The Girl in the Rain

2055 Words
Max's POV "Pano ba yan, una na ako. Malakas pa ang ulan sa labas, baka matraffic pa ako." at walang pasabing nilagpasan kami ni Kyle na tumakbo pauna. Kakatapos lang namin magbihis. Medyo natagalan. Nakipagkwentuhan pa kasi si Kyle dun sa iba. Tinignan ko ang langit at oo nga ang lakas ng ulan. Madilim at tanging ilaw na lang ng mga poste ang maliwanag, at yung kidlat sa malayo. May bagyo ata. Wala pa ring ilang minuto ay naglabas na kami. Naabutan namin ang sasakyan ni Kyle na kakalabas palang ng school grounds. Bumusina naman sya sa amin bago nagdrive paalis. "Paniguradong mahirap magdrive ngayon, halos di na makita ang daan oh." pagpuna ni Ryan. "Oo nga no. Ay naku!!! Sige aalis na rin ako!" na alarma din si Gale at parang ngayon lang ata narealize na umuulan. Nag-aalisan na rin sila at nagpaalam papunta sa pinagparkingan nila, habang ako nagpahuli. "Geh, Max." paalam ni JD na last umalis. Napatingin na lang ako sa langit. Magrereklamo pa sana ako na walang payong kaso walang pag-asa to, kahit ata may payong mababasa at mababasa pa rin kahit sino paglumusong sa ulanan na to. Wala namang shed na madadaanan kaya siguradong wala na akong ibang magagawa. No choice eh. Ang lakas ng ulan. Sobra pang kulimlim. Nako naman!! Bakit kasi ang layo ng pinarkingan ko? Tsk'. Bahala na! Tatakbuhin ko na lang. Mabilis na humakbang ang mga paa ko, pinang-cover ko naman ang kamay ko sa ulo. Patakbo na sana ako ng may naramdaman akong kumapit sa dulo ng uniform ko. Di ko maintindihan. Mabilis naman ang reflex ko pero nagslow motion ang lahat sa sobrang dami ng ideyang pumapasok sa utak ko. Mga ideyang di maganda para sa kalagayan ko ngayon na nag-iisa. Sa paghatak nito sa akin ay yun din ang paghatak ko ng hininga ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari di ko na namalayan ang lahat-----kasabay din nun ang pagbalik ko sa lilong. Ay di pala. Napatingala ako nang marealize kong nasa ilalim pala ako ng isang payong. From there, my gaze slowly follows to the pale hand na may kapit nun. Basa din ang kamay nya. Pati na rin ang uniform nya. Ano ba to? Eto ba yung sa mga horror movies, dito na ba ako makakakita ng real paranormal? Bakit ba kasi ako nag-ask for evidence kanina sa locker room?!!! My gaze follows the owner's hand. And, I was dead in an instant. Joke. I saw a girl. Her eyes are straightly looking up with her chin slightly lift. It looks like as if she follows my gaze, until it landed on me. Nakatingin sya sa akin. Her face is slightly covered with her drenched hair. Her skin is as pale as her hand. She seemed freezing from the cold. Her lips signifies that because it also shivers. She looks so fragile and yet, I don't understand if its my eyes who are deceiving me or what. But it was then, when her eyes are deeply looking at me, and her eyebrows are perfectly curve with confusion. Wait confusion? Confusion talaga? Bakit? "Hoy, wala ka bang balak umuwi?" tanong nito. Ang malalim nyang boses na nagsasaad ng kaseryosohan ang pumutol sa malalim na pag-iisip ko. May konting panginginig din yun dahil siguro sa lamig. Marahas din ang bawat paghinga dahil siguro sa paghahabol ng hangin. Did she just said 'HOY'? Mali ata ako ng kinig. "Huh?" "Di ka ba uuwi?" pag-ulit nya at mas kumunot pa lalo ang noo. "U--uuwi, bakit?" "Oh, iyo na 'tong payong." at saka nya kinapitan yung kamay ko para ipakapit yun. Nastunned ako sa lamig ng mga kamay nya kaya di ko na namalayan ang paglakad nya paalis. Ano yun Max? Napapikit ako ng marami. Ah basta, may babae!! Oo nga babae! Teka yung babae sa parking lot?!!! Sya ba yun? Dahil sa narealize ko, inipon ko lahat ang lakas ng loob ko para icheck ang isang bagay. Kung may paa ba sya. Bago puwersahan akong tumingin papatalikod, but I was dumbfounded. I saw no trace of her. And that is the time I met the Scary Girl under the rain. It was an unbelievable night. Kahit hanggang sa pag-uwi ko, akala ko nanaginip ako ng gising. It was as if I was inside a horror film. I mean she's really a normal person, but it still gives me chills whenever I think on how she got home that night. Ano ba? May tambo ba sya para sakyan papauwi o ano? Late na late na kasi yun para sa uwi ng isang matinong babae. Tsaka, ang alam ko ay delekado TALAGA sa kanto nung school. Pumapatay kaya sya? Marami kasing tambay at siraulo dun. Malay nyo, may pagka-adventurous pala talaga si Scary Girl at assassin naman pala talaga sya. Yun kasi ang mga thoughts ko sa mga weirdong tao——that they hide their cool sides. Sa tipo naman nya, dapat wala na syang ibang alam gawin kundi magkarate, which is talent na pinapalabas lang nya sa ganung oras ng pag-uwi. But kidding aside, kung hindi yun, paano kaya talaga sya nakakauwi? I'm sure no one is there. Baka guards, oo, pero ano namang pakielam nung mga yun. Bumubuhos kaya ng malakas ang ulan sa labas. I know I can be a good guy to offer her a ride and drive her home, but she's just not there when I turned back. So I think sinong di magiging mas concern sa sarili nila kung sila yung naandun sa kalagayan ko, diba? I think it's just my conscience that bothers me. No, I'm sure yung whole night na yun ang nagpapagulo sa akin at sa utak ko. Kasi tunay naman yung nangyari. I got her umbrella as an evidence, so it's real. Pero pano sya nakauwi? And speaking of umbrella. I wonder kung extrang payong nya yun. "Oi, Max!!! Ready na ba kayo?" biglang tanong ni Gale na nagpatigil sa akin sa pag-iisip. Kung bakit ba naman kasi ang tagal ng teacher namin?! Wala tuloy akong ibang maisip. Hanggang ngayon lutang pa rin ako tungkol dun sa babaeng yun! "Oo, kanina pa." sagot ko at straight na tumingin sa mata nya. Muntikan ko nang makalimutan ang dapat kong ikahanda ngayon. Okay, get your head straight Max! We have to do this!!! Sunod naman nyang tinanong ang iba. "Nagdasal pa nga ako eh." sagot ni Kyle na patuloy pa ring pinagsasaklob ang dalawang kamay. "Dude, ginawa ko na yang New Year's resolution last year." komento ni Patrick with a proud smirk written on his face. "Ako nagready na ng---" kasunod nun ang paghugot ni Ryan ng perang nakaready sa bulsa. "Alay." ngumisi pa to sa amin. Ang yaman talaga ng isang to! Kayang bayaran lahat eh!!! See, iba-iba lang talaga kami ng paraan. Hahahahaha. Kung kaming lahat ay may pinaghandaan, si JD matagal ng ready panigurado. "Dadaanin ko na lang sa mukha yan." sabay ngisi nya. Confident talaga yan. Lagi naman nyang dinadaan dyan yun eh. Ganyan talaga, mang-uuto yan eh. Lahat naman kami gwapo, ang pinagkaiba nga lang——lahat sila pumapatol sa pangit para dito. Hahahahaha, pero ibahin nyo ako. I can't use my face for a sacrifice. I always stick on my standards. Ganun talaga pag pang malupitan ang kagwapuhan. Weird ba sa inyo ang ginagawa namin? Well, ganto talaga lahat ng mga lalaki pagdating sa group project. "Naandyan na si Sir!" and that's our cue! Lahat kami ay nagmadaling nagsibalikan sa mga upuan namin bago pa kami madatnan. Lagi kasing may toyo yung teacher namin. Baka mapagbuntungan pa kami. Mahirap na, lalong mauubos buhok nun sa amin. "Bilis!" "Dali!" Pagtutulakan namin sa isa't isa. Kaso—— "Mildard!!!!!" rinig kong sigaw na nagpatigil sa akin. Pagkanga naman sineswerte ako. Dahan-dahan akong tumingin at ngumiti sa kanya. Pampagood vibes muna Sir. Tatanda ka naman. Dapat kasi ibang student na lang. Ako pa talaga napili mo ha. "Good afternoon, Sir!" bati ko dito habang sinisilayan sya ng maliliwanag na ngiti. Masyadong busangot mukha mo, Sir eh. "Anong good afternoon ka dyan?! What did I told you, huh? " gigil na tanong nito sa akin. Hay naku, nausok na naman ang ilong nya. "To stay at the front seat, Sir." pagpapatuloy ko sa sinabi nya. Attentive na studyante ako eh. Tsk! Alam ko na yan, lagi nyang sinasabi na wag daw akong pumunta sa mga barkada ko sa likod and to stay in the front na nga diba!! Linyang linya nya yan!!! "Aba! Sumasagot ka pa!" galit na sigaw ulit nito. Huh? Di ko na talaga maintindihan ang teachers nowadays. Akala ko ayaw ng paulit-ulit at nakakapagod daw at nakakapaos. Yun naman yung sabi nya, "To learn once na napagsabihan". Nakinig naman akong mabuti, naiquote ko pa nga yung sinabi nya. Naulit ko pa nga yung words para minus abala sa kanila, tapos nagagalit bigla?!! Kaya alam nyo na ang dahilan ng mga susunod nyang sasabihin. Ako kasi alam ko na kaya naman nagtikom na lang ako. Dadada lang yan. "Let me remind you, Mr. Mildard! Nanganganib ang grades mo sa akin kaya umayos ka! Nilipat kita dito sa unahan para magkachance ka naman! Kaya kung gusto mong pumasa, sumunod ka!!! Now back to your seat and learn once na napagsabihan na!" Tsk', medyo nakakadiri yung mga sinabi nya. Pweh! Kung maka-chance sya parang kapit ng subject nya ang buong kapalaran ko ah. Minabuti ko na lang di gumawa ng ingay para di naman mahalatang medyo asar ako. Kaso lintik na upuan to. "CREEEKK!!!!" Nag-ingay ng kusa yung bangko ko! Ayos ah, mukhang alam makiramdam sa kung sino ang uupo. -_-' Nice. Napatigil ako ng saglit para icheck kung ano ang reaction ng teacher ko. And yup! He is staring like a madman to me before he rolls his eyes. "Okay class! As you know, I told you about the project. It is pairing, according to names. Aden with A----" at nagsimula na ngang magsummon ng masamang espirito ang teacher namin. Lumingon ako saglit sa likod at nakitang mataimtim na nagdadasal ang mga mokong. Pano, ayaw makagroup yung iba na strikto. Si Ryan gusto mababayaran yung kapartner para di na sya gumawa. Si Kyle gusto matalino, at syempre mauuto. Sabi kasi nya mas matalino mas maraming pakinabang. Si Gale gusto naman ng babae para naman madala sa mga rason nya. Laging MIA yan sa mga project eh. Si JD gusto babae din pero para maidate at tsaka ipagawa yung buong project. Si Patrick, naku wala namang pakielam yun. Ang gusto lang nun ay yung may mapapagyabangan nya kahit di sya matalino. Bahala nang di nagproprogress ang project, basta may taong mapapagyabangan lang. Kaya ang habol ng loko, yung bobo. Kaso siya na yun. Di naman sa pagmamayabang mas may utak pa ako sa kanya kahit ako ang lowest. Well at least ako honest. Ayaw ko ng assignments. So di ko ginagawa. Period. Eh sila, may grades nga, puro copy paste naman. Di honest mga tsong!!!!! "Mr. Mildard!!" sunod akong napatingin sa teacher ko. "Yes?" "If you didn't notice, you're the only person I did not read the name. I have special someone I assigned to be your partner. Pasalamat ka at pumayag. Exempted na sana sya dito sa project na to. However, you're failing so kailangan ko syang maging partner mo, para sa ganun alam mo naman ang ginagawa mo." Nacurious ako sa sinabi nya. Miracle worker ba yan, kung bakit ako makakasurvive sa hell na to?! "You'll be partner to Orquidea." Orquidea??? Ano yun? Tao? Orquidea. I look around to see kung sino yun na wala pang kapartner, pero wala akong nakita ni isa na nag-iisa ngayon. May pagka-ignorante kasi ako at aminado naman ako dun. Hindi ko kasi talaga alam kung may ganun ba talagang pangalan dito sa classroom namin. Kung famous sila baka makilala ko pa sila, pero ako kasi yun kaya mostly ibang tao ang nakakakilala sa akin, kahit hindi ko sila kakilala. "Sino po, Sir?" I asked pero nakatanggap lang ako ng dagger look. Tamo 'to nagtatanong lang eh! "You don't know? Sya yung seat mate mo sa left side." Bigla akong napaisip at tinignan ang vacant seat sa left side ko, pinagpapatungan yun ng bag ko ngayon. Sa pagkakaalala ko, matagal ng lumipat ng school yung nakaupo dito. Di ko na nga matandaan eh, matagal ng vacant to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD