Chapter 18

1754 Words
Kinabukasan pagkatapos kong maglinis ng Sala ay naligo na ako at papasok na naman sa school. Nagulat pa ako nang biglang pumasok si Bridget sa kwarto, galing kasi ito sa labas at naggrocery daw sila ni Kuya Dan. “Oh, ang aga niyo namang nakauwi” sabi ko dito habang hingal hingal pa ito at andaming dalang paperbag. “Kailangan e” simpleng sagot lang nito at inisa isang nilabas ang mga laman ng paperbag. “Grocery ba talaga ang ginawa niyo sa labas o shopping?” Tanong ko dito dahil sa dami ng dala nitong paperbag. “Pareho” sagot nito at tumawa. “Daming pera a” tukso ko naman dito. “Ay siya nga pala. Bumili ako ng bag at sapatos mo, nakita ko kasi na sira na yang sapatos mo tapos yang bag mo hindi bagay sayo, kaya heto isukat mo” pahayag nito. Nagulat naman ako sa sinabi nito. “Ha?! Magkano to? Babayaran ko sayo!” Sabi ko dito lalo na nang makits ko yung puting sapatos na nakita ko noon sa mall. Hindi basta basta ang presyo nito. “Ano ka ba, isipin mo nalang na regalo ko yan sayo, Kara, tsaka n-naka sale yan kaya mura lang yang mga iyan” giit pa nito. “Malayo pa birthday ko Bridget” sabi ko dito at pinaningkitan ko ito ng mata. Parang may mali kasi. “Haynako Kara, tanggapin mo nalang yan at talagang magtatampo ako sayo kung di mo yan gagamitin ngayon” Napabuntong hininga nalang ako at sinuot ang sapatos. Natuwa naman ako kaso mahal kasi itong sapatos na to, ito yung napusuan ko sa mall noong huling pasyal namin ni Bridget. “Sigurado ka ba para sakin talaga to?” Tanong ko uli dito. Hindi kasi talaga ako makapaniwala. “Oo nga, para sayo talaga yan! Pag di mo yan sinuot, bahala ka, magagalit si— ako sayo” natigilan ito saka nagbusy-busyhan sa paglipat ng mga gamit ko sa bagong bag na binili nito. Mas lalo pa akong napaisip sa mga kinikilos nito. “Hoy Bridget! Umamin ka nga!” Tawag ko dito. “Ano na naman ba iyon?” Tanong nito na parang nakukulitan na rin sakin. “Saan ka kumuha ng pera? Ha?” “Naku Kara! Alam ko na yang mga ganyang tanong mo, pera ko pinambili sa mga yan okay? Wag nang maraming tanong, bilisan mong magbihis at kumain ka na, papasok ka pa” mahabang litanya nito. Tinabihan ko naman ito saka niyakap. “Thank you!” Sabi ko dito at ngumiti naman ito ng pagkatamis tamis. Maya-maya pa ay may tumawag dito kaya tumayo na rin ako at pumuntang kusina para kumain. Pagkatapos kumain ay hinanap ko na si Kuya Dan at tsaka nagpahatid sa kanya sa school. Nang makarating kami ay binilin muna niya ako. “Kara, pagkatapos ng klase mo mamaya ay hintayin mo ako dito sa labas ng gate ha?” Sabi nito at nagtaka naman ako. “Po? Bakit po?” Tanong ko dito. “Simula ngayon hatid, sundo na kita, iyon ang utos ni Sir Sandro” sabi nito at ngumiti. Nginitian ko nalang ito saka nagpasalamat. Pagalis na pag-alis ni Kuya Dan ay kumawala sa labi ko sng ngiting kanina ko pa pinipigilan. Kaya habang naglalakad ay nakangiti ako. Pagpasok ko ng room ay iba na naman ang mga kaklase ko, di ko naman maiwasang mapayuko nang pasadahan ako ng tingin ng mga kaklase ko hindi lang babae kundi pati mga lalaki. “Hi!” Bati ng isang lalaki sakin. Nginitian ko lang ito saka tumingin na sa harap. “Ooh busted!” Tukso naman ng mga kalalakihan dito. “How dare she is? Si Neil Smith pa talaga ang inisnob niya!” Sabi pa ng ibang mga babae, yung ibang classmate ko naman ay walang pakealam at may sariling mga mundo. Sikat siguro ito dito kaya ganon nalang ang reaksyon ng mga ito. Hindi ko nalang pinansin ang mga pasaring nila at nagfocus sa harap habang hinihintay ang prof. at pagdating ng prof ay as usual pakilala na naman at what to expect sa subject and all at nang matapos ang ilang mga subject ay lumabas na ako ng gate at hinintay si Kuya Dan. Tinext ko na ito para alam niyang tapos na sng klase ko. “Hey, Kara” biglang sulpot na naman nung lalaki kanina. Tinignan ko lang ito para makita niya na hindi ako interesado sa kanya. “May sundo ka?” Tanong nito sakin at tumango lang ako. “Look, I’m not a bad guy, okay? I’m just being friendly” sabi pa nito na halatang ayaw sumuko hangga’t di ko kinakausap. “Can I get your number?” Tanong na naman nito na ikinagulat ko at saktong sasagot na sana ako ng biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko. Napatingin ako sa loob ng sasakyan dahil ito na yata yung sasakyan ni Sir Sandro na minamaneho ni Kuya Dan. Hindi ako sigurado kaya hindi ko ito pinansin. Maya-maya pa ay bigla nitong binaba ang bintana ng sasakyan at nagulat ako nang ang gwapong mukha ni Sandro ang nakita ko. Nakagat ko ang labi ko ng tumingin ito sakin at napatingin din ito sa katabi ko. ‘Bakit siya ang sumundo sakin? Nasaan si Kuya Dan?’ Tanong ko sa isip ko. “Get in” simpleng sabi lang nito at para akong napapasong mabilis na naglakad. Binuksan ko naman ang backseat at sasakay na sana ako nang bigla na naman itong magsalita. “Sit beside me, Kara” sabi nito na halatang ubos na ang pasensya. Sinara ko naman agad ang pinto tsaka sumakay sa passenger’s seat at nang makasakay ako ay hindi parin nito pinapaandar ang sasakyan. “Seatbelt” sabi nito at natatarantang hinila ko ang seatbelt para ikabit ito, nakatingin kasi ito sakin pero dahil wala akong alam sa pagkabit at ni paghila nito ay bigla siyang lumapit at halos isang dangkal nalang ang layo ng mga mukha namin. Napaiwas naman ako ng tingin at tumingin ako sa labas. Hindi ko alam kung nananadya ba ito dahil sa likot ng kamay niya at ilabg beses na niyang nasagi ang dibdib ko. Pagkatapos niyang ikabit ang seatbelt ko ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko. “Don’t do that again” bigla ay sabi nito. “Ang alin po?” Nagtatakang tanong ko dito. “Biting your lips, it turns me on, Kara” sabi nito na nakatingin sa harap at papaandarin na ang sasakyan. Hindi ako nakaimik sa sinabi nito. Nakasanayan ko na kasi ito noon pa. Kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana at kinagat ang ibaba kong labi. Hindi naman niya siguro ito makikita. Nagtaka naman ako at titignan ko sana ito dahil hindi parin niya binubuhay ang makina ng sasakyan nang paglingon ko ay isang dangkal nalang ang layo namin. Nagulat naman ako at napaatras. “I told you, it really turns me on” pagkasabi nito ay bigla nalang niya akong hinalikan at kinakagat kagat pa niya ang ibabang labi ko na animo’y nanggigigil. Wala naman akong magawa dahil namiss ko rin naman ito. Maya maya pa ay pinasok na niya ang kamay niya sa loob ng t-shirt ko at minasahe ang dibdib ko. Napaungol naman ako sa ginawa nito. Bigla ay tinulak ko ito nang mapagtanto ko na nandito parin kami sa labas ng university at baka may makakita pa samin. “What?” Parang naiinis na tanong nito. “N-nandito pa kasi tayo sa school, baka may makakita satin” sabi ko dito at napapahiyang yumuko. “Bakit? Ayaw mo bang makita tayo ng kasama mong lalaki kanina?” Bigla ay tanong nito. Napaisip naman ako sa sinabi nito at nang marealize ko kung sino ang tinutukoy nito ay sinagot ko ito. “Hindi ko sya kasama, kinukulit lang niya ako, classmate ko sya sa isang subject” paliwanag ko dito. Pagkasabi ko dito ay tumango naman ito at pinaandar na ang sasakyan. Hindi ko talaga gets ang ugali nito minsan. Minsan kasi parang dragon na bigla nalang bubuga ng apoy, at minsan naman ay parang maamong tupa. Nang makarating kami ng bahay ay mabilis naman kaming pinagbuksan nang gate ni Kuya Dan at si Sandro na ang nagpark sa garahe nito. Maaga pa pala, 6:40 palang. “Thank you po” sabi ko dito at nauna na akong naglakad dito papasok ng bahay. Agad naman akong dumiretso sa loob ng kusina at nakita kong nandoon din sina ate Connie mukhang katatapos nilang magluto. “Kain ka na anak, andyan na ba si Sandro?” Tanong ni Nay Nena sakin. “Opo, umakyat na po” sagot ko naman dito. Kinamusta naman ako nila Ate Connie sa pangalawang araw ko sa eskwelahan habang kumakain. “Hindi po ba kakain si Sir Sandro, nay?” Tanong ko kay Nay Nena nang dalawa nalang kaming naiwan sa kusina. Sila ate Connie kasi ay nagsipasok na sa kwarto. “Hindi raw siya kakain anak at dumaan daw sya sa restau ni Sir Mark kanina, kumain daw sila doon.” Pagkasabi nito ay tumango tango nalang ako. “Magpahinga na ho kayo, ako na po dito” sabi ko dito. “Sigurado ka iha?” “Opo nay” sabi ko dito at nginitian ko naman ito. Nang matapos akong kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan ko at pumasok ng kwarto. Nag-half-bath lang ako tsaka nagbihis na ng pantulog at nang bago matulog ay chineck ko muna ang cellphone kong de keypad kung may tawag si nanay. Tinext ko nalang ito tsaka papatayin ko na sana ang cellphone ko ng may magtext na hindi kilalang number. ‘Come here’ Nagtataka naman ako kung sino ito. Maya-maya pa ay may nagtext na naman galing din sa number na ito. ‘This is Sandro’ pagkabasa ko nito ay napabalikwas ako ng bangon at pigil na pigil ko ang kilig ko. Dahan dahan akong naglakad palabas ng kwarto para hindi magising ang mga kasama ko. Hindi ko na pinalitan ang suot kong bestidang puti dahil baka may sasabihin lang itong importante. Tinignan ko ang oras at 8:30 palang ng gabi. Maaga lang talaga kaming nagsipasok sa kwarto at nagpahinga dahil maaga ring pumasok ng kwarto si Sir Sandro. Madilim ang paligid dahil pinatay ko na ang mga ilaw kanina bago pumasok ng silid. Nang nasa tapat na ako ng kwarto niya ay kumatok muna ako at tsaka pumasok na ng kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD