Nagulat ako nang makita ito. Mabilis akong yumuko at tumayo tsaka pumunta sa tagong parte ng shop.
Maya maya pa ay nakita ko si Christine na lumabas ng shop at parang hinahanap ako kaya mabilis akong naglakad palabas ng pinto na nakayuko. Salamin kasi ang ding ding ng shop kaya nakita ko ito. Sa pagmamadali ko ay may nasagi ako. Nahulog ito at tsaka pinulot ang cellphone nito.
“S-sorry” sabi ko dito.
“Are you blind?” Masungit na sabi ng babae. Nag angat naman ako ng tingin at hihingi sana uli ng pasensya pero nagulat ako dahil ito yung babaeng kasama ni Sandro ngayon at kahalikan niya noon sa bar.
Napayuko ako dahil naagaw nito ang atensyon ni Sandro. Dahan-dahan itong lumapit samin at mabilis na pumulupot ang kamay ng babae sa braso nito at nagsumbong dito.
“Hon, look! Nabasag ang phone case ko! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan niya!” Sumbong nito na ang tinutukoy nito ay ako. Nakatingin lang si Sandro sakin at walang emosyon ang mga mata nito.
Hihingi sana uli ako ng pasensya dito para matapos na nang dumating si Christine.
“Kara! There you are! Halika na” sabi nito at napansin naman nito na parang may diskusyon na nangyayari ngayon.
“Wait! She’s your friend?” Maarteng tanong ng babae kay Christine.
“Yes! Do we have a problem with that Bianca?” Matapang na tanong ni Christine dito.
“Pagsabihan mo yang kasama mo, hindi tumitingin sa dinadaanan niya! Nabasag tuloy ang phone case ko!” Galit na sabi naman ng babae.
Hinihila ko na si Christine palabas dahil parang mapapaaway na ito nang bumaling si Christine kay Sandro.
“Kuya Sandro, Bianca is your new side chick?” Tanong nito kay Sandro.
Napalingon ako kay Christine. Kilala niya si Sandro?
Napalingon naman ako sa babae at parang bubuga na ito ng apoy anumang oras.
“Enough Christine, ilabas mo na yang kaibigan mo” kalmadong sabi naman ni Sandro.
“Oh yes! Enjoy the game!” Sabi naman ni Christine at tinignan pa ng masama yung babae saka ako hinila palabas ng shop.
So kaibigan lang ako ni Christine? At siya? Hindi niya ako kilala? Sumama ang loob ko sa sinabi nito. Isang linggo ko na rin itong hindi kinakausap at ramdam kong umiiwas na rin ito sakin kaya umiwas na rin ako.
Nang makalayo kami doon ay tinanong ko si Christine.
“Kilala mo yung lalaki?”
“Who? Si kuya Sandro? Yes! He’s my brother’s bestfriend” sagot naman nito.
“Bestfriend?” Tanong ko uli dito.
“Yes, si Kuya Mark” sabi nito at gulat na gulat ako sa sinabi nito.
“Kapatid mo si Mark?” Tanong ko dito.
Tumigil naman ito sa paglalakad at bumaling sakin.
“Kilala mo si kuya?”
Tumango naman ako.
“Oh my gosh! Small world!” Natutuwang sabi nito at nginitian ko naman ito.
Habang naglalakad ay tinanong niya ako kung saan ko gustong kumain. Gusto ko naman sana ngayon na ilibre siya kahit sa mura lang dahil nahihiya na talaga ako sa kanya.
“Ok lang ba kung ako naman ang manlibre sayo ngayon?” Tanong ko dito.
“Huh? Why?” Nagtataka naman ito sa sinabi ko.
“Basta, halika, may kakainan tayo at alam kong magugustuhan mo” sabi ko dito at hinila ko sya palabas ng mall.
“Saan tayo kakain?” Tanong nito pero hindi ko parin ito sinasagot. Hanggang sa makarating kami sa bilihan ng fishball at kikiam. Pinagtitinginan kami ng mga taong kumakain ngayon dito.
Nagulat naman ito at tinignan ako “Kara? Are you sure we’re going to eat here?” Sabi nito na parang di niya gustong kumain dito.
“Oo naman! Wag kang magalala masarap mga pagkain dito” sabi ko dito.
Tumusok ako ng tig sampung pisong kikiam at fishball at binayaran ito kay manong. Saka naglagay na rin ako ng sauce sa plastic cup.
Nagaalangan naman niyang kinuha ang mga ito sakin at tinuruan ko sya kung paano kainin ang mga ito.
Sumubo naman ito ng fishball at natuwa naman ako nang makita kong sunud sunod na ang kuha nito hanggang sa maubos niya to.
“It’s so delicous! How much is it?” Tanong nito.
“20 pesos” sabi ko dito at gulat na gulat siyang tumingin sakin.
“For real??” Manghang tanong nito at tumango naman ako.
“Oh my gosh! Kailangan maulit to!” Sabi nito at natawa naman ako.
Bumili nalang ako coke na inumin. Tinanong ko naman ito kung gusto pa niya at mabilis naman itong tumango. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain hanggang sa naisipan na naming umuwi. Gusto pa sana niya akong ihatid pero tumanggi ako.
Nang makaalis ito kasama ang driver niya ay naglakad na rin ako papuntang terminal ng jeep.
Ngayon na mag-isa kong naglalakad ay bigla ko na namang naalala si Sandro. Parang tinutusok ng kutsilyo yung puso ko kapag naaalala ko yung nangyari kanina.
**
Nandito ako ngayon sa bahay nila Christine, sinundo ako ni Mark sa bahay ni Sandro kanina dahil ngayon na ang acquaintance party namin sa school at gusto kasi ni Christine ay siya ang magaayos sa akin kaya pinagbigyan ko nalang ito dahil hindi ko rin naman alam maglagay ng make-up. Hindi parin ito makapaniwala na ako yung kinekwento ng kapatid niya sa kanya dahil bukambibig daw ako ng kapatid niya at hindi pa alam ni Christine na katulong ako ni Sandro.
Si Mark ang nagsisilbing guardian ngayon ni Christine dahil ang mga magulang nila ay laging wala dahil ang ibang branch ng restaurant nila ay naka-base sa ibang bansa at ang mga ito ang nagmamanage at si Mark naman dito sa Pilipinas.
Nang matapos akong ayusan nito ay sinuot ko na ang gown.
“Ugh! You look so stunning Kara!” Natutuwang sabi ni Christine sa akin.
“Thank you, ikaw din” sabi ko dito at nginitian naman ako nito.
“Tawagin natin si kuya! Kuhanan niya tayo ng picture!” Sabi nito at mabilis na tinawag ang kapatid. Hinila naman ako ni Christine palabas ng kwarto niya at bumaba kami sa sala. Naabutan naman namin si Mark na nakaupo sa mahabang sofa.
“Wow! You two look so beautiful!” Sabi ni Mark at nginitian ko nalang ito.
“Aaww thank you kuya! Can you please take a picture of me and Kara, please?” Pakiusap nito sa kapatid.
“Of course!” Sabi naman nito at kinuha sng cellphone ng kapatid niya, hindi ko maiwasang mailang sa mga titig ni Mark sakin ngayon. Pagkatapos niya kaming kuhanan ng litrato ay hinatid na niya kami sa school. Alas sais kasi ito magsisimula kaya 5:30 palang ay hinatid na niya kami.
Tinext ko nalang si Nay Nena na malelate ako ng uwi at nagreply naman ito agad.
Itetext ko rin sana si Sandro na malelate ako ng uwi pero binura ko rin ito at napagdesisyonan kong wag nalang itong itext. Baka sabihin pa nitong wala siyang pakealam. Hindi na rin naman ito nagtetext sakin o tumatawag.
Pagdating namin doon ay eksatong kakaumpisa palang ng program. Pinagbuksan kami ni Mark ng pinto at isa isang inalalayang bumaba ng sasakyan.
Hindi ko maiwasang mailang sa mga tingin ng mga tao nang bumaba kami ng sasakyan dahil kita ang paghanga sa mga mukha nila.
“Bye. Enjoy the night!” Paalam ni Mark sa amin at pinasalamatan naman namin ito bago umalis.
“Chin up, Kara! They are looking at you” nakangiting sabi ni Christine sakin.
Nahihiya naman akong ngumiti dito at naglakad na kami papasok ng gymnasium. Tinuro naman ng mga staff ang mga magiging upuan namin at agad kaming umupo.
Maya-maya pa ay nagsimula na ang program at nagsalita sa mic ang host ng program.
“Good evening everyone! Thank you to each and everyone of you for being here with us tonight and we are very pleased to welcome all of you..” at marami pa itong sinabi.
“Later, there will be an award for the ‘Best Dressed and Face of the Night, are you guys ready to partyyyyyy?” Sigaw ng host at naghiyawan naman ang lahat at nagpalakpakan.
“And We will have a special hot guest later, so get ready girls dahil ito rin ang pipili ng ‘Face of the night at Best Dressed’ !” Dagdag pa nito at naghiyawan uli ang mga babae.
“Sino kaya yon?” Tanong ni Christine sa kawalan dahil pati ako ay hindi ko alam kung sino.
Nagsimula na ang party at nagsayawan ang lahat maliban sakin na nakaupo lang at pinapanood sila. Maya-maya pa ay biglang nag-iba ang tugtog at naging sweet ito. Ngayon ay by partner na ang nasa gitna. Nakita ko naman si Christine na sinayaw ng isa sa mga kaklase namin.
“Pwede ba kitang isayaw?” Maya-maya ay biglang may nagsalita sa gilid ko. Napatingin naman ako sa kamay nito na nakalahad at tinignan ko ito paangat sa kanyang mukha.
“Neil?” Banggit ko sa pangalan nito. Ngumiti naman ito. Gwapo si Neil kaya marami ring nagkakagusto sa kanya dito sa school.
“Hindi ako marunong sumayaw e” giit ko dito.
“Ako ang bahala, please?” sabi nito at tumingin naman ako sa paligid ko at nakita kong nakatingin sakin ang ibang mga kababaihan na may halong inggit. Tinanggap ko nalang ang kamay nito at hinila na niya ako sa dance floor. May mga narinig naman akong naghiyawan.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa magtanong ito.
“Do you have a boyfriend?” Tanong nito. Umiling naman ako bilang sagot.
“So, kung wala, pwede ba akong manligaw?” Bigla ay sabi nito. Nagulat naman ako sa tanong nito.
“H-huh? A-ahm ano k-kasi. Hindi pwede, k-kasi nakafocus ako sa pag-aaral ko ngayon, scholar lang kasi ako dito at ayokong madisappoint yung nagpapaaral sakin.”
“Is that so?” Malungkot na sabi nito pero nagulat ako sa sumunod na sinabi nito. “But, I want you to know that I still like you” sabi nito.
“B-bakit ako?” Sabi ko naman sa kanya.
“You caught my attention when you entered the class with your beautiful and innocent face, walang arte at higit sa lahat matalino” paliwanag nito at hindi ko maiwasang pamulahanan ng mukha sa sinabi niya.
“Ibaling mo nalang sa iba yang pagkagusto mo sakin, marami pa dyan mas better”
“ I can’t” matigas na sabi nito. “Basta hayaan mo nalang ako na iparamdam ko sayo na gusto kita”
“Bata ka pa Neil, marami ka pang makikilala” sabi ko naman dito.
“Sana wala na, at sana wala ka ring makilalang iba para sakin ang bagsak mo” sabi nito at tumawa, natawa naman ako sa sinabi nito.
‘May nakilala na ako pero hindi ako gusto’ gusto kong sabihin dito pero umiling iling nalang ako.
Natapos ang kanta at hinatid na niya ako sa upuan ko at sakto naman nandoon na rin si Christine.
Pag-upo ko ay nginitian ako nito ng todo at sinundot sundot ang tagiliran ko. Nilakihan ko naman ito ng mata para tumigil pero inaasar parin niya ako hanggang sa nagsalita na ang emcee at tumingin kaming lahat sa harap.
“Ladies and Gentlemen, handa na ba kayong makilala kung sino ang special guest natin ngayon?” Tanong nito sa madla.
“Yeeees!” Hiyaw naman ng lahat.
“I know yung iba sa inyo kilala siya dahil lagi itong nafifeature sa mga magazine for being one of the richest bachelor! And graduate din sya dito guys kung hindi niyo alam” sabi nito at naghiyawan naman ang mga babae dahil parang may idea na sila kung sino ito.
“Let’s all welcome Mr. Lee Sandro Del Mundo!” Malakas na sigaw ng emcee at hindi magkamayaw ang mga babae.
Halos lumaki ang mata ko nang marinig ko ang pangalan nito at Napainom ng tubig nang wala sa oras.