Bagong Pag-ibig ❗

1415 Words
Nagkatinginan sina Valentina at Lucas. Mababanaag ang labis na kasiyahan sa mukha ni Lucas pagkakita nito kay Valentina. "Sa pakiwari nami'y kilala na ninyo ang isat-isa?" Saad ni Señor Ricardo sa dalawa. Tumango-tango naman si Lucas at saka muling nagwika. "Sí, señor. Nakilala ko siya sa ating parokya kanina lamang." Nakangiting sagot naman ni Lucas. "Valentina ang gwapo—bagay kayong dalawa." Tila kinikilig-kilig na bulong naman Valerie kay Valentina. "Umayos ka Binibini. Umakto ka ng naaayon kung ayaw mong kurutin ka ni Mamang sa iyong singit," pabulong na turan ni Valentina sa kanya. Tawang-tawa naman siya dahil tila nakakalimutan niyang wala siya sa hinaharap. Ibang-iba kumilos ang mga kababaihan dito sa nakaraan—mabini, hindi kagaya sa hinaharap na magaslaw at iilan na lamang ang makikita mong babae ngayon na pino kung gumalaw. "Mayaman lang din na kilala na ninyo ang isat-isa, tayo na't ng maka- pananghalian na tayo. Kumpadre, kumadre tayo na," masaya silang dumalo sa hapag. "Valentina ikaw na ang manguna sa pasasalamat anak." Utos pa ng Señora sa anak. Habang nagdarasal at nagpapasalamat sa mga biyayang kanilang pagsasaluhan, hindi matanggal-tanggal ang pagkakatitig ni Lucas kay Valentina. Panaka-naka itong napapangiti habang pinagmamasdan niya si Valentina. "Ay, wala ito. Hahah.. In love na ang doktor na ito sa aking kaibigan. Hmm.. Ang gwapo din naman, pero teka bakit parang pamilyar sa akin ang mukha ng doktor na ito?" Bulong niya sa kanyang sarili, napakunot-noo siya para alalahanin kung saan niya nakita ang mukhang ito? "Hmm..Nakita na kita eh, pero imposible. Unang araw ko palang dito, saan ba kita nakita doktor Lucas?" Sumasakit tuloy ang kanyang ulo kakaisip kung saan niya nakita ang dalubhasang ito. Pagkatapos magpasalamat ni Valentina sila ay nagpatuloy sa pagkain. "Siya nga pala kumpadre—sino ang magandang Binibini na ito na inyong kasama? Sa pagkakaalam namin ay nag-iisa lamang ang inyong anak?" Tanong pa ng Ginoo kay Señor Ricardo. "Siya si Valerie, ang kaibigan ng aming anak kumpadre," "Ganoon ba? Kay gandang pangalan ang iyong taglay Binibini. Lucas hijo, hindi ba't kay ganda niyang dilag?" Baling pa ng Ginoo sa kanyang anak na si Lucas. Panay ang paglunok ni Valerie ng kanyang laway. Bakit napunta sa kanya ang atensyon ng lahat? "Ikaw ba ay may kasintahan na Binibini?" Lalo siyang nagulat, nanlaki ang kanyang mga mata at siya ay napaubo. Panay ang kanyang pag-ubo. "Diyos ko, parang alam ko na ito. Ah-ah-ah, hindi ito pwede! No!" Panay ang sigaw ng kanyang isipan. "Valerie, ikaw ba ay ayos lamang?" Hinigit ni Valentina ang isang baso ng tubig para ito ay makainom. "Ayos lang ako Valentina," mahinang saad niya saka muling inayos ang kanyang pagkakaupo. "Ikaw ba ay nagmula mismo dito sa bayan ng Sinait Binibini?" Muli ay tanong ng Ginoo sa kanya habang ang ilan ay nakangiti lamang sa kanya. "Hi-hin-di po. Ako po ay nanggaling pa ng Maynila Señor," Magalang na sagot niya sa mga ito. "Ganoon ba? Tamang-tama lamang Lucas hijo, may munti kang klinika sa Maynila bukod sa klinika mo dito sa ating bayan." "My gosh! Bakit ako? Te-teka, si Valentina dapat—hindi ako." Kumurap-kurap pa siya ng magawi ang tingin niya kay Valentina na noon ay masayang nakatingin din sa kanya. "You know what Valentina—it must be you. No, this can't be. A-ayaw ko," Mahina niyang saad sa dalaga, "Intelehente Valerie. Bravo," Lalo siyang pinanlakihan ng kanyang mga mata ng marinig niyang magsalita si Señor Ricardo at pumalakpak pa. "Magaling. Saan mo natutunan ang salitang Ingles Binibini?" Awang ang bibig at hindi malaman ang kanyang sasabihin. "Bakit nasa akin na ang sentro ng atensyon nila? Oh, no..." "Ahm—Señor, ako po ay isang guro sa Maynila." Nag-aalalang sagot niya sabay tapon niya ng tingin kay Valentina na noon ay ngiting-ngiti sa kanya. "Ikaw ay nakapag-aral? Hahahah.. Baka kami ay iyong niloloko lamang Binibini," natatawang saad ni Señor Ricardo. Sino ba naman kasi ang maniniwala na siya ay nakapagtapos sa pag-aaral gayong walang karapatan ang mga kababaihan sa sinaunang panahon na pumasok ng eskwelahan. Hindi na lamang siya sumagot pa. Mahirap ipagpilitan sa kanila ang katotohanan dahil hindi madaling ipaliwanag sa kanila ang sitwasyon niya ngayon. Pagkatapos ng masaya nilang salu-salo ay nagtipun-tipon naman sila sa may balkonahe ng mansion ngunit sina Valentina at Valerie ay piniling huwag nang makisalamuha sa usapan ng dalawang partido. "Kaloka Valentina. Ayaw ko na talaga dito." Natatawa naman si Valentina, "Ano ang kaloka? Hihihih..." muli ay tanong niya. "Makinig ka sa akin Valentina. Hindi ako nababagay sa Lucas na iyan. Kayo dapat at hindi ako," nakalabi niyang saad sa dalaga. "Hahaha.. Iyon ba ang tinutukoy mo? Valerie—ang mga Aragon ay nagustuhan ang kagandahang mong taglay." Naiiling-iling naman siya, "No! Huwag mong sabihin iyan Valentina, dahil alam mong hindi ito pu- pwede." Lihim na natatawa si Valentina sa inaakto ni Valerie, "Mga Binibini, maaari ba akong makisalamuha sa inyo?" Kapwa sila napalingon ng marinig nila ang bagitong boses na iyon. "Lucas, ah—heheh.. Sige maupo ka, dito ka oh sa tabi ni Valentina." Sabay siyang tumayo para lumipat ng kanyang mauupuan. Pinanlakihan naman siya ng mata ni Valentina. "Maraming salamat Binibini." Wagas ang pagkakangiti ni Lucas at siya ay naupo sa tabi ni Valentina. "Ahm, maiiwan ko muna kayong dalawa ah. Valentina, ako ay magbabanyo lamang." Pagkukunwaring paalam niya sa dalawa. "Valerie," "Valentina, hmm?" Sabay kindat niya sa dalaga at nagmamadali ng tumalikod. "Hindi ko naman alam na kayo pala ang tinutukoy nina Mamang at Papang na aming dadaluhan ngayong kapistahan Valentina," panimula sa kanya ni Lucas. "Ah, Lucas." "Valentina," nagkatinginan silang dalawa ng marahang hawakan ni Lucas ang kanyang mga palad. "Lucas ang aking mga kamay," nahihiyang saad ni Valentina. "May magbabawal ba kung hawakan ko ang mga ito?" Nagtama ang kanilang mga paningin. "Ah, wa-wala naman." Tipid niyang sagot sa binata. "Totoo? Kung ganoon —maaari ba akong umakyat ng ligaw sayo Valentina?" Nanlaki lalo ang kanyang mga mata. "Hah?!" Hindi makapaniwalang saad niya sa binata. "Oo Valentina. Alam kong napakabilis nito para sa'yo, pero gusto ko lamang iparating sayo na unang beses pa lang kitang nasilayan nabighani mo na ang puso ko." Hindi nakaimik si Valentina. "Amang nasa langit." Bulong niya sa kanyang sarili. "Kung iyong mamarapatin—aking hihilingin sa iyong mga magulang ang pahintulot na ikaw ay aking ligawan." Lalo siyang hindi nakaimik. "Ngunit___." "Ngunit ano Valentina?" "Nakita mo naman kanina hindi ba—na si Valerie ay gusto ng iyong mga magulang." Siya ay umiling-iling. "Ako ang nagtataglay sa pusong ito—at ako lamang ang masusunod na pumili ng babaeng aking iibigin." Sagot pa nito sa dalaga. "Lucas," "Valentina—ikaw ang gusto ko. Nabighani na ako sa taglay mong kagandahan —ganoon din sa taglay mong kabutihang loob." Heto na naman siya. Magagawa paba niyang magtiwalang muli sa kabila ng dinanas niyang panloloko sa unang lalakeng kanyang minahal? "Kung kaya ka niyang ipagpalit sa iba, ipakita mo rin na kaya mong gawin iyon sa kanya." Iyon ang mga salitang paulit-ulit niyang naririnig sa kanyang isipan. Mga katagang binitawan sa kanya ni Valerie. "Makakaya ko bang gumanti sa nagawa mo sa akin Ramonsito? Parang hindi ko naman yata kaya," bumubulong -bulong ang isipan niya. "Hindi kita minamadali Valentina. Gusto ko lamang ipahayag sayo ang tunay kong saloobin." "Naiintindihan ko Lucas. Bigyan mo pa ako ng sapat na panahon dahil sa totoo lamang nasa proseso pa lamang ako ng paghilom. Hindi ko pa tuluyang isinasarado ang puso ko—darating ang tamang oras para sa lahat Lucas." Mahinahong saad niya sa binata. Ngumiti si Lucas. Kahit papaano nagkaroon siya ng munting pag-asa. "Handa akong maghintay Valentina. Dahil ang tunay na umiibig, handang maghintay at handang magsakripisyo." "Salamat Lucas," kapwa sila napangiti sa isat-isa, hanggang sa hindi namamalayan ni Valentina na nagiging magaan na ang pakikipag-usap niya kay Lucas. Nagtatawanan sila. Masaya sila. Iyon ang nakikita ni Valerie mula sa kanyang kinaroroonan. Sinadya niyang iwan ang dalawa para bigyan ng katuparan ang nakikita niyang labis na paghanga ni Lucas para kay Valentina. "That's it Valentina. Open your heart to someone like Lucas. Don't be a prisoner of your bitter past." Mahinang saad niya. Nakangiti siya habang nakatunghay sa dalawa na masayang nag-uusap. Huminga siya ng malalim. Pumikit ng kanyang mga mata at dinama ang pagtibok ng kanyang puso. "When will I be happy again? Maybe when we are together in the afterlife my heart. You are the only one I will love Enrico. I will never love anyone else —but only you." Malungkot na wika niya sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD