"Diyos ko anak ko," nanlaki ang mga mata ni Aling Martha dahil sa gulat ng makita nitong humandusay sa malamig at magaspang na semento na iyon si Valerie.
"Bestie," si Ella naman na kinakabahan narin ng mga oras na iyon.
"Tumawag ka ng masasakyan—Oliver ano ba ang anak mo." tumawa ng nakakainsulto ang kanyang amain saka nagwika.
"Nagda- drama na naman ang anak mo Martha. Hindi kana nasanay diyan? Tsk.." naiinis na wika pa nito sabay panay ang pag-iling ng kanyang ulo.
"Kung ayaw mong tumulong—umalis kana! Ikaw ang may kasalanan nito! Valerie anak, gumising ka.." naiiyak na turan ni Aling Martha sa anak habang panay ang tapik nito sa mukha ng anak.
"Ako na po ang tatawag ng masasakyan natin Tita," nanginginig ang mga kamay ni Ella na tumayo para maghanap ng tulong. Sakto naman sa kanyang pagtayo ng biglang may isang kotse ang umibis at tumigil sa harapan ng kanilang bahay.
"Diyos ko salamat at dumating ka Enrico,' nagmamadaling lumapit si Enrico ng makita nitong kalong- kalong ni Aling Martha si Valerie na wala ng malay.
'God! Tita what happened?" nag-aalalang tanong ni Enrico. Hindi kaagad nakasagot si Aling Martha at kaagad namang hinawakan ni Enrico ang dalaga para ito ay buhatin.
"Oh hayan na pala ang manugang mong mayaman eh, hahah.. Enrico pahinging isang libo, wala akong pampuhunan sa sugal eh, sige na barya lang para sa'yo ang isang libo." nagagawa pa parin nitong tumawa para maghingi ng pera kahit pa nakikita niyang tensyonado na ang lahat para kay Valerie. Akala mo naman kung makaasta may ipinatagong pera ito.
Hindi siya pinansin ni Enrico bagkus ay pinagtuunan nito ng pansin si Valerie na noon ay wala paring malay at kaagad na isinakay ang dalaga sa kanyang kotse.
"Heart? Wake up please," nag-aalala at nagmamadali nitong isinakay sa kotse si Valerie.
"Tita sakay na,' sigaw pa ni Enrico ng tuluyan na nitong naipasok sa loob ng kotse si Valerie.
"Susunod ako Enrico. Ella samahan mo muna ang kaibigan mo dahil magtutuos kami ng magaling kong asawa!" galit na wika ni Aling Martha.
Masama ang mga tingin na ipinupukol nito kay Oliver na nanonood lamang sa kanila kasabay ng panaka-naka nitong pagtawa ng nakakainsulto.
Binuhay ni Enrico ang makina ng sasakyan at kaagad nitong nilisan ang tahanan ng kanyang nobya para ito ay dalhin sa hospital.
"Hang on heart. Please," panay ang usal niya habang patuloy siya sa pagda-drive.
* * *
"Namimihasa kana Oliver!' napapayukom ng kamao at tiim bagang na wika ni Aling Martha ng makaalis na ang sasakyang magdadala kay Valerie sa hospital.
"Huwag mo akong sisisihin Martha! Sino sa atin ang nanakit kay Valerie—hindi ba ikaw? Sinampal mo siya hindi ba? Sinaktan mo ang anak mo!" nanggagalaiti nitong bulyaw sa asawa.
"Oo, nasaktan ko ang anak ko ng dahil sa'yo! Sawang- sawa na ako Oliver, sawang- sawa na ako sa pag-uugali mo!' nagngitngit si Oliver at hinawakan nito sa panga ang asawa.
"Lumalaban kana ngayon Martha. Sige, kampihan mo ang anak mong best actress. Kunwari nawalan ng malay—mga ulol hindi niyo ako manloloko sa kadramahan ninyong mag-ina!" tiim bagang na wika nito kay Aling Martha.
"Hindi nag-iinarte lamang ang anak ko Oliver. Bata pa lang alam mo nang may sakit sa puso ang anak ko! Napakasama mo! Wala kang kasing sama Oliver," umiiyak na turan ni Aling Martha sa asawa habang hawak parin nito ng madiin ang kanyang panga.
"Kapag may nangyaring masama sa anak ko—hindi kita mapapatawad!" muli siyang pikatitigan ni Oliver, mga mata nitong namumula, nanlilisik at tila nag-aapoy dahil sa galit.
"Tinatakot mo ba ako hah Martha? Ano, kaya mo ng mabuhay ng wala ako, huh?!" muli ay madiing wika nito sa asawa. Hindi naman kaagad nakasagot ang Ginang.
"Hindi ka makasagot?! Ano Martha , kaya mo bang mabuhay ng wala ako?!" sigaw nitong muli sa asawa.
"Oo, kaya kong mabuhay ng wala ka! Para sa anak ko—kakayanin kong mawala ka sa buhay naming dalawa ni Dave!" matapang na turan ni Martha sa asawa.
Napapayukom ng kanyang kamao si Oliver. Itinaas nito ng bahagya ang kanyang kamao sa ere at akmang sasaktan na niya ang asawa ng biglang lumitaw ang bunso niyang anak na si Dave.
"Papa tama na po, maawa naman po kayo kay Mama!" natigilan si Oliver ng marinig nitong sumigaw ang anak.
Dahil sa inis at galit ay naitulak niya ng bahagya ang asawa dahilan para ito ay muling matumba. Pumasok ito ng kanilang kwarto at ibinalibag ng malakas ang dahon ng pintuan—paglabas nito ay may dala- dala na itong isang bag.
"Mama ayos ka lang ba? Si ate po ba, ayos lang ba siya Mama?" biglang natauhan si Aling Martha ng maalala nito ang panganay na anak. Nagpunas siya ng kanyang luhaang mukha at inayos ang kanyang sarili.
"Aalis na ako sa pamamahay na ito—sana kayanin mong mabuhay ng wala ako Martha," hindi umimik si Aling Martha. Bagkus siya ay napaiyak habang tanaw-tanaw ang asawa na noon ay palabas na.
"Papa, huwag mo kaming iwan." umiiyak naman si Dave ng makita nitong papaalis na ang kanyang Ama.
"Hindi siya kawalan sa atin anak, hayaan mong umalis ang Papa mo. Kakayanin nating mabuhay—oo kaya nating mabuhay ng wala ang Papa mo." naluluhang tugon ni Aling Martha sa anak.
* * *
Samantala pagkarating nila ng hospital, kaagad na humingi ng tulong si Enrico habang buhat-buhat nito si Valerie papasok ng emergency room.
"Help! Anyone, help!" hindi rin magka- ugaga si Ella sa kung anong gagawin ng mga sandaling iyon.
"Ano po'ng nangyari kay patient?' tanong ng isang nurse na lumapit sa kanila.
"I don't know! Just check on her damn it!" naiinis na wika ni Enrico. Nagmamadali namang kumilos ang mga nurses na nandoon para asikasuhin si Valerie.
Pagkaraan ng isang oras, dumating narin si Aling Martha ng hospital na sobrang nag-aalala.
"Enrico kumusta ang anak ko? Diyos ko, kasalanan ko ito." nanginginig na wika nito.
"Tita, you have to calm down. Remember may sakit din po kayo," inalalayan ni Enrico ang Ginang para ito ay paupuin sa long bench na iyon na nasa labas ng emergency room.
Ilang sandali pa nagbukas ang pintuan. Isang nakasuot ng puting gown ang lumabas mula doon at kaagad nila itong nilapitan.
"Kayo po ba ang Ina ng pasyente?' tumango-tango si Aling Martha na panay ang panginginig ng kanyang mga kamay.
"Opo, a-ako nga po doktora. Ku- kumusta po ang aking anak?" nauutal at nanginginig na tanong ni Aling Martha.
"Kailan po ang last check-up ng pasyente?" huminga siya ng malalim.
Hindi na niya maalala kung kailan ang huling check-up ni Valerie. Ang alam niya bata pa lamang ito noon—kung hindi siya nagkakamali ay nasa elementarya pa lamang ito noon.
"Are you aware that your daughter has a CHD? May congenital heart disease po ang anak ninyo misis," hindi kaagad nakasagot si Aling Martha at napatulala ito dahil sa tinuran ng Doktor.
Maging si Enrico ay nanlaki ang mga mata ng marinig nito ang tinuran ng Doktor.
Bata pa lamang si Valerie—pagkapanganak pa lamang nito ay na- diagnosed na itong may sakit sa puso. Ayon sa doktor na sumuri noon kay Valerie may butas ito sa puso kaya ganoon na lamang kung mag-alala si Aling Martha para sa anak.
"CHD?" gulat namang tanong ni Enrico.
"Tita, bakit wala pong nababanggit sa akin si Valerie? Is she aware of her condition Tita?" pigil ng Ginang ang kanyang sarili na huwag maiyak.
Kilala niya ang anak—hangga't maaari ayaw na ayaw niyang kinakaawan siya ng lahat. Noon pa man pilit niyang itinatago kay Enrico ang kanyang kalagayan dahil ayaw na ayaw niyang nag-aalala ang kanyang nobyo.
"Sorry Enrico anak—kung naglihim sayo ang anak ko. Alam kong maiintindihan mo siya." sagot naman ni Aling Martha.
"Doc, is she ok? Tell me, she's not in danger right?" umiling-iling ang doktor bilang pagtugon at doon pa lang sa reaksiyon nito nakuha kaagad ni Enrico ang gustong ipahiwatig ng doktor.
"No! Do everything you can to get her well. I will pay no matter how much it is, just heal her!" napasapo si Enrico sa kanyang noo. Hindi niya matanggap na may inililihim palang matinding karamdaman ang kasintahan.
"Malaking halaga po ang kakailanganin natin para sa operasyon. Masyado na pong mahina ang puso ng pasyente, ngayon lalo pong lumaki ang butas sa kanyang puso. Tatapatin ko na kayo misis, kailangan niyo ng humanap ng heart donor," lalong nadagdagan ang takot na nararamdaman ni Aling Martha ng mga sandaling iyon.
Hindi niya kakayaning ipagamot ang anak, at lalong hindi niya kakayaning mawalan ng anak.