Natigil ako sa pagdidilig ng halaman sa labas nang makarinig ako ng door bell sa labas ng gate. Mabilis kong pinatay ang host at nagmamadaling binuksan ito. Nagulat naman ako nang makita kong ang mommy ni Sir Sandro ang mapagbuksan ko.
“Kayo po pala Mam, pasok po kayo” pagpapatuloy ko sa kanya.
“Nandyan ba si Sandro?” Tanong nito bigla sakin. Nagtataka naman ako at sinabi kong wala ito dito ngayon. Hindi nya ba ito tinawagan?
“Oh, good” sabi nito at tinignan ko naman ito nang may pagtataka.
“Come with me” sabi nito bigla at basta nalang ako hinila at pinapasok sa sasakyan.
“S-saan po tayo pupunta?” Gulat na tanong ko dito.
“May pupuntahan tayo saglit, just relax” sabi nito at inutusan na nito ang driver nya na paandarin ang sasakyan.
“Baka po hanapin ako ni Nay Nena” nagaalangang sabi ko dito. Pero hindi ito umiimik kaya hindi na rin ako nagsalita.
Kinakabahan ako ngayon dahil unang una ay hindi ko alam kung saan kami pupunta, baka masisante pa ako sa trabaho dahil hindi ako nagpaalam. Maya-maya pa ay tumigil ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant. Napakunot ako ng noo dahil gusto lang pala nitong kumain ay sinama pa ako.
Nahihiya akong pumasok sa loob dahil sa suot ko at nakatsinelas lang ako. Pero wala akong magawa dahil utos ito ng mommy ni Sir Sandro.
“Anong gusto mong kainin?” Tanong nito bigla.
“K-kahit ano po” sabi ko nalang dito dahil hindi ko alam kung ano ang mga kinakain dito. Pagkasabi ko non ay tinawag na nito agad ang waiter at nagorder.
“B-bakit niyo po ako sinama dito?” Tanong ko sa kanya dahil nacu-curious talaga ako.
“Niloloko ni Nica ang anak ko” sabi nito na nakatingin sa akin.
Natigilan ako sa sinabi nito. Paanong niloloko?
“Matagal na, kada pupunta ito ng ibang bansa ay doon niya minimeet ang lalaki niya, I just found out month ago”
“Bakit niyo po sinasabi sakin ang mga iyan? Katulong lang po ako, wala po akong kinalaman dyan” diretsang sabi ko sa kanya.
“I need your help” sabi nito bigla.
Naguguluhan naman akong tumingin sa kanya.
“5 million pesos, hadlangan mo ang pagpapakasal ng anak ko sa babaeng iyon”
“P-po? Ayos lang po ba kayo? Bakit ako?”
“Dahil nakikita ko kung gaano ka threatened si Nica sayo, I’ve never seen her like this before”
“Pero napakaimposible po ng sinasabi nyo” sabi ko dito na naguguluhan parin.
“Just make my son fall in love with you” sabi nito at halos magpantig ang tenga ko sa narinig ko.
“P-po? Hindi ko po kayang gawin yan” sabi ko dito dahil napakaimposible talaga ng sinasabi niya.
“Just do it, or I’ll make you and your mother’s life miserable, alam kong kailangan mo ng pera ngayon, and remember, in just one snap of my finger, I can do whatever I want to” sabi nito na sa tono ng boses nito ay desidido siyang gawin kung ano man ang binabalak niya.
“Wag ka nang magisip, basta gawin mo nalang kung ano ang gusto kong mangyari, kung magpakasal man kayo, then it would be better.”
“Mam, parang napakaimposible naman po ng mga sinasabi nyo, hindi po magandang biro yan” sambit ko, dahil baka pinaprank lang ako nito.
“What? Hindi ako magaaksaya ng oras ngayon para lang dito kung nakikipagbiruan lang ako sayo” medyo mataas na ang boses nito na pilit niyang pinapakalma. Natakot naman ako bigla. Hindi ako makaimik at lalong hindi ako makapagisip ng tama.
“Pero mam Lisa hindi po ganon kadali ang sinasabi nyo” pagpupumilit ko dito. “Tsaka mam, marami pa po dyan ibang babae na nagkakandarapa kay Sir Sandro” dagdag ko pa.
“No. I want you. End of discussion” sabi nito na may diin.
Tulala parin ako nang makauwi ako ng bahay. Hindi nila ako hinanap, ibig sabihin ay mabilis lang din kaming nawala ng mommy ni Sir Sandro.
“Kara, ok ka lang?” Tanong ni Bridget habang naghihiwa sya ng Karne pang ulam sa hapunan. Habang ako naman ay nakaupo sa tabi niya. Alas tres na pala ng hapon, malapit na umuwi si Sir Sandro.
Tumango lang ako bilang sagot.
“Wala pala si Mam Nica, pumunta na naman daw sa France” sabi nito bigla. Napalingon naman ako sa kanya, naalala ko tuloy ang sinabi ni Mam Lisa.
“Talaga?” Tanging nasabi ko dahil okupado parin ang isip ko hanggang ngayon.
“Oo, at eto pa, alam mo ba narinig ko sila ni Sir Sandro nagaaway noong katatapos ng engagement party nila, kasi nga ayaw ni Sir Sandro na umalis sya kasi kagagaling lang niya ng France nong nakaraang buwan at eto na naman” dagdag pa nito.
“Ayaw ba ni Sir Sandro ang pagmomodelo niya?” Tanong ko naman dito.
“Suportado naman kaso nga lang e parang napapadalas na ang pagalis neto papuntang France” sagot naman niya.
“Makapagkwento ka akala mo alam na alam mo lahat a” at pinaningkitan ko ito ng mata.
“Ano ka ba?! Talent ko ito Kara, kung may gusto ka pang malaman ay aalamin natin” pabirong sabi nito at tumawa.
“Paano?” Tanong ko dito.
“Nakikinig kasi ako sa labas ng pintuan ng kwarto ni Sir Sandro pag may free time ako” sabi niya sakin at doon ako umubo nang umubo dahil nalunok ko bigla ang sarili kong laway sa sinabi nito.
Napaisip ako bigla, hindi kaya narinig din niya kami ni Sandro sa kwarto noon? Hindi naman siguro.
“Ok ka lang?” Sabi nito at hinagod pa ang likod ko.
“Oo, okay lang ako.” At winagayway ko pa ang isa kong kamay sa harap nya.
“Naku ha, may hindi ka ba kinekwento?” Sabi pa nito na parang nagdududa.
“Ha? W-wala a!” Pagsisinungaling ko.
“Hmmmm. Ok” sabi lang nito at dumaldal pa nang dumaldal sa tabi ko habang nagluluto, kami kasi ang inutusan ni Nay Nena sa pagluluto ngayon.
Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay nagtataka ako kung bakit wala pa si Sandro.
“Nay, wala pa po ba si Sir Sandro?” Tanong ko dito nang kaming dalawa nalang ni Nay Nena ang naiwan dito sa kusina. Baka kasi mabigyan pa ng malisya ang pagtatanong ko ni Bridget pag narinig niya ako.
“Wala pa nga e, hindi naman sya tumawag sakin kung malelate ba sya ng uwi o hindi” sagot naman nito.
“Ganon po ba? Sige po ilalagay ko nalang po itong ulam sa ref at iinitin nalang po pagdating niya.”
“Mabuti pa nga iha, sige, mauna na ko sa kwarto ha? Ikaw na bahala dito, pwede bang ikaw na rin ang maghintay kay Sandro?” sabi nito.
“Sige po nay” pagsang ayon ko dito saka sya umalis ng kusina at iniwan na akong magisa.
Nang matapos ako sa kusina ay naglibot muna ako ng buong bahay kung may mga nakasaksak na mga hindi nagagamit o kung ano para na rin iwas sunog. Ang iniwan ko lang na nakailaw ay ang mga lamp shade sa sala. Alas otso na rin kasi ng gabi.
At bago pa ako makapasok ng kwarto ay narinig kong may nagdoor bell sa gate, baka si Sandro na ito kaya mabilis akong naglakad palabas ng bahay at binuksan ang gate.
Pumasok naman ito agad ng gate saka ko sinara.
Hinintay ko naman ito sa may pintuan sa sala para kunin ang coat at briefcase nito. Kinakabahan man ay pilit kong kinompose ang sarili ko, matagal ko na rin kasing hindi nagagawa ito sa kanya. At nang nasa harap ko na sya ay bigla kong naalala ang mga sinabi ng mommy nito. Kaya nginitian ko ito ng todo.
“S-sir tulungan ko na po kayo” sabi ko dito at binigay naman nya agad ang coat at briefcase nya. Nakatitig lang ito sakin habang kinukuha ko ang mga gamit niya kaya napayuko ako at umalis sa harap niya tsaka sinara ang pinto. Sinindihan ko naman ang mga ilaw para maliwanag.
Hindi ito umiimik habang paakyat ito ng hagdan. Mukhang pagod ito sa trabaho. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa nakarating ito ng kwarto niya, binuksan nito ang pinto at pumasok, sumunod naman ako at nilagay ang mga gamit nito sa pinakamalapit na upuan. Nang magangat ako ng tingin ay siya naman na iniisa isa nitong tinatanggal ang butones ng long sleeve niya habang mataman na nakatitig sakin. Kinakabahan man ay tinigna ko rin ito.
Nang hindi parin ito nagsasalita ay tinanong ko na ito at pilit na nilabanan ang mga titig niya.
“Sir, saan nyo po gustong kumain? Dito po ba o sa dining room?”
“Susunod nalang ako sa baba” simpleng sagot nito at tinanguan ko nalang ito at lumabas ng kwarto.
Mabilis ko namang nilabas sa ref ang ulam at nireheat at saktong pagbaba nito ay naihain ko na ang pagkain nito at nakabihis na rin ito. Napatingin naman ako sa suot nitong pajama dahil may nakaumbok sa baba nito, napaiwas naman ako ng tingin at napalunok nang makita kong tumingin ito sakin.
“K-kain na po kayo sir” sabi ko nalang dito saka sya umupo at nagsimulang kumain. Nakatayo lang ako sa gilid nang bigla itong magsalita.
“Pwede kang umupo” sabi nito at napatingin naman ako sa kanya. Pero nakatingin ito sa kinakain nya.
“S-sige po” ani ko at dahan-dahan humila ng upuan saka ako umupo sa dulo.
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Ni hindi ito nagsasalita hanggang sa matapos itong kumain. Mabilis ko namang kinuha ang mga pinagkainan nito at dinala sa lababo at sya naman ay hindi parin umaalis sa dining room pero nakatayo ito habang umiinom ng tubig. Parang malalim ang iniisip niya.
Inuna ko nang hinugasan ang mga plato. Kukunin ko nalang mamaya yung baso pag alis niya. Habang binabanlawan ko na ang mga plato ay nagulat ako nang bigla nitong ilagay ang baso sa lababo at kung titignan ang pwesto namin ngayon ay nakakahiya dahil para akong nakakulong sa mga bisig niya.
Natigilan din ako nang maramdaman ko ang umbok nito sa likod ko na nagbigay sakin ng kakaibang init sa katawan.
“S-sir” sambit ko. Pero hindi parin ito umaalis sa likuran ko.
“Humarap ka sakin” sabi nito bigla pero hindi parin ako kumikilos, nakapikit pa ako nang mariin at nagulat nalang ako nang hawakan nya ako sa bewang at doon naglakbay ang mga kamay niya tungo sa baba ng dibdib ko.
“S-sir” sabi ko lang dito dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Konting angat pa niya ng kamay ay masasakop na nito ang dibdib ko.
Bigla niya akong hinarap sa kanya na siyang ikinagulat ko. Saka siya yumuko at pinantay ang mukha niya sa mukha ko.
“You’re always making me hard, Kara” sabi nya sa mababang tono na nagbigay sakin ng kakaibang pakiramdam. Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya.
“P-po?” Inosenteng tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman ito na nagpalambot sa puso ko ng tulad nang ngiting pinukol niya sakin nang umuwi kami galing party. “Nothing” sabi lang nito at basta nalang ako iniwan sa kusina. Pinagpawisan naman ako ng umalis ito, para akong nakahinga ng maluwag.