Sabado ngayon at nagbibihis ako ngayon dito sa loob ng kwarto, inimbitahan kasi kami ng pamilya ni Sandro na kumain doon sa bahay nila dahil wedding anniversary ng mag-asawang Del Mundo at Simpleng kainan lang daw ito. May mga family friends din daw sila na pupunta. Ayaw ko sana dahil makikihalubilo na naman ako sa mga mayayaman pero pinilit ako ni Sandro at halos di na niya ako kausapin nang tumanggi ako kaya pumayag nalang ako. Tinanong ko naman si Sandro kung anong ireregalo sa kanila ngunit sinabi nitong wag na akong mag-abala. Nagsuot lang ako ng bestidang puti na nabili ko ng mura noon sa pinuntahan naming ukay-ukay ni Bridget na hindi lalagpas sa tuhod ang haba at nagflat sandals lang ako saka ko ni’braid sa kalahati ang mahaba kong buhok at naglagay lang ako ng konting lipstick sa

