Scary Girl

2156 Words
Max's POV "Dude, alam nyo na ba yung ipapaproject ni Sir? Balita ko group project daw." hinihingal na saad ni Ryan habang nagdri-dribble ng bola. "Pass! Pass!" Deretsyo naman nya itong pinasa kay Gale na nabantay sarado kaagad kay Kyle. "Oo nga eh." sagot nito. "Pahirap talaga." "Ganun naman talaga yun, laging paproject at assignments." asik na pagsangayon ni Kyle. Nagkatinginan na lang kami ni Patrick habang nagpupunas ng tumutulo naming pawis. Pano kasi kanina pa kami parang ulol na nagpipilitan tumakas sa bantay ng isa't isa tapos yung teammates namin preskong nagchichismisan lang. Mga gago. "Tignan mo yun, one on one pero nag-uusap pa." pagpuna nya dun sa dalawa. Oo nga dude, ganyan lang. Kakaramput talaga utak nito kaya habang di sya nakatingin, gumalaw na ako para makaalis sa bantay nya. Pinilit nya akong hinabol pero no boy. Not a chance, mas mabilis ako. Tsk', nagsalita eh lahat naman sila di focus. Napangisi na lang ako. "Oi, pass! Gale!!" hingal kong sigaw at tinaas ang kamay. "Yung bantay mo, Patrick! Habulin mo!!" gigil na sigaw ni JD sa kakampi. Hindi naman sya makaalis at pilit syang pinipigilan ni Ryan. Pagkapasa na pagkapasa sa akin ng bola, nagdribble na kaagad ako para itakbo yung bola sa ring namin. Wala na dude, score ko na to. I'm confident because I know I have the very chance right now, dahil di na ako mahabol ni Patrick. Masyadong malayo na rin ang agwat namin, mga tsong. Yung dalawang asungot naman na si Kyle at si JD ay parehas di makaalpas sa mga bantay nila. So far sa mga laro namin, eto yung pinakamalapit na score sa akin. Pero parang may mali. Biglang bumagal ang lahat, naramdaman ko ultimo ang maliliit na bagay. Ang malamig na pawis mula sa noo ko at ang ihip ng hangin na biglang dumaan sa akin, lahat yun naramdaman ko. Kahit ang connection ng mga paa ko at ng bola sa lupa ay nagbigay sa akin ng bigat. Kasabay nun ang vibration mula sa bawat hakbang na ginagawa ko na umakyat mula sa dulo ng mga paa ko, papunta sa dulo ng buhok ko. Rinig na rinig ko rin ang pagpasok ng hangin sa lungs ko na para bang may hollow o bilog ng kawalan ang napupuno sa tuwing hinahabol ko ang hininga ko. Isang pahintulot na may masamang mangyayari. This is luck and yet, at the same time bad timing. Naku naman!!!! Be with me good side!!! "Oi, tignan nyo." narinig ko ang biglang sigaw ni Kyle. Yes boys, tignan nyo ako!!! Score na to! Oks, malapit na. Konting push na lang!!! Makakascore na rin!!!!!!! Konting takbo pa! "Padating na sya." dagdag pa ni Gale. Nung nakalapit na ako sa three point line, kaagad akong pumwesto at tinaas ang bola sa ere. For the three! At last! Di na rin kami equal score! Sa tala ng game namin, ako ang makakapagbago sa title score. Di na to tie!! May three points pang sobra!!!! Naramdaman ko ang pagtigil nilang lahat. That's right boys! I'm unstoppable. I threw the ball in the air for three! "Si Scary Girl oh." Sa di malamang dahilan, dun pumihit ng unti-unti ang paningin ko, sabay release ng bola. And there I saw. The girl known as "Scary Girl" in our campus, she walking near the bench with such dark aura. The only girl that is very noticeable without any effort but only looking down, covering her face with her hair. Ang babaeng kilala ng lahat pero iniiwasan. Nakakatakot kasi talaga yung dala niyang vibes. Yung uniform namin sossy pero sa kanya parang napaglipasan na at nalakaran pa ng mga digmaan. Tapos yung buhok, parang sa unahan natubo. I know she have two feet pero para talaga syang lumulutang. Minsan nga gusto na syang silipan ni Kyle at itaas ang palda nya para malaman kung naglalakad ba talaga sya na ang gamit ay paa. Sya kasi talaga yung living proof ng white lady. Kung meron mang may living part pa sa kanya. Ang weird talaga ng vibes sa kanya lagi. Napakunot ang noo ko. She's been walking here for quite a while now. Maybe for a week now. "BOONG! DUG! DUG, DUG-DUG." Sunod lahat kaming napalingon sa pinagmulan ng tunog na yun. Ang tunog ng bolang nagbounce from the ring to the floor. Fvck!!!!! "OKAY!!! Tie pa rin!" pag-announce ni JD at sumuntok pa sa kawalanan. Tsk', sya kaya yung patamaan ko dyan! Grabe, napailing na lang ako sa inis. Akala ko talaga---nakakainis! Dapat hindi na lang sa akin pinasa yung bola! Umasa tuloy ako! Bwisit!!! Nasundan ko ng tingin yung may kasalanan at pinagmumulan ng init ng ulo ko. Di ko pinansin ang mga naramdam kong pagpalo sa likod, nang galing yun sa mga magagaling kong kaibigan. Bakit ba kasi ako napatingin?! Wala naman katingin-tingin sa kanya!!!! "Ano ba naman yan dude?" pinalo ni Kyle ang likod ko, pati si Gale sumunod. Gusto ata nila akong magkapasa. "Akala ko panalo na eh. Paasa ka talaga!!! Nakakainis ka!" maarteng saad nito at umakto pa na parang babae. "Way to go Kyle! Man, you're the King of Distraction!" maangas na pagbibiro ni JD sa kanya. Alam kasi nya kung bakit di ko na shoot ng maganda ang bola. Dahil dun. "Tsk', kung di ko nasupalpal yung bola. Talo tayo." pagsisinungaling ni Patrick na nagyabang pa talaga. Tsk', kitang kita na di ko nga na shoot at nadistract! Supalpal, what? Naipikit ko ng madiin ang mga mata ko dahil sa pagmamayabang ng grupo ni JD. Mahirap na baka makapatay pa ako. Puro kwento talaga 'tong isang to, wala ng ibang alam kundi puro kayabangan. Talagang gamunggo ang utak!!! "Pinagbigyan ko lang naman kayo!" pagko-convince ko para di naman lumaki ang ulo nila. "Dude, di pwede yan!" balik na sigaw nila. Tignan nyo 'tong mga to ang aarte, tapos pag ako na bawal?! Mga gago! "Bakit ka ba kasi nadistract!?" pinalo ako ni Ryan at tinignan ng may weirdong tingin. "Bakit di si Gale sisihin mo?! Kung ano-ano pa sinasabi nan oh, laging may second motion! Siya kaya yung sumunod na nagpadistract sa akin!!! Kakampi ko pa sya ah! Pero naki-isa sya sa kagaguhan nila Kyle! Siya sisihin mo!!!" sabay turo ko pa sa kanya. Tinawanan lang naman nila ang galit ko. Late ko na narealize na para na pala akong ewan na nagrereklamo dito! Napahilamos na lang ako ng kamay sa mukha. "Oi Gale, ano ba kasi?!" frustrate na sigaw ko sa kanya. "Ewan ko, tinuro sya ni Kyle nung una kaya napatingin na rin ako." pagrarason pa nya. Kulang-kulang talaga 'tong isang to. "Oi, Scary Girl!!! Thank you!" biglang sigaw ni Kyle sa may kabilang ring at nagflying kiss pa. Ew! Bigla namang, naku, napatigil si Scary Girl sa paglalakad. Nakikinig nga ata. Halos matuyo tuloy ang saya at dugo sa mukha ni Kyle. Buti nga sayo! Mang gagamit!!! Isusumbong ko yan kay Scary Girl eh. Sampulan mo nga Scary Girl!!! Panindigan mo yang title mo! Madala ka sa tingin ko!!! "Tumingin ka na Scary Girl. Tumingin ka na para magtino na sila sa kayabangan nila!" parang ewan na bulong ko sa sarili. Ngunit yun naman ang lubos na pagtataka ko nang kasabay nun ang biglang pagpatay din ng ilaw sa ibang parte ng court. Sh*t!!!! Ano to totoo!!?? "Hala ka Kyle." mahinang bulong-sigaw ni Ryan. "Bakit mo pa kasi tinawag? Pagtumi---." naputol na lang ang sinabi nya dahil tumingin nga sa amin si Scary Girl. "HALA!!" biglang asik ni Patrick, pero mas nagpagulat talaga sa amin ay yung malasuntok nyang kapit. Bwisit to. "Baka hindi na tayo makauwi nito!" Hahahahahaha, mga ewan talaga. Pinakang matatakutin kasi 'tong si Patrick sa amin, tapos ang hilig pang manakot. "Tsk', nagtatakutan na naman kayo. Tara na! Kakain naman!!" pag-aya ni JD, mukhang wala syang pake at basta-basta na lang pinihit ang daan patalikod sa tinitignan namin kanina. Kaya ganun na rin ang ginawa namin para di big deal tignan. Sabagay lagi naman kaming tie eh, lagi na namin 'tong nararanasan kaya mukhang di na seryoso. "Tignan mo 'tong si JD, minsan iniisip ko bato yan." sabay akbay sa akin ni Kyle. "Ano ba, ang bigat ng kamay mo." pagrereklamo ko. Sinuklian nya ako ng weirdong tingin, bago sumilay ang ngisi sa mukha nya. "Oi Max, alam mo ba feeling ko si Scary Girl ang bad luck mo from now on." walang kwentang sabi nito na tinaasan ko lang ng kilay. "Ah, ganun ba?" walang ganang sagot ko. "Baka." Nakakatamad talagang kausap ang gago. Basta may masabi lang eh. Laging ganyan yan, kaya dapat pagtiisan. "Oo, kaya dapat matakot ka." bulong nito sa tenga ko na may paghipan pa talagang kasama. "Ahh!" hinawi ko to sabay punas ng tenga sa balikat. Tumakbo na lang ako para habulin si JD na nauuna sa amin. Naaasar pa rin kasi ako sa gago dahil dun sa kanina. Score na eh. Ewan ko kay Kyle. Kaya nga 'Scary Girl' diba? Edi dapat katakutan talaga. Pagdating namin sa locker room rinig ko na agad ang mga kwentuhan ng iba pang mga players na pauwi na rin. Like usual, ganto naman talaga dito sa boys room, puro kwentuhan ng si ganto o si ganyan. Wala eh, nagsamasama puro players. For sure mas marami pa to kanina. Konti na lang kasi ngayon ang nagprapractice at gabi na. "Ano bang meron ngayon?" tanong ni JD sa sarili na lumilingon-lingon pa dahil sa mga tawa nung ibang nagsisilabasang players. "Ang gago talaga nun. Pagnagkatotoo yun, sya talaga unang mumultuhin ko." marahas na sinarado ni Martin ang locker nya, ang nag-iisang badminton player ngayon. Iniwanan na sya nung mga kasama nya. "Dude, anong meron?" tanong ni Kyle na pinaandar ang pagkachismoso. "Wala pre. Gago lang talaga yun, puro kabulastugan ang sinasabi. Alam na gabi ngayon kaya naniniwala sa mga nakakatakot na kwento." "Eh, ano ba daw yun?" "May babae daw sa parking lot." sabay tingin nito sa amin, nagpatigil yun sa kanila. Di ko na sana papansin kaso siniko ako ni Gale. "Makinig ka Max." Ano naman ang mapapala ko dyan?! Hahawiin ko sana yung kamay nya pero pinili ko na lang magpatuloy sa pagpapalit. May araw din 'tong mga to. "Yun naman pala eh, edi chicks." nakangising pagpapatuloy ni Kyle. "Kaso ang masama sa babaeng yun." pagbulong niya bago tumigil. Nakita ko namang sa gilid ng mata ko na tumigil pa to at dahan-dahang lumingon sa pinto, na para bang may sinisilip. "Wala daw paa, mga tol. Kaya sinabihan ako ni gago na magmadali daw ako sa pagdadrive. Tinakot pa ako eh. Sige alis na ako, ingat kayo." umiling ito at tsaka umalis. Wala akong ibang na-gets sa sinabi nya. Pero isa lang ang nakuha ko, sino daw ang takot? "Ang imposible naman nun. Babae? Eh wala namang nagprapractice na girls players dito tuwing gantong oras." komento ni Patrick. Napaisip naman ako dun. Tumalikod rin ako para tignan kung sinong magre-react, ngunit walang ni isang nagsalita. May hindi ba sila napapansin? Totoo ang sinabi niya pero kanina. Kanina nakita namin si Scary Girl, di ko alam kung bakit parang di na nila naalala yun. Nagkahinala tuloy ako kung ano yung nasa parking lot. Nagkibit-balikat na lang ako. "Hoy, pwede bang lumakad na kayo. Ang lakas ng ulan sa labas, puro pa kayo kwentuhan." iritadong puna ni JD sa kanila. Nahaharaan kasi nila sya. "Grabe, ang famous talaga ni Scary Girl." pagsangat ni Ryan sa likod ko. Mahina lang yun pero nakinig ko, para bang may pinapahiwatig sya sa akin at tanging sarili ko lang ang kayang magbigay ng meaning dun. Di ko na yun pinansin. Ganun naman lagi eh. Puro kwento. Minsan nga may mga paranormal na kwento pa tungkol sa kanya. Di naman namin nakikita. Sayang. Sabagay kung paranormal nga, di talaga namin makikita. Pero teka---nasaan na nga pala yun? Wala sa sarili akong napatigil, at tsaka napatitig sa locker ko. Dun ko napagtanto na, "Oi, alam nyo ba kung nasaan si Scary Girl?" kusang pagtatanong na lumabas sa bibig ko. "Why did you ask?" taas kilay na ani ni JD. "It's not important, dude. Bilisan mo na lang. Tsk', pati ba naman ikaw." Di ko na din tinuloy pa ang ideya sa isip ko. I don't want to make it a big conversation. In fact, I don't like to be put in some kind of jokes, that's why I want to keep it as casual as I can. I'm just curious, no big deal. "Wala naman talagang nakakakita sa kanya outside the classroom. That's why it gives me chills earlier at the gym. It's very rare to see her." muling pabulong na sagot ni Ryan. Rare? Eh parang one week ko na nga ata siyang napapansin na naglalakad dun. I just shrugged my shoulders and continued on getting my things, but something hits my thoughts while I slammed my locker's door. What if . . . . . . . . Sa classroom lang sya nagpaparamdam. Imposible.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD