NANG matapos kong bihisan si Sandra ay ako naman ang nagbihis. Pupunta kasi ako ng opisina kaya isasama ko ito. May mga pipirmahan lang naman akong mga papeles. Gusto ni Sandro na sa kanya ko nalang iwan ito pero hindi ako pumayag dahil may importanteng meeting ito. Si Nay Nena naman ay sumaglit muna sa bahay ni Sandro kaya wala akong mapag-iwanan kay Sandra. Nagbibihis si Sandro sa loob ng walk-in closet nang magring ang phone nito sa ibabaw ng kama. Inikot ko muna ang paningin ko sa loob ng kwarto kung may tao at kung hindi ba ito lalabas. Out of curiosity kaya sinilip ko ang cellphone niya. Nagulat ako nang makita kong ang tumatawag ay walang iba kundi si Faith. Kumunot ang noo ko at muli na namang nabuhay ang galit at selos ko. ‘Ano bang kailangan ng babaeng to kay Sandro?’ Tanong k

