Langit at Lupa❗

2549 Words
"Diyos ko ang anak ko, hindi ko kakayaning mawala ang anak ko Enrico. Huhuh.. Saan ako kukuha ng puso para ipalit sa puso ng anak ko?" umiiyak na turan ng Ginang habang kayakap nito si Enrico. "Don't worry Tita, I will do anything and everything in my power to help her. What is the use of my money if I can't save the life of my love." kilala si Enrico sa pagiging isang anak mayaman. Their family is well known in society. They are one of the wealthiest families in the country due to having various businesses just like they have their own oil company. They also have forwarding businesses and their forwarding company is known all over the world. Napakaswerte ni Valerie na magkaroon ng isang kasintahan na kagaya ni Enrico. Mayaman na nga gwapo pa. At halos lahat ng mga kababaihan ay inggit na inggit sa kanya. Highschool pa lang magkakilala na ang dalawa. At highschool pa lamang nagpaparamdam na si Enrico ng pagmamahal niya para kay Valerie. Sa paglipas ng panahon lalong naging pursigido si Enrico na ipakita at iparamdam kung gaano niya kamahal si Valerie. Dahil sa hirap ng buhay—naging priority ni Valerie ang kanyang pag-aaral dahil para sa kanya makapaghihintay ang love. At dahil sa nakikita ni Enrico na magandang disposisyon kay Valerie, doon lalo siyang humanga sa dalaga. Gumawa sila ng pangako sa isa't -isa na kapag siya ay nakapagtapos na sa kanyang pag-aaral—siya naman ang patutuunan nito ng pansin. Sobrang saya ni Enrico na malamang mahal din siya ng babaeng kanyang iniibig. Ang kailangan lang niyang gawin ngayon ay hintayin ito hanggang sa ito ay makapagtapos sa kanyang pag-aaral at matupad nito ang minimithi nitong maging isang guro. Natupad nga ang pangarap ni Valerie, siya ay nakapagtapos bilang isang guro. Ito ang isa sa mga gusto niya —gusto niyang magturo lalo na sa mga batang musmos at walang kakayahan para makapasok sa paaralan. Kilala si Valerie sa pagiging isang tahimik na tao. Mabait at matulungin lalo na sa mga nangangailangan. At isang naibigan sa kanya ni Enrico ang makita nitong palaging nakangiti ang dalaga. Dito nakita ni Enrico ang katangiang taglay ni Valerie at dito lalo pa siyang humanga sa dalaga at napamahal dito. Nagsumikap si Valerie para makapagtapos siya ng kanyang pag-aaral. Kung tutuusin kaya niyang ibigay ang lahat ng pangangailangan ng dalaga pero kahit anong gawin niyang pagtulong pilit paring tumatanggi si Valerie. Palagi nitong sinasabi na kaya niya. Palagi niyang sinasabi na lahat ng problema may solusyon basta gawan ng paraan. Ganoon katatag ang loob ng dalaga pagdating sa disposisyon sa buhay. Positibo at wala sa bokabularyo nito ang salitang pagsuko. Lalo niyang minahal si Valerie. Hindi nga siya nagkamali ng babaeng kanyang iibigin at nangako siya sa kanyang sarili na si Valerie na ang babaeng ihaharap niya sa altar. Pero bakit ganito ang tadhana para sa kanilang dalawa? Kasisimula pa lamang nila sa kanilang relasyon—ngunit heto na tila sinusubukan na ng tadhana ang kanilang pagmamahalan. Masakit isipin na sa kabila ng mga ngiting ipinapakita sa kanya ni Valerie—sa likod ng masayahin nitong mukha may itinatago pala itong matinding karamdaman. Wala sa sariling napahawak siya ng kanyang dibdib. Nakaramdam siya ng paninikip sa kanyang puso dahil sa isiping baka mawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya ng tuluyan. "Enrico anak—kahit magtrabaho ako sa inyo. Magpapaalila ako sa inyo—mailigtas lamang ang buhay ng anak ko. Enrico, wala akong kakayahan para ipagamot ang anak ko. Kaya nagmamakaawa ako sa iyo iho, tulungan mo ang anak ko." umiiyak na nakikiusap ang Ginang dahil talagang wala silang kakayahan sa buhay para maipagamot si Valerie. "Tita—hindi niyo po kailangang magmakaawa. Mahal ko po ang anak ninyo at gagawin ko po ang lahat mailigtas lamang siya. You don't have to beg for help, gagawin ko iyon dahil iyon ang nararapat." sambit naman ni Enrico sa Ginang. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ni Aling Martha. Ngumiti ito sa kanya saka niyakap ng mahigpit ang binata. Siya na lamang ang tanging pag-asa nila para maipagamot ang anak. "Tita, Enrico, tutulong din po ako. Susubukan ko pong makalikom ng pondo, maaari po akong humingi ng tulong sa mga co-teachers namin." wika naman ni Ella sa kanila. "Thank you Ella, napaka- swerte ng anak ko sa inyo. Salamat Enrico," ngayon pa lang lubos-lubos na ang pasasalamat ng Ginang sa kanila. Sumapit ang gabi—hindi iniwan ni Enrico ang kanyang kasintahan. Nanatili siya sa kanyang tabi hanggang sa ito ay magising. Naalimpungatan si Valerie ng tila maramdaman nito ang masusuyong haplos na dumadampi sa kanyang mukha. Dahan-dahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata. Puting paligid—puting liwanag ang kanyang nakikita. "Hmm.." dumaing pa siya ng maramdaman nitong tila nanghihina siya at tila ba may kung anong mabigat na nakadagan sa kanyang dibdib. "Heart? Oh, my, gising kana. Thanks God," pilit niyang ngumiti ng masilayan nito ang gwapong mukha ng kanyang kasintahan. "Heart," nanghihina niyang sagot sa binata. "Shhh.. Nagugutom kana ba? What do you want? Ah, wait water." nagmamadali namang tumayo si Enrico para kumuha ng tubig na kanyang maiinom. Inalalayan niya itong makabangon para ito ay painumin. At nang makainom na ito ng tubig siya ay muling nagwika. "Thank you heart," pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili. Hindi siya dapat magpakita ng kahinaan sa harapan ng kanyang nobyo. "Ano'ng ginagawa ko dito? Bakit nandito ako sa hospital? Wala akong sakit heart, uwi na tayo please." pilit niyang pinapatigas ang kanyang boses. "Naglihim ka sa akin heart—why?" napalunok siya at hindi makasagot. Ito na nga ang kinakatakutan niyang mangyari —ang malaman ni Enrico ang tunay niyang kalagayan. "Hindi ako naglihim heart, ano ba'ng sinasabi mo?" pinilit niyang tumawa habang sinasabi ang katagang iyon. Kahit nahihirapan pang kumilos dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman —siya ay pilit na bumangon. "You don't have to pretend. Heart I knew it, kaya pala madali kang mapagod kaya pala palagi kang namumutla." Kapagkuwan ay tumawa ng bahagya si Valerie. "Hahahah.. Ano bang pinagsasabi mo? Heart, sige na uwi na tayo. A-a-nong oras na pala?" Kunwari ay tanong niya para ilihis ang atensyon ng binata ukol sa kalagayan niya. "It's already eight in the evening." Sagot naman ni Enrico sa kasintahan. "Ano? Kung ganoon—my gosh! Naku, lumiban na ako sa klase ko." Napasapo siya sa kanyang ulo. "Naku, ano ba kasi ang ginagawa ko dito? Marami akong school works, exam narin ng mga bata. Uwi na tayo heart, please." Pinilit niyang ngumiti ng matamis sa nobyo. Kahit anong mangyari ayaw niyang magpakita ng kahinaan kay Enrico. Mahal niya ang binata at ayaw na ayaw niyang nag-aalala ito sa kanya. "Ehemm.." tumikhim si Enrico ng masuyong yumakap sa kanya ang dalaga. Ito ang gusto niya kay Valerie, ang pagiging malambing nito. "God," parang natutunaw ang puso niya para sa kasintahan na makita itong nakangiti na tila wala siyang karamdaman. "Heart sige na, please," muling nag-angat ng kanyang mukha si Valerie at nakikiusap. "Hanggang kailan ka maglilihim sa akin heart? Wala ka bang balak na sabihin sa akin ang tungkol sa kalagayan mo?" malungkot na tumitig sa kanya ang dalaga. Kahit anong pagkakaila ang gawin niya ngayon tila wala na siyang lusot—kundi ang magsabi na lang ng totoo sa kasintahan. "I'm sorry heart," malungkot na tugon nito kay Enrico. Napabuntong-hininga ang binata. "Kung hindi pa nangyari sa'yo ito, hindi ko pa malalaman. Heart, nandito ako. Ano ang silbi na naging boyfriend mo ako kung maglilihim ka lang din sa akin? Heart, I love you and no matter what I will always love you." Masuyo nitong tugon kay Valerie. "Thank you. Pangako ko sa'yo hindi na ito mauulit pa. I'll be careful nextime heart—and I love you even more." "Starting tomorrow morning hindi kana papasok ng skwelahan. Aayusin natin ang mga papers mo at pupunta tayo ng States." Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa tinuran ni Enrico. "Wa-what? States?" Kunot-noong tanong niya sa binata. "Yes, States. Ipapagamot kita heart, hindi ako papayag na mawala ka sa akin." Hindi siya makaimik dahil sa pagkagulat. Kung ganoon talagang alam na ng binata ang lahat tungkol sa sakit niya. "Heart, no! Kaya ko pa naman, and please huwag mong tatanggalin sa akin na makatulong ako sa iba. Paano ang mga estudyante ko? Paano ang mga batang lansangan na umaasa sa tulong ko." Sabi nito na ang tinutukoy niya ay ang libreng pagtuturo niya sa mga batang lansangan tuwing araw ng Sabado. "Uunahin mo ba sila kaysa sa sarili mo? Heart, hindi ba pwedeng unahin mo naman ang sarili mo this time?" "Kilala mo ako heart, mahal ko ang mga estudyante ko at mahal ko ang batang lansangan na iyon. Ipagkakait mo ba sa kanila ang matuto? Ito lang ang mayroon ako na pwede kong maitulong sa kanila ang ibahagi sa kanila ang aking kaalaman." Muli ay turan nito sa binata. Kahit ano yata ang gawin niyang pakiusap sa dalaga, hindi na siya nito pakikinggan pa. "But I want you get well. Please heart listen to me. This is for your own good, ayaw mo bang humaba ang buhay mo para mas marami ka pang matulungan? Paano tayo? Paano ako? We did a promise right, na bubuo pa tayo ng sarili nating pamilya? Paano ang mga pangarap natin?" Tila naantig ang puso ni Valerie sa tinuran ng nobyo. Isa ito sa mga pangarap niya ang makasamang bumuo ng pamilya ang lalakeng nakasama niya na bumuo ng mga pangarap niya. "Ahm, sige. Papayag ako heart in one condition," sumilay ang masayang ngiti sa mga labi ni Enrico. "And what is that, hmm?" "Papayag akong magpagamot, pero dito sa Pilipinas. Ayaw kong lumayo heart, alam mo naman ang kondisyon ni Mama hindi ba? Hindi ko sila pwedeng iwan kay Tito Oliver," panay ang kanyang pagtanggi. Ito na nga ba ang kinakatakutan niyang mangyari, ang malaman ni Enrico ang totoong kalagayan niya. Tanging buntong hininga ang pinakawalan ni Enrico sa kanya. "Please," nakikiusap ang mga matang tumitig kay Enrico. Kahit anong tamis ng ngiti na ipinapakita sa kanya ng dalaga— mababanaag parin sa mga mata nito ang lungkot. "Okay, if that's what you want." Tugon nito sa dalaga ng nakataas ang dalawang kamay. "Yey, thank you heart. Sana kahit nalaman mong may sakit ako, sana walang magbabago. Mahal kita Enrico kaya ko nagawang ilihim sayo ang sakit ko dahil ayaw kitang mag-alala. I love you my heart," muli ay niyakap niya ng mahigpit ang binata. "Mahal kita noon pa man, at patuloy kitang mamahalin magpakailanman. I love you too my heart." Masuyong saad naman sa kanya ni Enrico kasabay ng pagdampi ng mabining halik sa kanyang noo. Magkayap sila—nasa ganoong ayos sila ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Valerie sa hospital. Nagulat pa silang dalawa at kapwa napalingon ng may isang babaeng may edad na, maganda, sopistikada ang biglang pumasok na base sa hitsura nito ay galit na galit ito. "Mom?" Gulat na bulalas ni Enrico, "Tita," sambit naman ni Valerie. "Maghapon kang wala, ni tawag namin hindi mo magawang sagutin. Ano ba'ng nangyayari sayo Enrico?" Galit na wika ng kanyang Ina. Hindi naman makaimik si Valerie, at mas pinili niyang dumistansya kay Enrico para bigyan sila ng pagkakataon na magkausap silang mag-ina. "Alam mo ba ang gulong nagawa mo? Naghintay sa'yo ang pamilya ni Shane, baka nakakalimutan mong ____." Hindi na natuloy ng ginang ang kanyang sasabihin ng bigla siyang hilahin ni Enrico. "Mom, please not here." "And why? Bakit Enrico may magagalit ba?" Muli ay singhal ng Ginang sa kanya. Napalunok si Enrico dahil kilala niya ang kanyang Ina. Walang pinipiling lugar ito—sasabihin at sasabihin niya ang gusto niya kahit pa alam niyang may masasagasaan siya. "Akala namin kung ano na ang nangyari sa'yo, tapos ngayon malalaman kong nandito ka lang pala kasama ng hore na ito?" napalunok ng sariling laway si Valerie dahil sa kanyang narinig. Masakit isipin na gano'n pala ang tingin sa kanya ng pamilya ni Enrico. "Mom stop it! She's not a hore, " " And what do you want me to call this girl? Isn't she only after your money?" "I said stop it Mom! Hindi niyo alam ang sinasabi ninyo. Pwede ba umalis na lang kayo kung manggugulo lang din kayo dito? May sakit 'yong tao Mommy, maawa naman kayo." pakiusap pa ni Enrico sa Ina ngunit sadyang ayaw magpapigil ng Ginang. Naglakad ito palapit kay Valerie saka nito tiningnan ang dalaga mula ulo hanggang paa. "You're just nothing compared to my son, stay away from my son you hore! Kailanman ay hindi pwedeng pagsamahin ang langit at lupa, naiintindihan mo ba? Tinagalog ko na para maintindihan mo, nagkakaintindihan ba tayo?" Nakataas ang noo ng Ginang habang pinagsasalitaan siya nito ng masama. "Mommy ano ba? Bigyan niyo naman ako ng kahit kaunting kahihiyan. Mahal ko ang babaeng tinatawag ninyong hore. At para sabihin ko sa inyo ni minsan ay hindi siya humingi sa akin ng pera,at lalong hindi pera ang habol niya sa akin. Mahal namin ang isat-isa, mahirap bang intindihin iyon!" Napahawak siya ng kanyang dibdib. Tila lulubog na siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa sobrang pagkapahiya niya. Noon pa man alam niyang hindi na boto sa kanya ang pamilya ni Enrico—pero dahil mahal niya ang binata pilit niyang ipinaglalaban ang kanilang pagmamahalan. "Magkano ba ang kailangan mo para layuan mo ang anak ko?" Muli ay sambit ng Ginang. Dito ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili—nagpunas siya ng kanyang luha at matapang na hinarap ang Ginang. "Isa lang po akong mahirap Tita, pero hindi ko magagawang pagsamantalahan ang anak ninyo. Mahirap man kami sa inyong paningin pero hindi kami tulad ng iniisip ninyo. Mahal ko si Enrico at hindi ang pera ninyo," matapang na wika nito sa Ginang. Nanginginig na siya ng mga sandaling iyon at siya ay kaagad na nilapitan ni Enrico. Hinawakan siya nito sa kamay, pinagsiklop niya ang kanilang mga palad at matapang na hinarap ang Ina. "Walang makakapaghiwalay sa amin Mommy, kahit kayo pa. Tanging kamatayan lamang ang pwedeng maglayo sa aming dalawa." Buong tapang na turan ni Enrico sa Ina. "Really? Tingnan natin, hindi ako papayag na mapunta ang kaisa-isang anak ko sa isang basurang kagaya ng babaeng 'yan. Ito ang tatandaan mong babae ka, mahahanap ko din ang kahinaan mo at sisiguraduhin kong makikita ng anak ko kung anong klase kang babae!" masasakit na salita ang kanyang narinig bago tuluyang lumabas ang Ginang ng kanyang kwarto. Hawak parin ni Enrico ang kanyang mga kamay at inalalayan siya nitong maupo para painumin ng tubig. "I'm sorry for what Mommy did. Heart, I want you to know that nothing will change. I am willing to fight for our love against my family. Even to death, I will fight for you." masuyong saad ni Enrico sa kanya. "Ganoon din ako sa'yo mahal ko, handa kong ipaglaban ang pagmamahal ko para sa'yo. Ipapakita ko sa pamilya mo na hindi ako katulad ng iniisip nila. Mahal kita Enrico, at mamahalin kita hanggang wakas. Until death do us part," naluluhang sambit ni Valerie sa kasintahan. Ang taong umiibig ng tunay at wagas, handang gawin ang lahat masunod lamang ang kagustuhan ng kanilang mga puso. Kahit pa maraming hadlang, pipiliin mong lumaban sa ngalan ng inyong pagmamahalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD