Ang Pamamaalam❗

1873 Words
Mula sa labas ng kanilang bahay matiyaga siyang naghintay ng kanyang masasakyan patungong eskwelahan. Sakto namang pagdating ng isang tricycle at nakita niyang sakay nito ang kaibigan niyang si Ella. "Valerie," tawag pa nito pagkakita nito sa kanya. "Ella," "Manong para," Umikot ng lakad si Valerie para pumasok sa loob ng tricycle. "So tama pala ang balita na umuwi ka nga," "Ahm, oo eh." "Alam mo bang panay ang tawag sa akin ng boyfriend mo? Hindi ka daw niya makontak." Imbes na sumagot isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan. "Ang lalim naman niyan bestie, may problema ba kayo ni Enrico? Nag-aalala na sayo 'yong tao eh, bakit ayaw mong sagutin ang mga tawag niya?" Panay ang tanong ni Ella habang sila ay nasa daan patungong eskwelahan. "Val, makinig ka nga sa akin." "Wala akong problema Ella," "Kilala kita, kung wala kayong problema ni Enrico bakit ka naglayas sa bahay niyo?" "Bahay niya lang—hindi ko bahay iyon." "Sabi na eh, may problema kayo. Makikinig ako sa'yo, magsabi ka lang." siya ay yumuko at muling nagwika sa kaibigan. "Ni-lo-ko niya ako Ella. Ang sabi niya business trip pero may kasama siyang iba," "Kung ganoon alam mong kasama niya ang babaeng iyon?" Napakunot noo siya dahil sa pagtataka sa tinuran ni Ella. "Babaeng iyon?" Kunot-noong tanong niya. "Oo, si Shane. Siya 'yong gusto nilang mapangasawa ni Enrico diba?" Sabi pa ni Ella sa kanya. "Alam mong magkasama sila?" "Oo, dahil nabanggit sa akin ni Enrico nung tumawag siya. Iyon sana ang gusto niyang sabihin sayo—dahil gusto niya maging honest sayo Val." "Maging honest? Nagpapatawa kaba?" "Hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan mo Val, sa tingin ko kailangan ninyong mag-usap ni Enrico." "Hindi na kailangan Ella, alam ko na at hindi na niya kailangang magpaliwanag pa." Wala ng nagawa si Ella kundi ang irespeto ang kagustuhan ng kaibigan niya. "Uuwi na daw siya, sa tingin ko kailangan niyo talagang makapag-usap para maliwanagan kayong dalawa. Hindi na daw siya tutuloy pa ng Palawan." Muli ay turan ni Ella sa kanya. Hindi na siya sumagot pa at itinuon ang kanyang buong atensyon sa daan. "Hindi ko alam kung kakayanin ko pang harapin ka Enrico," bulong ng isipan at puso niyang nasasaktan. Pagkarating nila ng eskwelahan, isa-isang nagsilapitan ang kanyang mga estudyante pagkapasok nito sa loob ng silid-aralan. "Si Ma'am, nandito na si Ma'am." Masayang bigkas ng kanyang mga estudyante. "Naku! Namiss ko kayo," "Namiss din namin kayo Binibining Hernandez," sabay-sabay na wika ng lahat sa kanya. Nakangiting mukha ng kanyang mga estudyante ang kanyang nasilayan—wala ng mas sasaya pa sa pakiramdam niya na muling magbalik sa eskwelahan. "Kumusta kayong lahat? Naging masunurin ba kayo habang wala ako?" "Opo Binibining Hernandez," muli ay sabay- sabay na wika nilang lahat. "At namiss din kita Binibini ng buhay ko," mula sa kung saan narinig niya ang boses na iyon. Hindi siya maaaring magkamali, boses iyon ni Enrico. "Uyyy.. Si Ma'am, nandito ang love ni Ma'am." Tila nananadya pa ang kanyang mga estudyante ng makita nila si Enrico na may dala-dalang isang bungkos ng bulaklak. "Why are you here?" matamlay nitong sabi, "I should be the one to ask you that, why are you here?" "Ano ba ang gagawin ko sa eskwelahan?Magtuturo syempre." "You left the house without letting me know, do we have a problem heart?" "Leave, may klase pa ako." "I won't leave until you tell me the problem." "Sa harapan ng mga musmos na ito? Enrico nag-iisip kaba?" "Ok then I'll wait for you. Hindi ako aalis ng eskwelahan na ito hangga't hindi kita nakakausap ng maayos." Sabi nito saka naglakad papunta sa likuran at humila ng kanyang mauupuan. "Wa-wait!" Prenteng naupo ito sa likuran katabi ng ilan niyang estudyante. "Pwede ba lumabas ka? Paano ako magtuturo sa mga ito kung nandiyan ka?" Naiinis na wika nito kay Enrico, dahil tila walang balak na umalis ang nobyo. "Ahm, Binibining Hernandez, pinapatawag po kayo ni principal sa office." Isa sa mga co-teachers niya ang pumasok at sinabing kailangan niyang magpunta ng opisina ng punong-guro. "Sige po, susunod na po ako." Tinapunan niya ng masamang tingin si Enrico habang ito ay ngingiti-ngiti lamang sa kanya. "Binibining Hernandez, we heard about your condition. Nasa akin ang medical records mo at ayon dito sa nakasaad bawal kang magpagod at ma- stress." "Pero Sir, kaya ko naman po. Malakas pa ako sa kalabaw Sir, kayang-kaya ko ang trabaho ko dito." "Hindi pwede ang iniisip mo Miss Hernandez, may batas tayong sinusunod— kami naman ang mananagot sa itaas kapag pinayagan ka namin na magtrabaho." "Sir naman," "I'm sorry Miss Hernandez, but I think you need to get better before you go back to teaching." Wala na siyang nagawa kundi sundin ang utos sa kanya—bagsak ang kanyang mga balikat na lumabas sa silid na iyon. "Bestie, anong sabi sayo principal?" "Wala eh, bawal pa akong magturo." "Sabi na kasi sayo eh. Ikaw naman kasi, ipinagpipilitan mo pa. Ano nakapag-usap naba kayo ni Enrico?" tanong muli ni Ella "Isa pa 'yan sa problema ko. Nandiyan siya sa loob," turan nito sa kaibigan, "Hihihih.. Alam ko," "Kung wala lang tayo dito sa school kanina pa kita binatukan Ella." Naiinis na wika nito sa kaibigan. Siya ay papasok na sa loob ng silid aralan ng makita nitong nakaharang mula sa pintuan si Enrico habang hawak nito ang kanyang mga gamit. "May kinalaman kaba dito?" Galit ngunit kalmadong tanong niya sa binata. Nasa eskwelahan sila kaya kahit galit siya sa binata kailangan parin niyang kausapin ito ng mahinahon lalo pa't maraming bata ang nakikinig sa kanila. "Wala—I just show them your medical records and that's it," kinuha niya ang kanyang bag at nagpaalam siya sa kanyang mga estudyante. "Paalam sa inyong lahat," "Paalam din po Binibining Hernandez," nang masigurong maayos na ang lahat ay nagmamadali na siyang naglakad palabas ng eskwelahan. Habol-habol naman siya ni Enrico kaya lalo niyang binilisan ang kanyang paglalakad. "Heart wait lang," "Sinira mo na ang araw ko, pwede ba layuan mo na ako?" asik pa niya sa nobyo. "Bakit kita lalayuan eh mahal kita?" "Pwede ba Enrico tigilan mo na 'yang kasinungalingan mo?!" Galit na bulyaw niya sa nobyo ng sila ay tuluyan ng nakalabas ng eskwelahan. "Kausapin mo ako ng maayos pwede ba?" nakikiusap pa nitong sabi. "Wala na tayong pag-uusapan Enrico, simula sa araw na ito tinatapos ko na ang lahat sa atin." Dito nanlaki ang kanyang mga mata—hindi niya alam kung ano'ng nangyayari, hindi niya alam kung bakit nagkakaganito ngayon si Valerie. "Ano ba'ng sinasabi mo? Heart, ano ba'ng problema?" Naguguluhang tanong ni Enrico. Dito bumuhos ang kanyang emosyon, bakit tila walang pakialam sa nararamdaman niya ang binata? "Alam ko na ang totoo Enrico, pinapasakay mo lang ako." Umiiyak niyang turan sa binata. "Pinapasakay? Ano'ng ibig mong sabihin, liwanagin mo!" Gulong-gulo na ang isipan niya, hindi niya mawari kung saan nanggagaling ang hinanakit sa kanya ni Valerie. "Ku-kung sasaktan mo lang din ako sana hindi ka nalang nagpunta dito. Tama ang Mommy mo, hindi tayo nababagay para sa isa't -isa. Umalis kana at kalimutan mo na ang lahat sa atin." muli ay wika niya, "Hindi ko alam, heart ano ba'ng problema? Bakit hindi mo ako diretsuhin?" Dahil talagang lubos ang kanyang pagtataka—umiiyak ngayon ang babaeng mahal niya sa kadahilanang hindi niya mawari. "Heart, mag-usap tayo. Huwag dito please, " hinawakan siya ni Enrico sa kanyang mga kamay, "Simula ngayon pinuputol ko na ang ugnayan natin. Simula ngayon—kalimutan na natin ang isa't -isa. Enrico, sundin mo ang mga magulang mo—kay Shane ka nababagay at hindi sa katulad kong isang mangmang. Paalam Enrico, paalam na sayo." Masakit, sobrang sakit ng kanyang nararamdaman. Hindi niya ito gusto pero ayaw niyang patuloy siyang masasaktan kung ipagpapatuloy pa niya ang pakikipagrelasyon sa binata. "We made a promise heart. Nakalimutan mo naba?" parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso niya. Hindi niya gusto ang lahat ng lumalabas sa bibig niya ngayon. Labis-labis siyang nasasaktan para sa nobyo —pero ito ang alam niyang makakabuti para sa kanila. Pagkakasabi ng katagang iyon—siya ay nagmamadali ng naglakad palayo kay Enrico habang pahid ang luhaan niyang mukha. "Heart, please don't do this to me. Mahal kita heart alam mo 'yan," pero hindi na siya nilingon pa ni Valerie at nagpatuloy lamang ito sa paglalakad patungong kabilang kalsada. Hanggang sa napansin niya ang isang sasakyan na paparating—mabilis ang pagpapatakbo nito at sakto iyon sa direksyon ni Valerie. "Heart," muli ay tawag niya sa nobya, pero nanatili itong walang naririnig. Nagmamadali siyang tumakbo patungo sa direksyon ni Valerie—isang rumaragasang sasakyan ang biglang lumitaw. "Hearttt..." Muli ay sigaw ni Enrico, lumingon si Valerie ngunit huli na ang lahat. Bago pa man salpukin ng sasakyan si Valerie nagawa pa siyang itulak ni Enrico palayo. At sa kasawiang palad siya ang nabunggo ng sasakyan. Ganoon na lamang ang pagkagulat ni Valerie ng makita niyang si Enrico ang nabunggo ng sasakyan at hindi lang iyon dahil nakaladkad pa ito ng ilang metro mula sa kanya. "Enricooo..." Nagsisisigaw niyang sabi ngunit huli na ang lahat. "Tulong! Tulong!" Ganoon na lamang ang paghingi niya ng saklolo ng makita nitong nagkalat na ang dugo sa daan, dugo na nanggaling sa pinakamamahal niyang si Enrico. Siya ay tumakbo patungo sa direksyon kung saan nakaladkad ng sasakyan ang nobyo. "Heart please, lumaban ka!" Hinawakan niya sa ulo ang nobyo at pilit na niyang kinakausap habang panay ang kanyang pag-iyak. "Heart, masa-ya a-ako na iligtas ka," "Shhh.. Huwag ka munang magsasalita please," umiiyak nitong turan habang panay ang paghaplos nito sa duguang mukha ni Enrico. Sakto namang pagdating ng ambulansya na siyang magdadala sa kanya sa hospital. "Heart, huwag kang pipikit parang-awa mo na," panay ang kanyang pag-iyak habang siya ay nasa tabi ni Enrico mula sa loob ng ambulansya. "Malapit na tayo mahal ko, please. Enrico mahal kita, isipin mo mahal na mahal kita, lumaban ka para sa akin," Kahit duguan na ang kanyang mga damit—kahit duguan na ang kanyang mga kamay hindi niya iyon alintana pa. "Ha-heart, I lo-ve you. I-li-ligtas kita ng paulit-ulit pa. Ku-kung kai-langan kong ibi-gay sa'yo ang bu-hay ko ng paulit-ulit ga-ga-win ko." Kahit nahihirapan na siyang magsalita pinilit parin niya ang kanyang sarili. "Mahal din kita Enrico, please lumaban ka. Lumaban ka heart, ayaw ko. Hindi ko kaya," "I-to pa-la-gi ang ta-tan-daan mo heart, wa-la akong ibang minahal kundi ikaw la-lamang. Ikaw lang sa akin ay sa-pat na—ikaw ang buhay ko ma-hal ko." Iyon lamang at tuluyan na itong pumikit. "No! Enrico, huwag mo akong iiwan, please heart gumising ka. Hindi na ako galit sa'yo, please gumising ka! Hearttt.." patuloy ang kanyang pagtangis, hindi niya kakayaning mawala sa kanya ang lalakeng pinakamamahal niya. "Ma'am sandali lang po, tumabi muna kayo." Sabi ng medics na kasama nila sa loob ng ambulansya. "Iligtas niyo siya, parang-awa niyo na iligtas ninyo ang mahal ko." Umiiyak at nanginginig niyang sabi. Hanggang sa maramdaman niyang tila naninikip na ang kanyang dibdib. Napahawak siya sa dibdib at pilit na pinapakalma ang kanyang sarili. Huminga siya ng malalim—ngunit sadyang masakit iyon at tila kakapusin na siya ng hangin. Iyon ang huli niyang natatandaan bago nagdilim ang kanyang paningin at siya ay nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD