Chapter 13

1376 Words
Ngayon ang araw ng engagement party nila Sir Sandro at nandito kami ngayon sa kwarto nila Bridget nagaayos. Hindi nya kami pinagalaw sa kusina at may catering naman daw at isa pa ay binilhan din nya kami ng mga damit para may maisuot ngayon. Nagpatulong daw ito sa sekretarya nya. Mas pinili kong magsuot ng flat sandals na bumagay naman sa bestidang puti na above the knee ang haba, ayoko nang magsuot ng mataas na heels dahil masakit sa paa, buti pa dito ay komportable ako. Simula din noong araw na iyon ay naging mailap kami sa isa’t isa. Alam kong iniiwasan nya ako at ganon din ako sa kanya. Mas maganda na iyon para mapigilan ko kung anoman ang namumuong damdamin ko para dito. Tinatak ko nalang sa isip ko na amo ko ito at magkaiba kami ng mundong ginagalawan at ikakasal na rin ito sa lalong madaling panahon. At pag nakaipon na rin ako ay aalis na rin ako dito. Sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin at tsaka ako lumabas ng kwarto, nauna na sina Nay Nena at iniwan na rin ako ni Bridget dito sa loob nang malaman nyang may mga gwapong kaibigan si Sir Sandro na dumating. Parang gusto ko nalang uli pumasok sa kwarto nang paglabas ko ng kwarto ay sya namang nakatayo ito sa sala at parang may hinihintay. Mukhang hinihintay nya si Mam Nica sa baba ng hagdan. Dahil nagsasalita na rin ang emcee sa oras na iyon at lahat ng bisita ay nasa labas lahat. Hindi muna ako nagpakita dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kaya hinintay ko munang tawagin sila ng emcee at nang eksaktong pagbaba ni Mam Nica sa hagdan ay sya namang tinawag sila ng emcee. “What took you so long?” Tanong ni Sandro dito. “Girl thing babe” sagot naman ni Mam Nica sa kanya at sabay na silang naglakad palabas. Dito na kasi nagayos ang girlfriend nito. “Ladies and Gentlemen, our soon to be Mr. and Mrs. Del Mundo! Let’s give them a toast!” Sabi ng emcee. Habang pinapanood ko ang mga tao sa party at sina Sir Sandro at Mam Nica ay doon pinamukha sakin ng mundo na wala ako sa kalingkingan ni Nica, para akong sinampal ng katotohanang hinding hindi papatol si Sandro sa isang kagaya ko. Bagay na bagay talaga sila. Habang nakatayo ako sa gilid ay may biglang tumabi sakin. “Masakit?” Tanong nito na syang ikinagulat ko kaya liningon ko ito. “Mark?” Gulat na sambit ko. Ngumiti ito sakin ng pagkatamis tamis at napayakap naman ako sa kanya ng friendly hug. “Miss me?” Tanong nya uli. “Sira! Pero oo, namiss ko yang kakulitan mo, pero may atraso ka parin sakin, iniwan mo ko sa party” sabi ko sa kanya pero pabiro. Nakapalagayan ko na rin kasi ito ng loob dahil na rin siguro sa pagiging makulit nya. Tumawa naman ito at nagpaliwanag “About that, gusto ko sanang tawagan ka nung time na yon, pilit kong kinukuha ang number mo kay Sandro pero ayaw talaga nyang ibigay at isa pa di ako makapasok dito noon kaya wala akong magawa.” Naguguluhan ako sa mga sinasabi nito habang nakatingin sa kanya. “Hayaan mo na nga, ang importante nakita mo na ang gwapo kong mukha” sabi nito. “Tss. Yabang” sabi ko dito at natawa naman ito. Nang tumingin na uli ako sa harap ay nakita kong nakatingin si Sir Sandro samin ni Mark at tinaas pa ni Mark ang baso nito. Tumango naman si Sandro mula sa maliit na entablado at tinaas din ang baso nito. Maya-maya pa ay nagpaalam muna si Mark at may mga kinausap itong mga lalaki na hindi naman nalalayo sa edad niya. ‘Nasaan kaya sina Bridget?’ Tanong ko sa isip ko nang hindi ko mahanap ang mga ito. Lumingon lingon ako sa paligid ko hanggang sa napadako ang tingin ko sa mommy ni Mam Nica na titig na titig sa akin. Nailang naman ako kaya umiwas ako ng tingin. Naglakad ako papasok ng bahay nang biglang may magsalita sa likod ko. “Iha” sambit nito at agad ko itong nilingon. Ang mommy ni Mam Nica. Lumingon muna ako sa paligid kung ako ba ang kausap nito. At nang masiguro kong ako nga ang pakay nito ay humarap ako sa kanya. “Bakit po?” Tanong ko dito. “How old are you?” Tanong nito bigla sakin at sinagot ko naman ito. “Your age is the same with my daughter” sabi nito. “Kaedad ko lang po si Mam Nica?” Tanong ko naman dito bigla. Ang pagkakaalam ko kasi ay mas nauna lang ng dalawang taon si Sir Sandro kay Nica. “No, not Nica, my lost daughter, Michaela” sabi nito. Eto na naman tayo sabi ko nalang sa isip ko. “Ganon po ba?” Sabi ko nalang dahil wala naman akong ibang sasabihin. Akmang magsasalita pa sana ito nang tawagin siya ng asawa nito. “Agatha, I’m looking for you, nandito ka pang pala, let’s go, tinatawag tayo sa harap” sabi nito at mabilis ko namang iniwan ang mga ito. Palalim na rin ang gabi at ang ibang bisita ay nagpaalam na, at puro na sila picture taking. Kaya naisipan kong kumain sa kusina dahil hindi pa ako kumakain. Nagulat pa ako nang makita kong nandito rin pala sina Nay Nena. “Oh Kara! Kanina ka pa namin hinahanap” sabi ni Bridget nang makita nila akong pumasok ng kusina. “E hinahanap ko rin kayo doon e” sagot ko naman dito. “Kumain ka na ba? Halika, kain tayo” sabi naman ni Nay Nena at tumayo pa ito at binigyan ako ng plato, kinuha ko naman ito. “Bakit po kayo nandito?” Tanong ko sa kanila habang kumukuha ng pagkain sa lamesa. “Hindi kasi kami makasabay sa mga mayayaman kaya mas pinili naming dito nalang kumain.” Sabi naman ni Ate Letty. Kumain kami sa kusina habang nagkekwentuhan at syempre nangunguna na naman si Bridget kaya napuno ng tawanan ang kusina. Hinintay muna namin na matapos ang party at umuwi ang mga bisita saka kami tumulong sa pagligpit ng mga gamit ng mga nagcater. Tanging ang naiwan nalang ay ang pamilya ni Sandro at Nica. Nasa sala silang lahat at nagkekwentuhan hanggang sa mapaalam na rin ang mga ito at umuwi. Naiwan naman si Mam Nica at Sir Sandro sa sala at napaiwas naman ako ng tingin sa mga ito nang maghalikan sila. Nakikita kasi dito sa labas ang loob ng sala. ‘Bakit ko pa kasi tinitignan. Sinasaktan ko lang ang sarili ko.’ Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko. Pagkatapos naming iligpit ang ibang gamit at umalis na rin ang mga nagcater ay pumasok na rin kami sa loob ng kwarto at nagpalit ng mga pantulog. Wala na rin sina Sandro sa sala baka nagpahinga na rin sila. Kinabukasan ay inutusan kami ni Nay Nena na maglinis ng hardin dahil marami pang ibang naiwan na kalat kagabi habang sila namang dalawa ni ate Connie ay nagluto ng agahan. Tinawag naman ako ni Bridget para ibalik sa dating ayos ang bilog na lamesa na malapit sa pool. Habang buhat buhat namin ito ay bigla namang sumulpot si Mam Nica sa hardin. “Hey you!” Sabi nito at tinuro ako. “Ako po?” Tanong ko naman dito. “Of course! Sino pa ba? Alam mo, lahat nalang gusto mong agawin sakin no?” Bigla ay sabi nito. “Hindi ko po alam ang sinasab niyo” sagot ko naman sa kanya. “Don’t you dare talk to my mom again!” Sabi nito at dinuro pa ako. Napapahiyang yumuko nalang ako at tumango nalang para wala nang mahabang usapan. Ayoko nang makausap ito, kaya nga todo iwas na rin ako kay Sandro dahil baka sa susunod mapatay na ako ng fiance nya. “Mabuti nang nagkakaintindihan tayo, what’s mine is MINE” may diin pa ang bawat salita nito at umalis. “May sakit yata sa utak yon” bulong ni Bridget at pinandilatan ko naman ito at baka marinig pa kami baka mapalayas kami nang wala sa oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD