Chapter 16

1291 Words
“Psst! Kara!” Tawag sakin ng kung sino man. Napalingon ako sa paligid pero wala akong makita. Kanina pa ito. Nandito ako ngayon sa hardin nakaupo at nagpapahangin, mas presko kasi dito kumpara sa loob. Magisa kong nakaupo dito ngayon dahil wala si Bridget, lumabas. Niyayaya ako nito kanina pero hindi ako sumama at sina Nay Nena naman ay nasa kusina. Day off kasi naming lahat ngayon dahil Linggo. “Psst Kara! Up here!” Bigla ay sabi nito at nagulat naman ako nang mapatingin ako sa taas at nakita ko si Mark sa balkonahe ng kwarto ni Sandro na halos maglupasay kakatawa. Ang kulit talaga neto kahit kailan. Sinamaan ko naman ito ng tingin at nagflying kiss pa sakin ang loko. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko dito na medyo nilakasan ko ang boses ko dahil nasa taas ito at ako naman ay nandito sa baba. “Heto sinusundo ko lang ang malungkot kong kaibigan, you wanna come with us?” Tanong nito sakin pero tumanggi ako. Lakad nila yon at sigurado ako puro na naman mayayaman mga kasama nila. Maya-maya pa ay lumabas si Sandro sa balkonahe at tinawag si Mark, napatingin naman ito sakin at pumasok na agad sa loob. Nadismaya naman ako sa inakto nito. Pagkatapos ng nangyari sa kwarto nito kahapon? Ngayon titignan niya ako na parang wala lang yung kahapon? Parang tinusok naman ang dibdib ko ng karayom sa inakto nito sakin. “Bye, Kara!” Paalam naman ni Mark sa akin at tinanguan ko nalang ito tsaka sya pumasok sa loob. Maya-maya pa ay may narinig akong umandar na sasakyan at alam kong sila na ito at tuluy tuloy na umalis. ‘Hindi man lang niya kinamusta yung paa ko, kung okay na ba o ano’ pagmamaktol ko. Napabuntong hininga nalang ako at tumayo sa upuan tsaka pumasok sa kusina nang paika-ika. Naabutan ko naman sina Nay Nena na nagkekwentuhan sa kusina. “Oh, ayab na pala si Kara” sabi ni ate Connie at parang uusisain na naman ako ng mga ito. “Kara, totoo ba yung sinabi ni Bridget na hiwalay na si Sir Sandro at Mam Nica?” Tanong naman ni ate Letty. “A-ahm hindi ko po alam ate” sabi ko nalang dito kahit alam ko dahil sinabi ni Sandro sakin kahapon na single na ito saka niya ako mabilis na hinalikan. Kinurot ko naman ang palad ko dahil kung anu ano na naman ang naaalala ko. “Tama na nga iyan, wag na nating pagusapan si Sandro at Nica” suway naman ni Nay Nena sa amin. “Sya nga pala Kara, wala ka bang balak umuwi ng probinsya?” Tanong ni Ate Letty sakin. “Gustuhin ko man po, pero hindi po sapat ang hawak kong pera dito, pinapadala ko po kasi lahat ng sahod ko sa nanay ko, pambayad po ng utang at pambili ng gamot niya” paliwanag ko naman dito. “Ay! Napakabait talagang bata, sana ganyan din yung anak ko” sabi naman ni Ate Connie. “Ano na uli ang tinapos mo Kara?” Tanong naman ni Nay Nena. “Under graduate po ako ng college, nay, isang taon nalang ho sana kaso po ay tumigil po ako sa pagaaral kasi hindi na po sapat ang kinikita ni Nanay noon sa paglalaba” sagot ko naman dito. “Ay sya sayang naman!” Sabi naman ni Ate Letty. “Naalala ko, may scholarship program sina Sir Sandro, kung gusto mo ay sabihin ko ito sa kanya para habang nagaaral ka ay magtatrabaho ka” sabi ni Nay Nena sakin. “T-talaga ho? Hindi naman kaya nakakahiya nay?” Tanong ko naman dito. “Maintindihin si Sandro, anak, wala namang masama kung susubukan” sabi nito sakin kaya may nakita akong konting pag-asa. “Hayaan mo at kakausapin ko sya” dagdag pa nito. Nginitian ko naman ito at nagpasalamat. Hapon na nang dumating si Bridget at andami na naman netong kwento sa labas niya at nakwento ko rin dito na susubukan kausapin ni Nanay Nena si Sir Sandro tungkol dito. “Ikaw, Bridget? Ayaw mo ba?” Tanong ko dito. “Naku! Hindi na Kara, magtatrabaho nalang ako dito, tsaka isa pa nagaaral din ang mga kapatid ko kaya kailangan full-time talaga ako dito.” Sagot naman nito hanggang sa iniba nito ang usapan at napunta na naman kay Sandro. “E sya nga pala, nakita ko si Sir Sandro kaninang umaga nagtapon ng basura na hindi naman niya ginagawa, e ayun nung umalis na siya e binuksan ko agad yung garbage bag at alam mo kung anong mga nakita ko? Mga gamit ni Mam Nica!” Mahabang kwento nito. Hindi ako makasagot dahil kagabi ko pa ito nakita nang umakyat ako sa kwarto nito. “Kara, nakikinig ka ba?” Tanong nito at tumango lang ako. “Kara, gusto ka raw makausap ni Sir Sandro ngayon” biglang singit ni Nay Nena sa kwentuhan namin ni Bridget. Liningon ko naman ito. “B-bakit daw po nay?” Kinakabahang tanong ko sa kanya. “Sinabi ko kasi sa kanya yung tungkol sa Scholarship program nila kaya gusto ka raw makausap umakyat ka na at ayaw nito ng pinaghihintay.” sabi nito ng nakangiti at biglang nagliwanag ang mukha ko. “S-sige po nay” wika ko at mabilis akong umakyat sa kwarto nito. Pagdating ko sa kwarto nito ay kumatok muna ako at nang walang sumasagot ay pumasok na ako sa kwarto nito, hindi na ako nagtaka nang pagpasok ko ay wala na yung mga kalat kagabi. Habang hinahanap siya ng mga mata ko ay kinakabahan naman ako. “S-sir?” Tawag ko dito pero walang sumasagot. At nang sumilip ako sa opisina nito ay nakita ko itong nakaupo sa swivel chair sa harap ng table at parang hinihintau nito ang pagdating ko. “What took you so long?” Sabi nito nang maramdaman ang presensya ko. “K-kanina pa p-po ako nakapasok ng k-kwarto niyo pero di po kayo s-sumasagot kaya dumiretso na p-po ako dito” pautal utal na sabi ko dito dahil natakot ako sa tanong nito. “Nasabi sakin ni Nanny na gusto mo raw mag-aral” sabi nito na linignon ako at halos matunaw ako sa mga titig nito. ‘Ang gwapo niya talaga’ sabi ng isip ko at bigla ay nakagat ko ang labi ko sa naisip ko. “O-opo” tanging sagot ko. “Can you work and study at the same time?” Sagot nito sakin. Napatango naman ako bilang sagot. “Ok, I’ll ask my secretary para sya na magayos ng lahat” pagkasabi nito ay hindi ko napigilan ang mapangiti sa harap niya. “Why are you smiling?” Tanong nito. “Pangarap ko po kasing makapagtapos sir lalo at isang taon nalang po at gagraduate na sana ako, kaya thank you po talaga!” sabi ko dito na todo ang ngiti. “Wear that smile always, it suits you” bigla ay sabi nito kaya natigilan ako at nahihiyang tumango nalang dito. “Hindi basta-basta ang scholarship na ito Kara, so, just to remind you” dagdag na sabi nito. “Hindi ko po kayo bibiguin sir” pagaassure ko dito. “How’s your feet?” Tanong nito bigla. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. “O-okay naman po” simpleng sagot ko dito. At tumango-tango naman ito. “You can go” sabi nito at mabilis akong naglakad nang paika-ika palabas ng kwarto niya. Hindi ko alam kung bakit parang malungkot ako na naiinis sa kanya nang paalis na ako. ‘Kasi nga nageexpect ka na may gagawin na naman ito sayo’ sabi ng isip ko at napasabunot ako sa buhok nang dahil sa naisip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD