Pagtitiis❗

1589 Words
Nagpatuloy ang malakas na pagbuhos ng ulan habang siya ay naglalakad sa madilim na kalsadang iyon—kasabay niyon ang patuloy na pagbuhos ng kanyang mga luha. Peep..peep..peep.. Sunod-sunod na busina ng sasakyan ang kanyang naririnig mula sa kanyang likuran ngunit hindi niya iyon alintana. "Damn!" Isang lalakeng may dalang payong ang bumaba mula sa isang sasakyan at nilapitan nito si Valerie na noon ay nakatulala sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan. "Miss , are you out of your mind?!" Wika ng lalake nang ito ay makalapit sa kanya. "Magpapakamatay kaba?!" Muli ay galit na wika nito kay Valerie. "Hindi ko kailangan ng tulong mo!" Matigas na turan nito sa lalake habang siya ay nakayakap sa kanyang sarili. "Saan kaba nakatira, ihahatid na kita." "Umalis kana dahil hindi ko kailangan ng tulong mo!" "Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa itong galit. Halika at ihahatid na kita," "Bitawan mo ako," "I will take you home," "You'll gonna take me home? Hahah.. Sinabi na sa akin 'yan, inuwi nga niya ako pero anong ginawa niya niloko niya ako! Tapos ngayon sasabihin mong iuuwi mo rin ako? Ayos ka lang ba Mister?" Kahit masama ang loob niya pinilit niyang tumawa sa lalakeng kaharap niya. "You're talking nonsense. Nilalamig kana at nanginginig kana, come on!" Hinawakan niya sa kamay si Valerie ngunit iwinaglit lamang nito ang kanyang kamay. "Kaya ko ang sarili ko," sabi nito at naglakad ng muli. "Tsk.Tsk.. Ang tigas ng ulo," wala ng nagawa ang lalake kundi sundan na lang ng tanaw si Valerie na noon ay papalayo na sa kinaroroonan niya. "Ang sungit! Sayang ka ang ganda mo pa naman," naiiling-iling at napapangiti nitong saad sa kanyang sarili. Sumakay siya ng kanyang kotse at lihim na sinundan si Valerie hanggang sa ito ay pumasok sa isang kalye, "Ojeda Street, hmm.. Dito pala siya nakatira?" muli ay wika niya sa kanyang sarili, at ng masigurong nakapasok na si Valerie sa gate ng bahay na iyon siya ay nagmamadali ng umalis. "Sayang hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya," naiiling-iling na saad nito sa kanyang sarili. Nasa gitna siya ng kanyang pagmamaneho ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. "Yes, hello!" "Doctor Lucas, kailangan ka po ngayon sa ER ASAP," Sabi ng boses na iyon mula sa kabilang linya, "Oh, s**t! I almost forgot, sorry." Kinabig niya ang manibela ng sasakyan patungong hospital —dahil sa babaeng nakita niya kanina halos makalimot na siya sa kanyang tungkulin. * * * "Kanina pa parang may tao sa pintuan Oliver," nagtatakang saad ni Aling Martha sa asawa ng marinig nito ang mahihinang katok mula sa pinto. "Teka nga sisilipin ko lang," bumangon nga ang Ginang para ito ay tingnan. "Huh! Hindi mo rin matitiis ang Mama mo," kasabay ng pagkakangisi nito habang pinagmamasdan ang asawa na lumabas ng kwarto. "Gabing gabi na ah, aba't sino naman kaya ang pupunta sa bahay ng ganitong dis- oras ng gabi? Sandali, nandiyan na!" Wika pa niya ng sunod-sunod na ang pagkatok ng kung sinoman ang nasa labas ng pintuan. Dahan-dahan na nagbukas ang pintuan at ganoon na lamang ang pagkagulat ni Aling Martha ng makita nito ang anak na basang-basa at nanginginig na. "Valerie anak?!" "Ma-ma," nanginginig na wika nito sa Ina. "Diyos ko anak—anong nangyari sa'yo?" Nagmamadaling inakay ng Ginang ang anak papasok ng bahay. "Sandali—ikukuha kita ng tuwalya." Natatarantang pumasok ng silid ang Ginang para kumuha ng pamunas para sa anak. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo Martha? Teka nga sino ba ang dumating?" Kunwaring tanong ni Oliver sa asawa—kahit pa alam na niya kung sino ito. "Ang anak mo Oliver—Diyos ko ang batang iyon, basang-basa na dumating." Himas ang kanyang baba, at ngumiti ng hindi kanais-nais. "Sabi ko na eh, hahah.. Dito rin ang bagsak mo, alam ko hindi mo kayang mabuhay ng hindi mo kasama ang Mama mo," lihim siyang napapangiti habang pinagmamasdan ang asawa na noon ay inaasikaso ang nilalamig na niyang anak. "Pera Oliver, nangangati na ang palad ko. Tagumpay," lihim na nagdiriwang ang kalooban niya. "Napasugod ka anak? Aba eh, gabing-gabi na ah," panay ang punas nito sa buong katawan ni Valerie. "Wala po akong masakyan Mama—naghihintay po ako ng taxi kanina ng abutan po ako ng malakas na pag-ulan." Pagsisinungaling pa niya sa Ina. * * * Kinaumagahan nagising si Valerie ng maramdaman nitong nagbukas ang pintuan ng kanyang silid. "Mama," pupungas-pungas pa siya ng lapitan siya ni Aling Martha. "Mabuti naman at gising kana anak," Dahan-dahan siyang bumangon at naupo ng kanyang kama. "Sabihin mo nga sa akin ang totoo anak—may nagpalayas ba sayo sa mansion? Sigurado ako ang hilaw mong biyenan na naman ang may kagagawan nito ano?" Hindi matahimik si Aling Martha dahil hindi siya kumbinsido sa sinabi ng anak kagabi. "Hindi po Mama—namiss po kita, hindi ko pala kayang mabuhay ng wala kayo ni Dave sa tabi ko." Muli ay pagsisinungaling niya. "Asus! Iyon lang ba ang dahilan? Pwede namang ipagpabukas hindi ba?" Ngumiti siya ng tipid sa kanyang Ina, hangga't maaari hindi niya pwedeng sabihin sa Ina ang kanyang natuklasan na siya ay niloloko lamang ni Enrico. "Mama payakap nga po," saad niya kay Aling Martha. "Ang anak ko talaga—paano na lang kung mag-aasawa kana? Hindi pwedeng nasa tabi mo lang ako palagi anak—sanayin mo na ang sarili mo dahil kapag nagpakasal na kayo ni Enrico sa kanya kana titira at hindi na dito sa amin." Napatigil siya sa isiping iyon, "Kasal? Kung alam niyo lang Mama—wala ng kasal ang magaganap dahil simula ngayon kakalimutan ko na ang manlolokong iyon." Ang sakit—sobra ang sakit na kanyang nararamdaman. Ngayon napagtanto niya ang lahat, ganito pala ang pakiramdam ng naloko? Wala ng mas sasakit pa sa nangyaring ito sa kanya. May sakit siya sa puso ngunit bakit parang mas masakit pa ang ginawa sa kanya ni Enrico? "Pinagkatiwalaan kita Enrico, akala ko tayo na habang-buhay. Ang sakit—ang sakit! Bakit mo ito nagawa sa akin?" Dito ay hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili—siya ay tuluyan ng umiyak sa harapan ng Ina. "May problema kaba anak?" "Wala po," "Nanay mo ako, at kung may isang tao mang nakakakilala sa'yo ako 'yon." "Mama, ahm, huwag niyo po akong intindihin. Magiging maayos din po ang lahat," muli ay wika niya sa Ina. "May problema ba kayo ni Enrico? Siya ba ang dahilan kung bakit biglaan kang umuwi dito sa atin? Anak, magsabi ka sa akin ng totoo." "Hindi po, sadyang namiss ko lang kayo. Simula ngayon, hindi na tayo maghihiwalay pa Mama. Hindi ko po kayang mabuhay ng wala sa piling niyo." "Ikaw talaga. Sige na nga hindi na kita kukulitin pa. Kilala kita anak—kung hindi kapa handang magsabi sa akin ng problema mo naiintindihan ko 'yon. Sige na, dahil handa na ang almusal natin." Siya ay pilit na ngumiti at nagpunas ng kanyang luhaang mukha. "Ahm, heheh.. Thank you Mama, mauna na po kayo at susunod na po ako." Sa paglabas ng kanyang Ina ay siya namang pagtunog ng kanyang telepono. Tiningnan niya lamang iyon at nakita niyang si Enrico ang tumatawag. Wala siyang balak sagutin iyon, lalo lamang siyang nakakaramdan ng sakit habang pinagmamasdan ang gwapong mukha nito sa screen ng kanyang cellphone. Hindi ito tumitigil sa katatawag hanggang sa naisipan niyang patayin na lamang ang kanyang telepono. "May gana ka pang tumawag—pagkatapos mong magpakalunod sa sarap? Goodbye Enrico," nasasaktan parin siya sa isiping iyon. "Akala ko iba ka sa lahat Enrico. Dahil ba hindi ko maibigay ang sarili ko sayo kaya nagawa mo akong lokohin? Ang sama mo! Magsama kayo ng babae mo!" Heto na naman siya—patuloy na umiiyak habang patuloy ang sakit na kanyang nadarama. * * * Araw ng Lunes, maaga siyang gumising para maghanda ng kanilang almusal at para narin maghanda para sa kanyang pagpasok sa eskwelahan. "Ang aga mo naman anak," nang maabutan siya ng Ina habang naghahanda ng kanilang almusal. "Mama kain na po kayo," nakangiting wika nito sa Ina. "Naku nakaluto kana pala, teka bakit naka- uniform ka?" Tanong ni Aling Martha ng mapansin nitong nakasuot ng uniform ang anak. "Papasok po ako ng eskwelahan Mama," "Hah?! Diba naka leaved ka?" "Ayos lang po 'yon Mama, nakausap ko na ang principal, nasabi ko na sa kanya na papasok ako ngayon." "Anak, kaya mo ba?" "Magaan naman po ang trabaho ko sa school Mama—promise hindi po ako magpapagod." "Pero hindi ba kabilin-bilinan ng doktor sayo na bawal ka munang magtrabaho?" "Kaya ko pa naman Mama," "Wala kana bang pera kaya magtatrabaho kana ulit? Sabi ko naman sa'yo babalik ka rin dito—gumising kana sa katotohanan Valerie na hindi ka nababagay kay Enrico. Tigilan mo 'yang kahibangan mo," Lumapit ang kanyang amahin at humila ng kanyang mauupuan. "Oliver tama na 'yan," hindi na lamang siya umimik—lalaki na naman ang gulo kapag sinagot pa niya ito kaya naman minabuti na niyang manahimik na lamang. "Ahm—tapos na po ako Mama, mauuna na po ako." Siya ay tumayo at hinigit nito sa kanyang shoulder bag na nasa isang upuan. "Ganyan nga magtrabaho ka at ng hindi ka maging pabigat dito. Aba, kahit may trabaho na ako hindi ko obligasyon na buhayin ka." muli ay pahabol pa sa kanya ng kanyang amahin. Pigil ang kanyang sarili na huwag sumagot—kahit alam niyang tagos na hanggang buto ang sakit ng mga sinasabi ng Tito Oliver niya pinili niyang manahimik para sa ikatatahimik ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD