AIRA POV Dumating na yung napaka rami naming pagkain na inorder. At yung rice namin, parang pang six na katao itong lahat. Gusto kong papakin yung fried chicken pero natatakam din ako sa burger at sa fries. Gusto kong inumin yung coke at kainin yung kanin. Sobrang gulo ng isipan ko ngayon kung ano ang una kong ipapasok sa ibibig. Subalit nang mapa titig ako kay Boss Jordan, halos matulala na lang din ako sa kanya kasi literal na ang lakas lakas niyang kumain. Kahit na puno pa nga ang kanyang bibig, talagang sunod sunod ang pag subo niya. In my entire existence, ngayon lang ako naka kita sa personal ng taong masiba kung kumain, kulang na lang, pati ang plato ay kainin niya. Nahiya naman ako sa kanya, gutom din ako pero hindi ko kayang makipag sabayan sa ganito kalakas kumain. May mga t

