Chapter 25

1817 Words
Pagkatapos siyang ipakilala ng emcee ay umakyat ito ng stage at kasabay nito ay pumailanlang ang isang tugtog. “Am I real?” Unang bigkas palang niya sa kanta ay naghiyawan na ang mga babae. Ang 214 pala ito na kanta ng Rivermaya kaya pala pamilyar sakin. “Do the words I speak before you make you feel That the love I lay for you will see no ending? Well, if you look into my eyes, then you should know That there is nothing here to doubt, nothing to fear” Nakatingin ito sa madla pero pakiramdam ko ay sakin lang siya nakatingin at para sa akin ang kinakanta nito. “And you can lay your questions down, 'cause if you'll hold me We can fade into the night, and you'll know” Pinagmamasdan ko siya ngayon ng malaya at hindi ako makapaniwala na magaling pala itong kumanta. “The world could die, and everything may lie Still, you shan't cry 'Cause time may pass, but longer than it'll last I'll be by your side” Kanta nito at Sinabayan naman ito ng lahat. “Take my hand And gently close your eyes so you could understand That there's no greater love tonight than what I've for you Well, if you feel the same way for me, then let go We can journey to a garden no one knows Life is short, my darling, tell me that you love me So we can fade into the night, and you'll know The world could die, and everything may lie Still, you shan't cry 'Cause time may pass, but longer than it'll last I'll be by your side, forever by your side I want you to know The world could lie, and everything may die Still, you shan't cry 'Cause time may pass, and everything won't last I'll be by your side, forever by your side” Pagkatapos nitong kumanta ay naghiyawan ang lahat at pumalakpak. Di ko rin maiwasang mapangiti dahil kahit sino ay kikiligin sa boses nito at angking kagwapuhan. Napakalakas ng dating niya sa entablado ngayon daig pa nito ang kung sinumang sikat na artista. “Wala paring kupas Mr. Del Mundo! Talaga naman!” Sabi ng emcee at natawa naman si Sandro sa sinabi nito. Mukhang magkakilala ang emcee at si Sandro. “Oh girls! Fyi ha? Siya yung sinasabi kong mamimili ng ‘Face of the night’ at ‘Best Dressed’ so get ready!” Sabi pa nito at nagtilian pa uli ang mga babae. “He never fails to surprise everyone. So captivating” sabi ni Christine na nasa tabi ko at namamangha sa pagkanta ni Sandro. Napatingin naman ako sa kanya at di na ako umimik. Binigyan naman ng pagkakataon si Sandro na magsalita. “Good evening everyone! Thank you for your warm welcome and .. uhm I just want you all to enjoy this night” maikling sabi nito at nagtilian naman ang mga babae at narinig pa ang tawa ni Sandro at nang emcee at binigay na nito ang mikropono sa emcee tsaka ito bumaba ng backstage na inalalayan naman ng mga staff. Pagbaba ni Sandro ay nagsalita naman ang emcee na pwede nang kumain kaya nagsitayuan na ang iba at kumuha ng pagkain. Hinintay naman namin ni Christine na kumonti ang nakapila sa pagkain bago kami tumayo at kumuha ng pagkain. Habang nakatayo kami ni Christine ay nakita ko si Sandro na kausap ang emcee at nagtatawanan pa ang mga ito. Bakla kasi ang emcee at palabiro. “Kaklase nila yan dati nila kuya Sandro at kuya Mark na teacher na ngayon dito sa school” sabi ni Christine, na ang tinutukoy ay ang emcee, nakita siguro niyang nakatingin ako sa mga ito. Tumango tango nalang ako. Pagkatapos naming kumain ay nagyaya si Christine sa CR bago magsimula uli ang party. Pagdating namin sa loob ay nagretouch si Christine at pati ako ay inapplyan din niya uli ng lipstick na kakulay ng gown ko. “Hmmmm lovely!” Sabi nito pagkatapos niya akong lagyan ng lipstick sa labi. “Hindi ba makapal?” Tanong ko dito dahil parang sobra yata ang nailagay nito. “Of course not! I want kuya Sandro to notice you and be the ‘Face of the night’ Kara” sabi nito at nginitian ako ng matamis. “Baliw ka talaga, andami nga dyan magaganda” “Pero mas maganda ka!” Pilit nito at hinila na niya sa palabas ng CR. Nagkaroon pa ng konting sayawan at nang malapit nang matapos ang program ay nagsalita na ang emcee. “So, hawak ko na ang result!” Sabi nito at tumahimik naman lahat. “Ang nakalagay dito ay ang napili mismo ni Mr. Del Mundo, at kung sino man ang nakalagay dito ay isa lang ang masasabi ko, Napakaswerte mo!” Sabi nito at natawa naman ang lahat. Nakita ko naman si Sandro na nakaupo sa table malapit sa stage na may mga kasamang mga faculty staff. Ang gwapo talaga nito kahit sa malayuan. “Our Best Dressed for tonight goes to Christine Diaz!” Sabi ng emcee at gulat na gulat naman si Christine nang marinig ang pangalan nito. Deserve naman niya ito dahil napakaganda talaga ng gown niya. Tinulak ko pa ito ng mahina para tumayo. Nagpalakpakan naman ang lahat nang tumayo na ito. So, all this time nakamasid lang si Sandro sa audience kanina pero ni hindi ko man lang siya nakitang lumapit samin. Binigyan naman ng bulaklak si Christine at Kinabitan ng Sash nang makaakyat ng stage, tinawag din si Sandro para ito ang magkabit ng Sash niya at kinuhanan pa sila ng litrato bago bumaba ng stage. “Ok, Next! Ang pinakahinihintay ng lahat! ‘Face of the night’ is no other than Ms. Abigail Monteverde!” Sabi ng emcee at nagpalakpakan ang lahat. “What? I thought, ikaw ang magiging face of the night! How come na siya? From the start ikaw na yung tinitignan ng lahat” reklamo ni Christine sa tabi ko. Natawa naman ako sa sinabi nito. “Sira ka talaga, hayaan mo na hindi naman ako nageexpect e” “But, I really thought it’s you kasi kanina pa nakatingin sayo si Kuya Sandro” dagdag pa nito. Natigilan naman ako sa sinabi nito at napatingin sa kanya. May kung anong saya ang naramdaman ng puso ko nang marinig ko ito. Parang doon palang ay nakontento na ako sa gabing ito. Nang matapos na ang party ay tinawagan na ni Christine si Mark. Nakita ko naman si Sandro na marami pang nagpapapicture sa kanyang mga babae. Nang dumating si Mark ay saka naman sumulpot si Sandro. Parang tumakbo pa ito mula sa loob, dahil hinihingal pa ito. “Hoy Del Mundo! Naghasik ka na naman ng lagim!” Biro ni Mark dito. “Kailangan e” Pabiro namang sagot ni Sandro dito. Akmang sasakay na sana ako ng sasakyan ni Mark nang magsalita si Sandro. “Sumabay ka na sakin” sabi nito at liningon ko naman ito at nakita kong sakin siya nakatingin. Nagpalipat lipat din ng tingin si Mark sa akin at kay Sandro, mabuti nalang at busy si Christine sa cellphone nito. “Sumabay ka na sa kanya, Kara” sabi naman ni Mark. Nahihiya naman akong tumango. “Let’s go” yaya ni Sandro sa akin at sumunod naman ako sa kanya sa parking lot. Mabuti nalang at wala na masyadong tao kaya walang nakakita sakin na kasama ko ito. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto nang makarating kami sa sasakyan niya at inalalayan naman niya ako. ‘Ano na naman kayang nakain nito at maayos na naman ang trato sakin?’ Tanong ko sa sarili. Nang makasakay na ito ay mabilis niyang pinaandar ang sasakyan at pinaharurot ito. “May lakad ka ba? Dahan-dahan naman” sabi ko dito pero parang wala itong narinig kaya napakapit nalang ako ng mahigpit sa seatbelt at halos wala pang trenta minuto ay narating na namin ang bahay nito. Pinagbuksan naman kami agad ni Kuya Dan ng gate. Alas onse na pala ng gabi nang makita ko ang oras sa loob ng sasakyan nito. Nang maipark na niya ang sasakyan sa garahe ay nagpasalamat ako dito bumaba na ako at mabilis na bumaba ng sasakyan. Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay at didiretso na sana ako sa kwarto namin nang bigla niya akong hilain. “Wait” sabi nito at liningon ko naman ito at naghintay na may sabihin siya. “Why you didn’t tell me na nandoon ka?” Tanong niya. “Nagtext po ako kay Nay Nena, Sir” sabi ko dito at diniinan ko pa ang pagkakabigkas ng Sir. “At sakin na amo mo hindi ka nagsabi?” Tanong nito at umurong ang dila ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. “Sorry po, hindi na mauulit” sabi ko naman dito tsaka ko siya iniwan sa kinatatayuan niya at mabilis na naglakad papuntang kwarto. Pero hindi pa ako nakakalago dito ay bigla niya akong hinila at binuhat na parang sako na naman ng bigas. Nagpupumiglas ako pero ayaw niya parin akong ibaba at paakyat na siya ngayon sa hagdan. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil baka marinig kami nila Nay Nena. “Ibaba mo ko!” Halos pabulong na sabi ko dito pero parang hindi niya ako narinig. Nagpupumiglas parin ako nang magsalita ito. “Tumigil ka kung ayaw mong mahulog tayong dalawa dito sa hagdan” mahinang sabi nito. Tumigil naman ako sa paggalaw hanggang sa makarating kami sa tapat ng pinto ng kwarto niya saka niya ako binaba. “Ano bang problema mo?” Sabi ko dito pero hindi parin ito umiimik at binuksan ang pinto ng kwarto niya. “Get inside” maawtoridad na sabi nito pero nakipagmatigasan ako at bigla akong tumakbo sa gilid nito para takasan siya dahil nasa harapan ko lang siya at nasa likod ko ang pinto ng kwarto niya. Pero mabilis niya akong nahuli at tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay nito habang ang isang kamay nito ay nakayakap sa bewang ko at hinila ako papasok ng kwarto at mabilis nitong nilock ang pinto. “Ano ba?!” Galit na sabi ko dito at nabigla ito dahil nataasan ko siya ng boses, pati ako ay nagulat din sa inasal ko. “Mahirap bang magpaalam sakin kung may lakad ka huh? Next time, magpaalam ka sakin! Hindi yung malalaman ko nalang na sinundo ka ni Mark sa pamamahay ko!” Galit na sabi nito. Ano bang problema nito? Dati namang ginagawa ni Mark yon, wala nga siyang pakealam. Bakit ngayon nagagalit siya? “Edi Sorry!” Sabi ko naman dito tsaka akmang aalis nang hilain niya uli ako at siniil ng halik ang labi ko. Nagpupumiglas pa ako pero malakas ito at hinawakan ang dalawang kamay ko gamit lamang ang isang kamay niya at sinandal ako sa pader.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD