inabot niya sakin ang cellphone ko na agad ko namang kinuha.
Nakita ko namang biglang tinakpan nitong Mark ang bibig ni Sandro at para silang mga bata.
"Yang bibig mo Del Mundo! Hindi ko pa man nailalabas si Kara ay badshot na agad ako! Huwag kang maniwala, dito Kara"
At lumingon pa ito sakin.
Pilit namang tinatanggal ni Sandro ang kamy ni Mark sa bibig nito hanggang sa makawala si Sandro dito.
"What's happening here?" Isang maarteng boses ang aming narinig at biglang sumulpot sa likuran ni sir Sandro.
"Nothing, are you done?" sagot ni Sandro kay Mam Nica at nilingon niya ito.
"Yes, let's go babe" yaya nito kay Sir Sandro at tumingin pa sakin mula ulo hanggang paa.
"What is she doing here?" Tanong ni Mam Nica kay Sir Sandro na hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Maybe they're just hanging around" simpleng sagot ni Sir Sandro sa kanya.
"In this kind of place?" Tanong nito uli na parang kulang nalang sabihin nito sa akin ay hindi ako nababagay dito.
Unti unti na kaming pinagtitinginan ng mga tao.
Maya maya pa ay biglang tumabi sakin si Bridget at nagtinginan kaming dalawa.
"Ok guys, calm down. Nica, wala namang sinabing bawal sila pumasok dito a" sabi ni Mark dito.
"Whatever Mark" sabi nito at tinignan ng masama si Mark.
Tinaas naman ni Mark ang dalawa nitong kamay tanda ng pagsuko nito.
"Aalis na po kami" paalam ko nalang sa kanila at mabilis kong hinila si Bridget.
Nakita ko naman na hinawakan ni Sandro ang kamay ng girlfriend niya para pakalmahin ito.
Nang makalayo kami doon ay humarap sakin si Bridget.
"Ang maldita talaga ng bruhang yon!" Sabi nito at tinirik pa niya ang kanyang mga mata.
"Hayaan mo na, tama naman sya, hindi naman talaga tayo nababagay doon" sabi ko dito.
"Aba! Pagmamay ari ba niya ang boutique na yon? E hindi naman! Kainis talaga yon! Mas maganda ka naman don!" Sabi nito at tumawa pa. Hinampas ko naman sya sa balikat at baka may makarinig samin.
Nagtawanan nalang kami habang naglibot libot sa mall para naman kahit papaano ay makalimutan namin yung nangyari at nang mapagod at makapamili ng mga kailangan ay umuwi na kami.
Gabi na nang makarating kami sa subdivision. Kumain pa kasi kami bago umuwi at sa sobrang daldal ni Bridget ay hindi namin namalayang alas otso na pala ng gabi. Kaya bilis kaming umuwi.
Pagkababa namin ng taxi ay pumasok na kami sa main gate. Tinanguan naman kami ni kuyang Guard.
Nang nasa tapat na kami ng bahay ay nagdoor bell kami. Ilang minuto pa ay may nagbukas nito.
Pagbukas ng gate ay halos hilahin kami ni ate Letty.
"Diyos ko, kayong dalawa talaga! Anong oras na bat ngayon lang kayo??" May pagaalala sa boses nito.
"Napasarap lang po sa pamamasyal ate" sabi naman ni Bridget.
"O sya, pumasok na kayo"
Pagpasok namin ng kabahayan ay nagulat kami ni Bridget nang madatnan namin si Sir Sandro, sina Nay Nena at ate Connie na nasa sala.
Parang nabunutan ng tinik ang mga mukha ng mga ito nang makita kami.
"San kayo galing na dalawa?" Tanong ni Nay Nena samin.
"Sa mall po nay, napasarap lang po ss pamamasyal." Sagot ko naman dito.
"Only the 2 of you? No other?" Sunod na tanong naman ni Sir Sandro.
"Opo" sabay na sagot namin ni Bridget.
"Ano ba naman kayo, Bridget, hindi mo man lang ba naisipang tumawag? At ikaw Kara" sabi ni Nay Nena samin. "Ni isa sa inyo walang nakaalalang tumawag?" Dugtong pa nito.
"Sorry po, Nay, Sir Sandro, nakalimutan po kasi namin" sabi naman ni Bridget at nagsorry din ako.
"Kayong dalawa talaga, muntik nang tumawag si Sir Sandro sa pulisya at balak na niya kayong ipahanap na dalawa lalo ikaw Kara at bago ka dito, akala namin ay nawala na kayo o kaya baka may masamang nangyari sa inyo, hindi naman namin alam kung pano kayo tatawagan dahil hindi naman namin alam mga numero ninyo sa telepono" mahabang litanya ni Nay Nena.
"Hindi na po mauulit" sabi ko nalang dito.
"O sya, magbihis na kayo para makapagpahinga" sabi naman ni Nay Nena samin. Tumango naman kami at nakayukong naglakad. Lumingon naman ako kay Sandro at nakita kong nakakunot ang noo nito habang nalatingin sakin.
Lalagpasan ko na sana sya nang magsalita ito.
"Are you with Mark?" Tanong nito.
"Hindi po" simpleng sagot ko.
"Good" sabi lang nito at tinalikuran na ako.
Ang weird talaga minsan ng lalaking yon.