Hanggang ngayon ay natutulala parin ako. Naiisip ko parin ang nangyari sa kusina nang gabing iyon.
Hindi ko alam, pero may bahagi ng isip ko na gustong mangyari uli yon.
Simula nang gabing iyon ay madalang ko nalang makita si Sir Sandro. Hindi ko alam kung umiiwas ba ito sakin o sadyang hindi lang kami nagpapang abot.
Gusto ko uling marinig ang boses niya.
Gusto ko syang amuyin.
Haaaayst! Para akong nagayuma na hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Sinampal ko bigla ang sarili ko habang nagdidilig ako ng halaman dito sa hardin. Baka sakaling magising ako sa katotohang hindi ako magugustuhan ni Sandro.
Wait!
Nagkakagusto na ba ako sa kanya?
Hindi naman siguro. Baka crush lang?
Tama. Crush lang to.
Lahat ng nararamdaman ko ngayon ay bago sakin.
Para na akong baliw dito kung may makakakita sakin.
Padyak. Ngiti. Lungkot. Sinasampal ang sarili.
Lahat yan ginagawa ko ngayon.
"Ano baaaaaaa? " nasambit ko bigla.
Bigla namang sumulpot si Bridget sa gilid.
"Huy Kara! Anong nangyayari sayo?" Tsnong nito sakin.
"Huh? Wa-wala!"
"Suuuuus! Halika at maglinis daw tayo sa kwarto ni Sir Sandro at darating daw si Mam Nica mamaya!" Yaya nito sakin.
Nang marinig ko ang pangalan ng girlfriend nya ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.
Pero hindi ko nalang ito pinansin.
Nagtungo kami sa kwarto ni Sandro. Buti nalang wala ito at nasa opisina.
Pagpasok namin ni Bridget ng kwarto nito ay ngayon ko lang napagmasdan ang kabuuan nito. Hindi ko kasi masyadong napansin noong pumasok ako ng gabing yon dahil ang katawan nito agad bumungad sa akin.
Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko sa naalala ko.
Inumpisahan naming linisin ang banyo at sumunod ang office nito na konektado sa kwarto nito. Sinunod namin ang kwarto nito.
Napadako ang tingin ko sa picture frame na nasa bedside table.
Picture nila ito ng girlfriend niya. Umupo muna ako sa gilid ng kama para magpahinga at kinuha ko ang litrato na nakadisplay.
Ang ganda ng girlfriend nya. Modelong modelo ang datingan. At ang saya nilang tingnan na dalawa sa litrato. Bagay na bagay sila at pareho silang mayaman.
Napabuga nalang ako ng hangin.
"Kara! Ano? Tapos ka na ba dyan?" Tanong ni Bridget.
Tumango naman ako at niyaya na ako ni Bridget na lumabas ng kwarto.
"Kung hindi mamaya ay baka bukas pupunta dito si Mam Nica, naku Kara umayos ka pag nakita mo si Mam Nica ha? Malala yun!" Paalala ni Bridget sakin.
"Ha? Paanong malala?"
"Maarte at masungit yun Kara! Kaya nga umalis yung pinalitan mo dahil sa kanya"
"Akala ko pa naman, nang dahil kay Sir Sandro"
"Oo nga pero.. ayy basta! Mahabang kwento!" Sabi ni Bridget.
Hindi na ako nagtanong pa at sumunod nalang ako sa kanya palabas ng kwarto.
Pagsapit ng gabi ay mahimbing nang natutylog ang mga kasama ko. Bumangon muna ako dahil hindi ako dalawin ng antok.
Naisipan kong lumabas muna sa hardin at magpahangin. Namimiss ko na ang buhay sa probinsya.
Nagsuot ako ng pajama at malaking t-shirt bago lumabas ng kwarto.
Habang naglalakad sa pasilyo ay may narinig akong mahinang kaluskos. Sinundan ko kung saan ito nanggagaling.
Lumingon ako sa paligid ngunit wala akong makita. Bigla akong kinabahan.
Magnanakaw! Yun ang unang pumasok sa isip ko.
Dahan dahan akong naglakad upang di ako makagawa ng ingay. Sinundan ko ang ingay at kumuha ako ng vase na malapit sakin, yung saktong mabubuhat ko lang.
At nang malapit na ko sa naririnig kong kaluskos ay bigla itong nawala at biglang may tumakip sa bibig ko mula likod!
Sinubukan kong sumigaw ngunit malakas ito! Mabilis niyang kinuha sa kamay ko ang vase na hawak ko nang muntik ko na itong mabitawan at nilapag ito sa pinakamalapit na lamesa.
Medyo may liwanag akong nakikita dahil sa lampshade na nagmumula sa pasilyo.
Nagpupumiglas ako ngunit malakas ang taong nasa likod ko at sa palagay ko ay lalaki ito dahil sa matitupuno nitong dibdib.
Gusto ko nang maiyak sa takot. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
Natagpuan ko nalang na hinihila niya ako papuntang guest room habang yakap niya ako mula sa likod.
At nang maipasok niya ako sa guest room ay agad niyang sinindi ang ilaw. Halos sumakit ang mata dahil nasanay ito sa dilim.
Ganon nalang ang gulat ko nang makita ko kung sino ang humila sakin dito.
"S-s-sir Sandro?" Gulat na tanong ko dito nang makabawi ako.
"Jesus Christ Kara! Anong ginagawa mo dito nang ganitong oras?!"
"Sir, magpapahangin lang po sana ako sa garden dahil hindi po ako dalawin ng antok" napapahiyang sabi ko dito.
Tumingala ito at hinawakan ang kanyang sentido.
"Next time, magsalita ka naman!" Galit na sabi nito sakin.
"Sorry po, akala ko po kasi magnanakaw kayo kaya dahan dahan po akong naglakad"
"Yun ang naisip mo? Paano kung totoong magnanakaw ako? Kaya mo bang ipagtanggol ang sarili mo?? Huh?!" Inis na sabi nito.
Napayuko nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Gusto kong umiyak dahil pinagtaasan niya ako ng boses pero pinipigilan ko ang sarili ko.
But, too late. May nakatakas na butil ng luha ko. Habang kagat kagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili ko sa paghikbi.
"Wait, are you crying?" Tanong nito sakin pero hindi parin ako sumasagot.
Nagulat ako nang bigla syang lumapit sakin at hinawakan ang baba ko pataas.
Agad akong umatras at umiling.
"No, I didn't mean to shout at you, nabigla lang ako" Paliwanag nito na may pagaalala.
"O-ok lang po sir, nabigla lang din po ako, balik na po ako sa kwarto" paalam ko dito at mabilis akong tumalikod sa kanya at lumabas ng guest room.
Mabilis akong naglakad hanggang sa makapasok ako ng kwarto namin. Humiga ako at doon ako tahimik na umiyak. Unang beses kasing may sumigaw sakin at sa lalaki pa kaya kahit wala lang yon pakiramdam ko ay napahiya ako.
Nang magising kami kinaumagahan ay agad kaming naghanda ng mga lulutuin para mamaya dahil dadating daw yung girlfriend ni Sir Sandro. Mabuti nalang at hindi namaga yung mata ko pagkagising.
Ilang oras ang lumipas at maya maya pa ay nagsalita si Nanay Nena.
"Nandyan na si Mam Nica at Sir Sandro, Connie, kayo muna ang bahala dito, sasalubungin ko lang sila." Utos nito kay ate Connie.
Kaming apat naman ay sumilip sa gilid sa hindi kita.
Napadako ako ng tingin sa babae na ngayon ay kasama ni Sir Sandro. Nakaramdam ako ng inggit ng makita kong nakaakbay sya sa babae.
At tulad nga ng sinabi ko sa litrato nito ay talagang maganda nga ito at matangkad na di nagkakalayo kay sir Sandro. Bagay na bagay takaga sila, ang saya nilang tignan at mukhang mahal na mahal nila ang isa't isa.
Mula sa damit, bag at sapatos ng babae ay mukhang mamahalin. Syempre, mayaman, ano pa ba ang ineexpect ko.
Maya maya pa ay lumapit na si Nanay Nena samin.
"Ilabas nyo na ang mga pagkain at kakain na daw sila" utos niya samin.
Agad naman kaming kumilos at dinala ang mga pagkain sa Dining table.
Napasulyap ako sa babae na ngayon ay nakaupo na sa tapat na upuan ni Sir Sandro at nagulat ako ng makita kong titig na titig ito sakin.
Napayuko naman ako, dahil hindi ko kaya ang paraan ng pagtitig nito. Parang nanghuhusga.
"Your new maid?" Mataray na tanong nito kay Sir Sandro.
"Yes" maikling sagot nito.
"Sana hanggang pagiging maid lang ang ginagawa nya dito" sabi nito na para sakin ay iba ang dating.
"What do you mean?" Tanong ni Sir Sandro dito.
"Come on babe, I know that you know what I'm talking about" natatawang sabi nito.
"You know what? Let's not talk about her, not worth my time" sabi ni Sir Sandro na hindi tumitingin sakin.
Nang marinig ko ito ay parang may tumusok sa dibdib ko.
Masakit marinig ang mga sinabi nito pero sino ba naman kasi ako? Katulong lang naman ako dito sa bahay na ito.
Nakita ko naman ang pagngisi ng girlfriend nya nang napapahiyang yumuko ako at mabilis na tumalikod nang maibaba ko ang pagkain sa lamesa.