NANG mapatulog ko si Sandra kinagabihan ay inayos ko na rin ang sarili ko sa kama at pinikit ko na ang mata ko. Nakailang ikot na ako ay hindi parin ako makatulog at tila hinihintay ko pa ang pagpasok ni Sandro sa kwarto namin. Napatingin ako sa orasan at pasado alas diyes na ng gabi. Nang hindi ako makatiis ay bumangon ako at tumayo sa kama upang hanapin ito kung nasaan man ito. Pagbukas ko ng pinto ay para akong aatakihin sa puso nang makita ko si Sandro na nakatayo sa mismong harapan ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat. “Ano bang ginagawa mo dito?” Inis na tanong ko dito. “Ikaw? Saan ka pupunta?” Balik tanong naman niya sa akin. “Ako unang nagtanong. Bakit hindi ka pa pumapasok dito sa kwarto?” “Bakit? Miss mo ko?” Tanong nito sa mapang asar na tinig. “Nagtatanong lang at

