ISANG masamang balita ang bumuluga sa pamilya Salvador ng umagang iyon ng Lunes.
"No! Enrico ang anak ko!" Nagsisisigaw ang Ginang pagkatanggap nito sa masamang balita.
"Ano bang nangyayari Sandra?" Nagpapapadyak ang Ginang habang walang tigil ito sa pag-iyak.
"Ang anak natin, si Enrico , huhuhuh.." panay parin ang iyak ng Ginang.
"What's going on?!" Pati ang kanyang asawa ay naguguluhan na din, nasa business trip si Enrico, nasa Cebu ang anak nila.
"Naaksidente ang anak natin, Zandro ang anak ko!" Gulat na gulat ang Ginoo dahil sa tinuran ng asawa .
"Naaksidente? Paano? Ano'ng nangyari?" Natatarantang tanong ni Zandro sa asawa.
"He's not in Cebu, Zandro nakausap ko doctor nandito sa Las Piñas ang anak natin. Zandro ang anak mo, puntahan natin si Enrico." Halos himatayin ang Ginang pagkatanggap nito sa masamang balita.
Kaisa-isang anak nila—hindi niya kakayaning mawala ito sa kanila.
Pagkarating nila ng hospital, mga Pulis ang sumalubong sa kanila.
"Mister and Misis Salvador,"
"Kami nga po officer,"
"Ma'am kami po ang naatasan na mag-imbestiga sa kaso ng anak ninyo." Bungad sa kanila ng isang Pulis,
"Ano?! Kaso—a-anong kaso officer?"
"Na hit and run po ang anak ninyo Misis,"
"Hah?!" Napaawang ng bibig ang Ginang.
"Hit and run? Sigurado ba kayo officer?" Tanong naman ni Zandro sa mga Pulis.
Ganoon na lamang ang pagtataka ng mag-asawa dahil ang alam nila nasa Cebu si Enrico ng tatlong araw at pagkatapos nito ay sa Palawan naman ang sunod nitong pupuntahan.
"Na-sa-an ang a-nak ko?" Nanginginig na tanong ni Sandra. Nang mga oras na iyon wala siyang ibang maramdaman kundi takot—takot para kay Enrico takot na baka sila ay mawalan ng anak.
"Nasa ICU ang pasyente Ma'am," tugon pa ng isang Pulis. Nagmamadali nilang tinungo ang ICU, at ganoon na lamang ang kanilang panghihina ng maabutan nila ang anak na nire- revive ng mga doctor.
"Enricooo..." Nagsisisigaw na saad ng Ginang.
"Hindi pwedeng mawala ang anak ko! Enrico anak, lumaban ka please.." patuloy sa paghagulgol ang Ginang habang sila ay nakatunghay sa salamin ng pintuan ng silid na iyon.
"Saan ka pupunta Sandra? Sandra sandali!" Ngunit ayaw magpapigil ng Ginang, siya ay pumasok sa loob ng ICU kahit pa siya ay pinagbabawalan ng mga nurses doon.
"Ma'am sorry po, bawal po kayo dito."
"Anak ko ang nakahilata diyan at nag-aaagaw buhay, kailangan ako ng anak ko!" Sigaw niya sa mga ito.
"Hindi po talaga pwede ma'am, sige na po sa labas na lang po tayo maghintay."
"Hindi!" Pagmamatigas pa ni Sandra.
"My son needs us, hindi ninyo kami pwedeng pagbawalan!"
"Nasa ICU po tayo ma'am, at alam niyo naman po na bawal po ang bantay dito."
"Magkano ba ang kailangan ninyo para payagan ninyo kami. Kami ang pamilya at may karampatan kaming dumito," naghihisterikal na saad ni Sandra sa mga nurses na nandoon.
Hanggang sa sumenyas ang doktor, lumapit ang isang nurse at saka ito muling bumalik sa kanilang mag-asawa.
"Sige na po Ma'am, pwede niyo ng lapitan ang pasyente. Kausapin ninyo siya, sa huling pagkakataon, magpaalam na po kayo sa kanya." Umiling-iling na wika ng isang nurse.
Dito nahintakutan ang mag-asawa, muling bumalot ang matinding takot sa kanilang pagkatao.
"Anak, Enrico naririnig mo ba kami? Anak koooo.." patuloy sa pag-iyak ang Ginang at ganoon din ang kanyang asawa.
"Gawin ninyo ang lahat, iligtas ninyo ang anak ko. Magbabayad ako kahit magkano pa 'yan, mabuhay lamang ang Enrico ko. Huhuhuh..." Patuloy sa pakiusap ang Ginang, patuloy siyang nakikiusap sa doktor.
"I am sorry to say Misis Salvador, your son is in coma. Grabe po ang tinamo niyang head injury, at nakita po namin na nagkaroon ng bleeding sa brain ng pasyente. I'm sorry Misis Salvador, we can't give you the assurance na mabubuhay pa ang pasyente. Eight to twelve hours iyon na po ang nakikita naming pinakamahaba niyang itatagal." Pagtatapat sa kanila ng doktor.
"At sino kayo para sabihin iyan sa amin? Diyos ba kayo? Wala kayong karapatan na taningan ang buhay ng anak ko! Trabaho niyo ang magligtas—pwes, gawin ninyo ng maayos ang trabaho ninyo!"
"Sandra stop it!"
"Bakit Zandro, papayag kana lang ba sabihan tayo ng ganyan? Hindi sila Diyos, naiintindihan mo ba ako?!" Muling humagulgol ang Ginang, hanggang sa marinig nila ang isang tunog na siyang gumimbal sa kanilang mag-asawa.
Isang tunog na pamilyar sa kanila, isang tunog na hindi mo gugustuhin na marinig.
"Excuse me!" Nagmamadaling saad ng doktor.
"No! Enrico no! You can't leave Mommy anak, nandito kami ni Daddy, please don't leave us.." umiling-iling ang Ginang habang pinagmamasdan ang anak na noon patuloy nilang sinusubukan na i- revive.
Hanggang sa ang tunog na iyon ay naging dahan-dahan na lamang sa kanilang pandinig at iyon na nga ay tuluyan ng tumigil.
"Enricooo...."
"Anak koooo.."
Wala na silang nagawa. Wala na silang nagawa kundi panoorin ang anak na noon ay wala ng buhay.
"Time of death, 3:45 PM." Saka muling umiling-iling ang doktor.
Kahit anong iyak nila ngayon hindi na nila maibabalik pa ang buhay ng pinakamamahal nilang anak na si Enrico.
Isa lang ang napatunayan nila ngayon, kahit pa gaano karami ang kanilang kayamanan—walang silbi dahil hindi nila nagawang iligtas ang mahal nilang anak.
* * *
"Are you sure about this Tita?"
"Yes Gael, mas mabuti ng pakinabangan ng iba ang puso ng anak ko. Kahit sa ganoong paraan man lang makabawi kami at makatulong kami sa ibang nangangailangan." Isang mapagkumbabang Misis Salvador ang humarap kay Gael ng mga oras na iyon.
Hindi pa nila tuluyang inilalabas ang anak dahil napagdesisyonan nilang i-donate sa heart center ang puso ng kanilang anak.
"Gael, ikaw na sana ang bahala sa lahat. Ikaw na ang bahala sa anak ko," pakiusap muli ni Sandra sa Doctor.
Gael Lucas Aragon III or very known as Doctor Thirdy na isang Cardiologist.
"Siguraduhin mong mapupunta ang puso ng anak ko sa tamang tao. Gael, pagkatapos ng libing ng anak ko, balitaan mo ako kung sino ang mapalad na makakatanggap ng puso niya."
"Yes Tita, maraming salamat po dahil isang buhay muli ang maililigtas namin sa pamamagitan ng puso ni Enrico. Don't worry Tita, alam kong magiging masaya si Enrico sa naging desisyon niyo na ito." Pigil ang kanyang sarili na huwag maiyak sa harapan ni Thirdy.
Ubos na ang kanyang mga luha. Wala na siyang lakas at wala narin ang tanging lakas nilang mag-asawa.
"Kung sino ka mang hayop ka na pumatay sa anak ko—humanda ka! Pagbabayaran mo ng malaki ito sa amin, buhay ng anak ko—buhay din ang kapalit!" Nanggagalaiti niyang saad habang panay ang punas nito sa kanyang mga luha.
"Any development sa case ni Enrico Tita?"
"Wala pa Gael, hindi ko pa kayang harapin ang kaso ngayon. Hihintayin ko munang mailibing ang anak ko saka ko aasikasuhin ang kasong iyan. Humanda talaga sa akin ang taong gumawa nito sa anak ko! Gael I swear pagbabayarin ko siya! Buhay ang kinuha niya sa amin—buhay din ang sisingilin ko!" Napapayukom ng kamao ang Ginang dahil sa magkahalong labis na galit at paghihinagpis sa pagkawala ng kaisa-isang anak nila, ang kaisa-isang tagapagmana ng kanilang angkan.
"Tita may batas tayo! Ipaubaya niyo na po ito sa mga kinauukulan."
"No! This time ako ang batas, ako lang Gael wala ng iba!" Mariing sumbat ng Ginang, naiintindihan iyon ni Gael, nagdadalamhati ang Ginang at natural lamang na makaramdam siya ng pagkapoot sa taong nakagawa nito sa kanilang anak.
* * *
"Ano'ng ginagawa mo dito Dolfo?!" Pagkatapos ng libing saka lamang nagpakita ang kanyang tauhan.
"Any good news Dolfo? Kung hindi rin lang good news ang dala mo, umalis kana!"
"Madamé kasi, ahm.."
"Malaki ang nakuha mong pera sa akin baka nakakalimutan mo?!"
"Opo Madamé," nakayukong saad ng kanyang tauhan.
"So what's the good news?"
"Sorry po Madamé,"
"Punyeta! Ano'ng sorry ang sinasabi mo?!" Nanlaki ang kanyang mga mata, nakakatakot, nanlilisik at puno ng galit.
"Madamé kasi, hindi ko po nagawa ng maayos ang pinapagawa ninyo sa akin. Madamé ibang tao po ang nadali ko at hindi po ang babaeng iyon." Napakunot ang noo ng Ginang.
"Liwanagin mo nga Dolfo—anong ibang tao ang nadali mo?" Naguguluhang tanong nito sa tauhan.
"Pasensya na po kayo—imbes na ang babaeng target ang dapat ay masasagasaan ng araw na iyon ay iba po. May lalakeng biglang sumulpot Madamé at naitulak niya po palayo ang babae, kaya ayun po isang lalake ang napatay ko." Dito nagulantang ang Ginang.
Nanlaki ang kanyang mga mata—awang ang kanyang bibig habang sapo ang kanyang dibdib.
"Ki-la-la mo ba ang lalakeng napatay mo?!" Halos mautal-utal na tanong nito sa tauhan. Umiling si Dolfo.
"Hindi ko kilala Madamé,"
Dito naalala niya ang police report. Naganap ang aksidente na siyang ikinamatay ni Enrico malapit sa eskwelahan kung saan nagtuturo si Valerie. Noong araw na iyon mismo kung kailan niya inutusan ang kanyang tauhan para burahin sa mundong ito ang babaeng kinaiinisan niya.
Ang babaeng kinalolokohan ng anak. Ang babaeng mangmang na iyon, ang babaeng tinawag niyang hore, dahil hindi niya matanggap na umibig ang anak sa isang mababang babae, sa isang babaeng hindi nila kauri.
"Madamé ayos lang ba kayo?" Pansin ni Dolfo ang hindi pagkibo ng Ginang habang hawak nito ang kanyang dibdib.
"Ikaw! Ikaw ang pumatay sa anak ko! Ikaw hayop ka!" Magkabilaang malakas na sampal ang kanyang pinakawalan sa pisngi ng tauhan.
"Mapapatay kita hayop ka!" Nanggagalaiti niyang sigaw dito.
"Madamé hindi ko po alam—patawarin ninyo ako Madamé, hindi ko po kilala ang anak ninyo." Mula sa kanyang handbag inilabas niya ang kanyang baril.
Isang 9MM pistol ang inilabas ng Ginang at kaagad iyong itinutok sa kanyang tauhan.
"Maawa po kayo Madamé, huwag niyo po akong papatayin." Nakataas ang kamay ni Dolfo habang ito ay nagsusumamong huwag siyang patayin ng Ginang.
"Buhay ng anak ko—kapalit ng buhay mo!" Isang putok ang kanyang pinakawalan, hanggang sa hindi pa siya nakuntento, inubos niya ang lahat ng bala ng kanyang baril sa katawan ni Dolfo.
"Enricooo.. Anak ko, patawarin mo ako!" Muli siyang napahagulgol, napatay man niya ang taong pumatay sa kanyang anak hindi na maibabalik pa sa dati ang lahat.
Magsisi man siya—lumuha man siya ng dugo wala ng silbi dahil hindi na mibabalik pa ang buhay ni Enrico.
"Ang babaeng iyon ang may kasalanan! Humanda ka Valerie, dahil ipaparanas ko sayo ang pakiramdam ng nawalan. Kasalan mo ang lahat —kasalan mo kung bakit nawalan ako ng anak!" Patuloy siya sa paghagulgol, siya ay unti-unting napaluhod sa damuhan habang siya ay humihingi ng tawad sa anak.
Ang pagsisisi ay sadyang palaging nasa huli. Gumawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa—kabutihan din ang babalik sayo. Gumawa ka ng kasamaan — kasamaan din ang babalik sayo. At ito ang isang bagay na napatunayan ngayon ni Ginang Salvador. Magsisi man siya ngunit huli na ang lahat.