AIRA POV "Yes, alam ko yung tungkol sa bagay na yan, AIra. But blaming yourself for what happened? That is f*****g annoying, I hope this will be the last time na sasabihin mo ito sa akin. Consider that as a part of our agreement, okay? I swear to you, kapag hindi mo pa rin tinigilan ang kakasabi sa akin na kasalanan mo ito, then I will be forced to break this deal." Natameme ako sa sinabi niyang ito sa akin at dinaan ko na lang ito sa isang ngiti na may pagka awkward. Ayaw ko lang din yung sinabi niya sa akin na babawiin niya yung isang milyon. Ang plano ko talaga, kapag nasa akin na yung isang milyon, mag lalaho na lang ako sa kanyan buhay na parang bula. Bahala na siya, I will live my life to the fullest with that huge amount of money. Basta papandigan ko yung I only live once na kasab

