Chapter 17

1271 Words
“Kara, kumain ka muna bago pumasok” sabi ni Nay Nena nang pumasok sa kwarto namin habang nagbibihis ako at katatapos ko lang maligo. Alas dose na ng tanghali at nagmamadali akong magbihis dahil 1:30 ang unang klase ko. Isang buwan na ang nakakalipas simula noong kausapin ako ni Sir Sandro tungkol sa scholarship at ito na nga. Ginawang puro panghapon ang mga klase ko para makapagtrabaho muna ako sa umaga dito sa bahay. 30 minutes lang naman ang biyahe papuntang school kaya okay lang lalo pa at sinabi ni Sir Sandro na ihahatid nalang ako ni Kuya Dan yung driver niya para hindi na daw ako gumastos sa pamasahe papunta. Bumalik na rin kasi ang driver ni Sandro. “Opo nay” sagot ko naman sa kanya. Unang araw ko ngayon kaya kailangan kong maghanda. Kakain na ako ng lunch para hindi na ako bumili ng pagkain sa school. Balita ko ay puro mayayaman ang nagaaral doon at doon ako pinasok ni Sir Sandro kung saan siya nagtapos. Nahihiya nga ako at pwede naman na sa murang university nalang sana ako pinasok. Pagkatapos kong magbihis ay mabilis akong pumunta sa kusina at kumain. Napansin ko naman na kanina pa ngiting ngiti si Nay Nena sakin at pati na rin sina Bridget. “Good luck Kara!” Sabi ni Bridget at pinasalamatan ko naman ito. Pagkatapos kong kumain ay hinanap ko na agad si Kuya Dan at sumakay sa sasakyan. At nang nasa biyahe na kami ay nagkwentuhan lang kami nito at hindi ko man lang napansin na nandito na pala kami. “Nandito na tayo Kara. Good luck!” masiglang sabi ni Kuya Dan. “Salamat Kuya Dan, ingat po kayo” paalam ko naman sa kanya at nginitian ko ito. Pagbaba ko ng sasakyan ay parang nahihiya pa akong maglakad dahil sa mga taong napapatingin sakin. Naka-tshirt lang kasi ako at simpleng pantalon at ang gamit ko pang sapatos ay medyo sira na sa gilid na kung ikukumpara mo pa sa mga kasuotan nila ay walang wala ito. Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko at nagtuluy tuloy sa paglalakad. Nilugay ko nalang ang buhok ko at konting polbo lang ang nilagay ko sa mukha ko dahil maputi naman ako at hindi ko na kailangang maglipstick dahil natural na mapupula ang mga labi ko. Maya-maya pa ay pumasok na ako sa klase at mabuti nalang wala pa yung prof namin. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang room namin dahil may mga signs naman. Naisip kong umupo sa pinakagilid. Dahil ayaw kong mapansin ako ng mga kaklase ko, pero nabigo ako. Dahil may lumapit sa aking babae. “Hi! I’m Christine! And you are?” Maarteng tsnong nito sakin. “Kara” sagot ko naman dito at simple ko lang syang nginitian. “Nagparetoke ka ba ng ilong?” Maya-maya ay tanong nito sakin. Gulat naman akong napalingon dito, nasa tabi ko kasi sya. “Hindi” simpleng sagot ko dito. “Can I touch it?” Dagdag tanong pa nito. “B-bakit?” Tanong ko naman sa kanya. “I’m amaze kasi e, ang ganda mo, and kanina pa ako nakatingin sayo, ang simple lang ng mga damit mo but you look like a model, are you a model?” maarteng sabi nito. Nginitian ko nalang ito at umiling tsaka tumingin sa harap dahil sakto at kararating lang din ng prof. Natapos ang tatlong subject ko ngayong araw na puro pakilala at what to expect lang ang tanong ng mga prof sa amin pero itong si Christine talagang hindi na ako tinantanan kasi classmate ko sya sa tatlong subject din na iyon. Ilang units at subject lang naman ang kailangan kong tapusin ngayong sem dahil konti nalang ang hindi ko natapos noon at sa susunod na semester ay on the job training na kaya mabilis lang ang isang taon at makakapagtapos na rin ako. “So, Kara, do you have sundo?” Maarteng tanong nito sakin. “Uhm wala, commute lang ako” sabi ko dito. “What? Is there any transpo here? Because everyone has sundo, and others have their own car” sabi pa nito. “Lalakarin ko nalang hanggang sa pinakamalapit na terminal, ok lang, sige mauna na ako” sabi ko dito para hindi na sya magtanong pa at mabilis akong naglakad paalis. Naririnig ko pa itong tinatawag ako pero hindi ko na ito pinansin. Mayayaman kasi talaga lahat ng nagaaral dito kaya lahat may sasakyan at sundo. Pagdating ko sa terminal ng jeep ay sumakay na ako at sakto namang napuno na ito at umalis na ito. Hinanap ko ang cellphone ko para tignan ang oras at nagulat ako alas syete na pala ng gabi. Alas sais kasi natapos ang klase ko at natagalan lang ako sa paglalakad papuntang terminal. Nakita ko rin na andmaing miscall at nakita ko na puro unknown number ang mga ito. Nang makita kong malapit na ako sa subdivision ay naghanda na ako saka pumara at bumaba ng jeep. Naglakad pa ako ng konti papasok hanggang sa makarating ako ng tapat ng bahay ng amo ko. Nagdoor bell muna ako at mabilis namang bumukas ang gate. “Oh Kara, ikaw na pala yan, ginabi ka yata” sabi nito at nginitian ko naman ito. “Opo, nilakad ko po kasi hanggang terminal ng jeep para po hindi sayang ang pamasahe” sabi ko naman dito nang makapasok ako ng gate. “Oh siya pumasok ka na sa loob” sabi nito at tumango naman ako. Pagpasok ko ng bahay ay nagulat ako nang si Sandro ang mabungaran ko at nakabihis na ito. “What time is it?” Tanong nito na halos dumilim na ang mukha. “P-po?” Kinakabahang tanong ko dito. “May cellphone ka diba? Hindi mo ba naririnig ang mga tawag ko?” Galit na tanong nito. Siya pala ang tumatawag sakin kanina. “So-sorry po sir, sira po kasi yung speaker ng cellphone ko kaya hindi ko po narinig ang mga tawag niyo at naglakad po kasi ako hanggang terminal ng jeep kaya hindi ko na po naabalang icheck ang cellphone ko” sabi ko dito at napapahiyang yumuko. Bigla namang lumambot ang mukha nito. “Next time, magsabi ka” sabi lang nito at umakyat na. Napatingin naman ako kay Nay Nena na may pagaalala. “Ayos ka lang ba iha?” Tanong nito sakin nang lumapit ako dito, tumango lang ako. “Halika na kumain ka na” yaya nito sa akin at kinuhanan pa niya ako ng plato. Nagutom naman ako bigla nang maamoy ko ang ulam. Adobong manok. “Kumain ka lang diyan at tatawagin ko lang si Sandro, hindi pa kasi yon kumakain kakahintay sayo.” Pagkasabi nito ay natigilan ako sa pagsubo. Naiisip ko palang na hinintay niya ako ay parang gusto kong magtititili, napalitan tuloy ng kilig yung takot ko sa kanya kanina. Maya-maya pa ay pumasok na ito sa dining room at napalingon naman ito sa akin. Akmang tatayo na sana ako at lilipat sa dirty kitchen nang magsalita ito bigla. “Where are you going?” “Sa d-dirty kitchen po doon nalang po ako kakain” sagot ko naman. “Bakit?” Tanong uli niya. “Baka po kasi hindi kayo komportableng kaharap ako.” “May sinabi ba ako?” Medyo pagalit na tono nito. “Umupo ka dyan at sabayan mo akong kumain” utos nito at napapahiyang bumalik ako sa upuan ko. Magana kaming kumain na dalawa, hindi ko na rin pinansin kung nahuhuli ko itong tumitingin sakin dahil na rin siguro sa pagod sa paglalakad ko ng napakalayo kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD