“KARA..” Mahinang sambit ni Tita Lisa ang mommy ni Sandro nang makalapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nandito kami sa mansion nila Sandro. May family gathering kasi ang mga ito ngayon at pinilit pilit pa ako ni Sandro na sumama dahil gusto raw akong makita ng buong pamilya nito, lalo na si Sandra. Nahihiya kasi ako sa mga nangyari. Nakipagbeso beso din ako kay Tito Leon nang dumating kami at tila hindi rin ito makapaniwala sa nakikita niya ngayon. “Where have you been?” Nagaalalang tanong ni Tita Lisa sa akin. Hindi ako makasagot dito dahil sa dami ng nangyari sa nakalipas na taon. Alam kong marami silang katanungan. “You’re so full of surprises iha. Aside from, that your the daughter of Mike and Agatha and now, may apo na pala ako.” Sabi naman ng Daddy ni Sandro. Naiilang

