KINABUKASAN ay nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto. Napamulat ako ng mata at napabalikwas ng bangon nang makita kong wala si Sandra sa tabi ko. Mabilis akong bumaba ng kama at lumabas ng kwarto. Hindi ko alintana ang magulo kong buhok. Nang buksan ko ang pinto ay sinalubong ako ng malakas na tugtog at rinig kong kumakanta si Sandra kasama si Sandro sa may counter table. Magkaharap silang dalawa at si Sandra ay nakaupo sa lamesa at si Sandro naman ay nakaupo sa harap nito. Parang may humaplos sa puso ko nang makita ko silang dalawa. Ito ang pangarap kong makita noon kada magigising ako ng umaga na ngayon ay natupad na. “How did you know this song?” Nakangiting tanong ni Sandro kay Sandra. “It’s mom’s favorite song daddy, she always listen to this song. Like everyday!”

