Kaya nilibot niya muna ako sa iba't-ibang building. Marami siyang sinasabi about sa lahat ng building dito sa school. Hindi naman ako masyadong nakikinig sa kanya, oo lang ako ng oo.
"Anyway, Attorney," huminto ako at tumingin sa kanya.
"What did you say?" taas kilay na tanong ko sa kanya.
"Your name sounds like Attorney," kalmadong sabi niya sa akin.
"Whatever," sagot ko lang sa kanya. Napansin ko na naman yung mga studyante na nadadaanan namin nakatitig sa akin at nag-bulungan.
"Wow! That's fast," buntong-hiningang sabi niya na patuloy pa rin sa paglalakad.
"Huh? What do you mean?" naguguluhan tanong ko sa kanya.
"Seriously? You don't know?" manghang sabi niya sa akin.
"You think I'll ask you if I know?" I just rolled my eyes at him. Hindi ko naman talaga alam eh.
"Ikaw yung pinag-uusapan nila," he said calmly.
"What? Why me? I didn't do anything." Bakit naman ako?
"Kasi nga diba binigyan mo ng pagkain si Thunder, lahat ng girls nagkakandarapa dun," he explained to me.
"Big deal ba sa kanila yung ginawa ko? I just gave him food," kunot-noo kong sabi sa kanya.
"You do not get it. Sila lang naman kasi yung pinaka-sikat dito sa school, buong team nila, and also me?" pagmamayabang niya pa sa sarili niya.
"So you mean you're also part of the team?" tanong ko sa kanya.
"Tumpak," ngiting sabi niya sa akin.
"Then why are you here? Diba may practice kayo?" tanong ko ulit sa kanya.
"Kasi nga SSC President ako, kaya nandito ako to assist some students," patuloy niyang sabi sa akin.
"Wait, McKay, do you know what course Thunder is taking?" excited na tanong ko sa kanya.
"Business din. Just like us. Actually, we're classmates," sagot niya sa akin.
"Talaga?" Ang swerte ko naman, same din kami ng course. We really make a great match, I thought with a beaming smile. I’ve learned something new about him again.
"Balita ko matalino din siya?" tanong ko ulit sa kanya.
"Oo, matalino din. Katulad ko," sobrang yabang naman nito. Mabuti na lang gwapo 'to. I just rolled my eyes at him at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Alam mo, ang sungit mo talaga. Hay, mga babae nga naman," sabi niya ng nakangiti.
"Pero infairness sayo ha. Freshmen ka pa lang, you dare to give Kai food," namamangha na sabi niya sa akin.
"And so what about it?" nagtataka kong tanong ko sa kanya.
"Hindi naman 'yan namamansin sa mga babae at hindi din tumatanggap ng gift nang kahit sino in short sobrang sungit niya. Pero 'yung pagkain mo na binigay, tinanggap niya. It's new to us," naguguluhan niyang sabi.
"Are you his girlfriend?" tanong niya ng diretso sa akin.
"No," agad kong sagot sa kanya. Pero sana in the future. "I'm his neighbor kasi kaya kilala ko siya," dugtong ko agad.
"Wait, are you the girl—nevermind, it just makes sense. May advantage ka pala sa ibang girls. Ikaw yung malapit sa kanya," natatawang sabi niya.
Napangiti na lang ako nang maisip ko 'yung sinasabi ni McKenzie na hindi pala tumatanggap nang regalo sa ibang babae si Thunder. Bakit kaya tinatanggap niya 'yung akin? Siguro kasi magkapitbahay kami.
"Ngiting-ngiti ka naman diyan? Alam mo ba, ikaw lang din yung tumatawag sa kanya ng Thunder, all I know is close lang niya 'yung tumatawag sa kanya na Thunder?" Why is he telling me this? I was about to respond when he suddenly spoke again.
"Oh, ito na pala ang building natin. Sige, mauna na ako. Huwag ka sana umasa sa lahat ng sinasabi ko, let's just say, just a piece of reminder," dugtong pa niya sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Sounds weird, napa-isip tuloy ako, nagpaalam na siya sa akin pagkahatid niya sa building ko.
"Okay class. Welcome to Union College school year 2023. I am Prof. Cathy Enriquez and I will be your class adviser this semester," pagpapakilala niya sa amin. As usual, ganyan naman talaga ginagawa kapag first day of school, introducing ourselves.
Maagang natapos yung class ko ngayon. Hinihintay ko si Manong sa bench malapit sa gate. Nakita ko sila McKenzie kasama sila Thunder at kasamahan nila sa team na palabas na ng school. Napamura na lang ako sa hiya. Maabutan nila ako dito. Why is Manong taking so long? I hope they don’t notice me. I still remember the guy I accidentally hit with a stone on the foot.
"Uy, Attorney," tawag sa akin ni McKenzie.
"He...llo," utal na sagot ko sa kanya. Halos silang lahat nakatingin sa akin, including Thunder.
"Uuwi ka na ba?" tanong ni McKenzie sa akin.
"Yeah, I'm just waiting for my sundo to come here. What I mean is, papunta na dito." Ano ba naman, Arrietty, umayos ka nga.
"Ano na, Pres., hindi mo ba kami ipapakilala?" sabi ng lalaki na nasa tabi niya, if I'm not mistaken, siya 'yung lalaki na natamaan ko ng bato kaninang umaga. Bigla na lang niyang inabot ang kamay niya para makipag-shake hands.
"Hi, I'm Aidan Lee Villarreal. Just call me Ai. Did I scare you ba kanina? I'm sorry, I was just joking, but the stone hurts seriously." Hindi ako makasagot sa sobrang hiya ko, buti na lang sobrang daldal ng lalaking 'to.
"That's enough, Ai. You really scared her. By the way, I am Jeremiah Ivan Aguerro. I am a team captain. Nice to meet you." And he extended his hand to me. I just smiled at them and didn’t respond, and just in time, Manong arrived.
"I have to go, guys. My sundo is here na. Nice seeing you all." Aalis na sana ako nang makita ko si Thunder sa may likuran ni Aidan.
"Bye, Thunder. See you." Tumakbo na ako papunta sa loob ng sasakyan. Bago pa ako makaalis, narinig ko pa yung usapan nila.
"Ohhhh........ sila yung nagpakilala pero kay Kai nagpaalam. That's burnt brooooo," sabi naman nung isa nilang kasamahan.
Martes ngayon at alas otso na ng umaga. Hindi na ako nagmadaling bumangon dahil mamayang hapon pa ang klase ko. Haaaay! Ang ganda ng panahon ngayon, ngiting-ngiti akong humarap sa bintana. Nanlaki ang mata ko nang makita si Thunder na nakatingin sa akin habang naglilinis ng kanyang sasakyan. Nakakahiya, naka-nganga pa naman ako kanina. Wala ba siyang practice ngayon? Bakit nandito pa siya?
"Iha, kumain ka na." tawag ni Manang sa akin.
"Opo, just a sec." Naghilamos na muna ako at lumabas na sa kwarto ko.
"Oh, wala ka bang pasok ngayon? Pinaghanda pa naman kita ng baon. Dalawa pa nga ito, sinama ko na rin 'yung lalaki mo." natatawang sabi ni Manang.
"Thank you Manang alam mo talaga ang nasa isip ko." thumbs up ko kay Manang.
"Pero, Manang, mamaya pa po ang klase ko. Bibigay ko na lang ito ngayon kay Thunder; nasa labas siya ngayon," ngiting sabi ko kay Manang bago umalis.
Nakita ko si Thunder sa labas na naglilinis pa rin sa kanyang sasakyan. Tinawag ko siya. Huminto siya sa pagpupunas ng kanyang sasakyan at tumingin sa akin.
"Good morning, Thunder. This is for you," sabay abot ko ng pagkain, halos mapunit na yung mukha ko kakangiti.
"Thank you." Ang guwapo talaga ni Thunder, kahit hindi man lang siya nakangiti. Aalis na sana ako ng biglang nangati yung ilong ko bigla.
"Achuuuu. Achuuuu." Tumingin ako sa paligid, but wala akong nakitang kahit ano.
"Do I smell bad?" tanong ni Thunder while smelling himself.
"Oh noooooo! Achuuuu. Achuuuu." sabi ko sa kanya. Nakakahiya naman kay Thunder, bakit ba kasi ngayon pa umatake yung allergy ko, wala naman akong nakikitang aso o pusa sa paligid.
"Are you okay?" tanong niya sa akin, kita ko sa mukha niya ang pagkalito.
"Are you feeling confused, achuuuu?" tanong ko sa kanya habang natatawa. "I'm also experiencing confusion. Bakit nga ba ako inaatake ng allergies ko kahit wala namang aso o pusa dito? You know, I'm allergic to them. It's quite disheartening since I really want to have a pet. Achuuu, but my allergies are getting in the way," sunod sunod na sabi ko sa kanya.
"Damn, you're talkative," sabi niya sa akin habang naka-kunot yung noo niya.
"Too noisy ba? I'm sorry." Kaya siguro ayaw niya akong kausapin kasi maingay ako. Kung hindi lang talaga si Thunder ito, nasapak ko na siya. Aalis na sana ako nang marinig ko ang isang maliit na boses galing sa ilalim ng sasakyan.
"Oh, there you are." Dumapa ako at tinignan yung pusa. "Ikaw ha! You're naughty, you're making me sneeze. Bad kitten," sabi ko sa pusa. Sobrang ganda naman ng pusa na ito. Sayang lang hindi ko malaro at mahawakan dahil sa allergy ko.
"Milo, why are you under my car?" gulat na sabi ni Thunder sa kanyang pusa habang kinukuha ito sa ilalim ng sasakyan.
"I'm sorry. It's Milo's fault that you had an allergy attack," pagpapaliwanag ni Thunder sa akin.
"No, it's okay. She's cute. I hope I can carry her," malungkot na sabi ko sa kanya. "Anyway, I have to go na. Maaga pa kasi ako mamaya at walang maghahatid. Wala si Manong eh," dugtong ko na sabi at nagpaalam na rin sa kanya.
"Aba, ang haba ata ng usapan niyo ah. May improvement ba?" tanong ni Manang sa akin.
"Wala Manang, pero yung conversation namin, oo," ngiting sabi ko sa kanya. "First time ko siyang nakausap nang matagal. Malas nga lang, inatake pa ako ng allergy."