Hindi Matanggap ❗

1366 Words
Lumipas ang mga araw at buwan, nagpatuloy si Valerie ng kanyang buhay. Heto siya ngayon, nagdadalamhati at patuloy na sinisisi ang kanyang sarili. "Anak kain kana," tanghali na pero walang balak bumangon si Valerie, buong araw na lamang siyang nakahilata sa kanyang kama. Ganito na lang siya palagi, ni ayaw niyang kumain, ni ayaw niyang lumabas ng kanyang kwarto at patuloy siyang nagdadalamhati sa pagnanaw ng lalakeng pinakamamahal niya. "Ayaw kong kumain Mama, ilabas niyo na po 'yan." Nakatagilid siya ng higa at nagpupunas ng kanyang mga luha. "Hanggang kailan ka magkakaganito anak? Ilang buwan na ang lumipas, subukan mong tumayo muli anak." "Hindi ko kaya Mama," sagot lang niya sa Ina. Hanggang ngayon patuloy niyang sinisisi ang kanyang sarili at hindi niya kayang umusad sa buhay ng wala na si Enrico. "Ako ang dapat sisihin kung bakit siya namatay Mama, ako ang dahilan. Ako Mama," lumapit si Aling Martha at naupo sa tabi ng kama niya. "Anak, tama na 'yang paninisi mo sa sarili mo. Hindi mo ginusto ang nangyari, aksidente ang lahat anak." hindi nagsasawa si Aling Martha na pangaralan ang anak—ganoon din ang kaibigan niyang si Ella. "Hindi siya maaaksidente kung nakinig lamang ako sa kanya Mama, kahit anong sabihin ninyo, kasalanan ko po ang lahat." Napabuga sa hangin si Aling Martha hindi kaya ng dibdib niya na makitang lugmok at nahihirapan ang anak. "Nandito lang kami anak baka nakakalimutan mo. Mahal ka namin at sana naman isipin mong hindi ka nag-iisa, wala man si Enrico na nagmamahal sa'yo, nandito parin kami na natitirang nagmamahal sa'yo. Sige na anak, hahayaan muna kita pero sana pag-isipan mo sana na hindi pa dito matatapos ang lahat." Nanatili siyang nakatalikod sa Ina—kahit anong payo ang gawin nila sa kanya hindi niya magawang pilitin ang kanyang sarili na magpatuloy sa buhay. Si Enrico ang buhay niya, hindi niya kayang magpatuloy at umusad sa buhay dahil wala na ang taong nagbibigay sa kanya ng buhay. "Anak, subukan mong buksan ang mga mata mo. Wala na si Enrico at ikaw, nandito buhay na buhay kasama namin. Hindi mo ba naiisip kung bakit binigyan ka ng Diyos ng panibagong buhay anak? Dahil may misyon kapa sa buhay, marami ka pang matutulungan na ibang tao." Napatigil siya sa pag-iyak at napalunok dahil sa tinuran ng Ina. "Kumilos ka anak, bumangon ka at hanapin mo ang taong tumulong sa'yo. Hanapin mo ang pamilya niya at magpasalamat ka sa biyayang natanggap mo." napapikit siya, tumagos sa puso niya ang tinuran ng Ina. Dito nag sink-in sa kanya ang lahat, may punto si Aling Martha, siguro nga kailangan niyang muling bumangon at hanapin ang taong nagbigay sa kanya ng bagong pag-asa ng bagong buhay. "Natitiyak kong mas gugustuhin din ng pamilyang iyon na makilala ka anak. Taglay mo ang puso ng mahal nila sa buhay—magpasalamat ka sa kanila anak, hanapin mo sila. Kahit sa ganitong paraan man lang makita nilang buhay na buhay ang mahal nila sa buhay sa katauhan mo. May rason ang lahat ng mga nangyayari sa buhay natin, huwag mong hayaang malugmok ka sa isang sulok. Gamitin mo ang bagong buhay mo para sa ikagaganda ng buhay mo." humarap siya ng higa sa Ina, kapagkuwan ay bumangon siya at niyakap ng mahigpit ang Ina. "Mama," umiiyak na niyakap ang Ina. "Shhhh... Tama na anak, tama na ang pagdadalamhati mo. Tumayo ka at bumangon. Magpasalamat tayo sa Diyos, magpasalamat tayo sa taong nagbigay sayo ng bagong puso. Gamitin mo iyan para marami ka pang matulungang ibang tao." tumango-tango lamang siya sa Ina. * * * "Tita?" "Yes Gael iho," pagkapasok ni Gael ng kanyang private clinic naabutan niya si Misis Salvador na matiyagang naghihintay sa kanya. "Kanina paba kayo dito Tita? Sorry, galing pa ako ng hospital," "No, it's okay iho." "Nabisita po kayo Tita?" umikot siya ng lakad, tinanggal ang kanyang white button gown at isinampay iyon sa kanyang upuan. "Ah—oo, it's been two months since Enrico died. Kadarating lang din namin galing ibang bansa iho, may gusto sana akong malaman." Bungad pa sa kanya ng Ginang. "Yes Tita, what is it?" "About the recipient? Kilala mo ba kung kanino napunta ang puso ng anak ko? I want to see that person, I miss my son so much Gael, kahit man lang sa paraan na ito makasama kong muli ang anak ko." Punong-puno ng lungkot ang mukha ng Ginang. Naiintindihan ni Gael iyon, bilang isang Ina, bilang isang magulang masakit mawalan ng anak. "I don't know her personally Tita," "Her? You mean babae ang recipient?" Tumango-tango naman si Enrico, "Yes Tita, I have her records here." "Dana, pakikuha nga 'yong files." Utos pa nito sa kanyang secretary. "Yes Doc," kaagad na kumilos ang kanyang secretary at pagbalik nito dala-dala na niya ang records na iyon. "I want to know more about her Enrico. I want to hug her," naluluhang sambit ng Ginang. Mula sa kanyang kamay dahan-dahang binuksan ni Gael ang files, "Ayon dito sa records, bata pa lang na diagnosed nang may CHD ang patient Tita, walang kakayahan ang pamilya niya para maoperahan siya." Muling naluha ang Ginang. "Kung ganoon hindi kami nagkamali ng taong tinulungan? Isang anak mahirap ang nakatanggap sa puso ng anak ko?" "Malaking tulong ito para sa kanila Tita, alam niyo bang gusto din malaman ng pamilyang iyon kung sino ang donor?" "Then—you tell them?" Umiling si Gael. "No Tita, hangga't wala ang pahintulot ninyo, hindi po namin pwedeng sabihin sa kanila." "Good, thank you iho." "She's a twenty four years old, from Talon Dos Las Piñas City." "Kung ganoon malapit lang siya sa atin?" Masaya ang Ginang dahil abot kamay na niya ang taong nagdadala sa puso ng anak niya. "A twenty four years old teacher, isang guro pala ito Tita, ngayon ko lang din nakita ang information niya." Muli ay pagpapatuloy pa ni Gael sa Ginang. "Really Gael, isang dalaga? Ow..I can't wait to see her, I can't wait to hug her." Nasasabik na wika ni Mrs. Salvador. "Her name is, Valerie Heart Hernandez, wow.. Bagay na bagay pa sa kanya ang name niya Tita," natatawang saad ni Gael, ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat ng Ginang ng marinig nito ang pangalang iyon. "Valerie Heart Hernandez?!" Hindi makapaniwalang saad ng Ginang. "Opo Tita, wait!" Nagtataka si Gael dahil sa nakita nitong reaksiyon ng Ginang, gulat na gulat ito at hindi lang iyon napansin niyang napayukom ng kanyang kamao ang Ginang. "Hindi!" Napataas ang tono ng Ginang, tumayo ito at muling nagwika. "Hindi totoo 'yan! Huwag mo akong biruin ng ganyan Gael, hindi!" Kung kanina sabik na sabik ang Ginang na makilala ang recipient sa puso ng anak ngayon ganoon na lamang kagalit ito. "Tita, what's happening? You know that girl?" Out of curiosity, Gael asked her. "Hindi lang kilala Gael, she was the reason why Enrico died! Hindi maaaring mapunta ang puso ng anak ko sa babaeng pumatay mismo sa anak ko! No! This can't be!" Naghihisterikal na si Mrs. Salvador, umiiyak ito, galit na galit. Huminga si Gael ng malalim, hindi siya makapaniwala sa kanyang mga nalaman. Hindi pa niya nakikita ang babae, ngunit ngayon nagkaroon siya ng interes na kilalanin ito. "Tita I'm so sorry to hear that," patuloy niyang pinapatahan ang Ginang, "Gael no! Bawiin mo ang puso ng anak ko! Hindi ako papayag na mapunta sa kanya ang puso ng anak ko! Siya ang pumatay sa anak ko at wala siyang karapatan na mabuhay. Gael help me, help me please!" Patuloy na nakikiusap ang Ginang. "Wala na po tayong magagawa Tita, naisalin na po nila ang puso ni Enrico sa babaeng iyon. Tita, I'm sorry.." umiling-iling ang Ginang, hindi niya matanggap na ang babaeng kinamumuhian niya, ang babaeng tinawag niyang goldigger, hore, prostitute ay siya palang nakatanggap sa puso ng anak niya. "Kung gugustuhin may paraan! Maraming paraan Gael, ano ito—siya buhay na buhay tapos ang anak ko namatay? Hindi ako papayag, babawiin ko ang puso ng anak ko!" Nanggagalaiti niyang sabi. Patuloy siya sa paghagulgol, hindi niya matanggap na si Valerie ang bagong nagmamay-ari ng puso ng anak niya. Ang babaeng sinisisi niya kung bakit hindi na niya makakasama pa kahit na kailan ang nag-iisa niyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD