Nandito kami ngayon ni nanay sa kusina at tinutulungan ko siyang magluto ng ulam naming dalawa. Galing din kami ng bayan at pinaggrocery ko ito ng mga kailangan niya dito sa loob ng bahay. “Belen! Belen! Tao po!” Tawag ng kapitbahay kay Nanay at nagtinginan naman kami. “Ako na dito nay, labasin niyo na ho” prisinta ko dito at ngumiti naman ito. Lumabas ito at ako na ang nagtuloy sa pagluluto. “K-kara, anak, may naghahanap sayo” tawag sakin ni nanay mula sa labas ng bahay. Mabilis ko namang pinatay ang apoy sa kalan at buti nalang ay tapos ko na yung niluluto at lumabas na ako ng bahay. “Sino raw nay?” Tanong ko dito habang palapit ako sa pintuan. Paglapit ko sa pintuan ay nagulat ako at halos mamilog ang mata ko sa nakita ko. “M-mam Agatha” sambit ko sa pangalan niya. Kasama nito ang

