Future

1674 Words
Nag-ayos na rin ako dahil wala si Manong, may inaasikaso daw kaya pupunta na lang ako sa school nang mag-isa. Gonna ask my friends na lang paano mag-Grab Taxi, hindi talaga ako sanay. (Group chat) Arrietty: Guys, can you teach me paano mag-Grab? I'm stressed here already. Jasmine: C'mon Arr. You don't know Grab? Saang mundo ka ba galing? {Ano ba naman 'to si Jasmine. Talak nang talak sana tinuro na lang niya sa akin paano gamitin.} Arrietty: Ang ingay mo naman. Anthonette: Ayan na naman kaayo. Jasmine: Just download the app and read. Arrietty: Okay. Got it, Thanks! Anthonette: Naku! Ewan ko na lang sa'yo but nakaya mo mag-isa diyan sa school mo. Jasmine: Oo nga Arr. Sobrang shy mo. Di ka nga marunong nang kung anu-ano diyan. Arrietty: Okay na girls. Kaya ko naman. It's just my first time lang, okay? Tsaka after this, masasanay din ako. Anthonette: Sana nga. Alam naman namin na kaya mo 'yan. Jasmine: Go Arr. Para sa crush mo. Anthonette: Ang tanong umuusad ba? Jasmine: Syempre hindi. Weak kasi friend natin eh. HAHAHA. Arrietty: Natawa ka pa ha. Jasmine: Alam mo Arr, marami pa naman gwapo diyan sa school mo and also mayayaman pa. Di ka naman umuusad sa crush mo. Anthonette: Oo nga. Landi-landi din pag may time. Arrietty: Ewan ko sa inyo mga bakla kayo. Bye na guys, punta na akong school. Lumabas na ako sa bahay habang binabasa ko kung paano ba mag-book dito sa Grab app para naman mabilis akong mahanap ng Grab driver. Kung kailan wala si Manong, ngayon pa talaga nawala yung net. Buti na lang, maaga akong nag-ayos, mukhang traffic pa naman ngayon. Naglakad na ako palabas ng subdivision, biglang may bumusina sa may likuran ko. Paglingon ko, sasakyan pala ni Thunder. Alam ko talaga na sasakyan niya 'yun. "Hop in," sabi niya lang nang hindi man lang nakatingin sa akin. Kahit kailan talaga, napakacold niya. Pumasok na lang ako sa kotse niya. Bubuksan ko sana ang likuran nang sasakyan. "I'm not your driver," sabi niya. "Sorry," sambit ko na lang at lumipat sa passenger seat. "Why hindi ka maaga now? You don't have practice ba?" tanong ko para naman mabasag yung katahimikan namin dalawa. "Nope," sagot niya lang. Sobrang iksi lang naman ng mga sagot niya. Ang awkward naman. Tahimik lang din ako sa byahe, hindi ko din alam kung anong sasabihin ko sa kanya. "So where is your car then?" Haaaay, salamat nag salita din. "I don't have a car," simpleng sagot ko lang sa kanya. "So who's that old man picked you up yesterday? Don't tell me he's your sugar daddy," nabigla naman ako sa tanong niya. "What? Napaka-judgmental mo naman. How could you say that," napalakas yung boses ko. "Damn! Lower your voice," inis niyang sabi sa akin habang nakatakip yung isang kamay sa tenga niya. "I'm sorry. You can't blame me. You can't judge people just like that. You know wala akong car kasi nga it's my parent's car and driver 'yun ng parents ko," inis na sabi ko sa kanya. "I'm sorry, okay?" wow ha, siya pa talaga ang nainis. Kung di ko lang talaga crush to eh. "Hmmm, Thunder. Do you know how to use the Grab app?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. Nakakahiya naman 'to. Baka ano pa iniisip nito. Nakita ko sa mga mata niya na nagtataka siya. "You know, yung app where you can book a ride pauwi tapos you will just pay na lang. Just like a taxi," ang aking paliwanag sa kanya. "I haven't done that before. I just tried a taxi once," sabi niya na nakakunot ang noo. Master of kunot noo talaga ito. "Why would you ask that?" tanong ni Thunder sa akin. "I haven't tried Grab before, and in a taxi, I'm too shy to make para like I just can't," medyo hininaan ko yung boses ko nakakahiya naman talaga wala akong alam sa mga ganyan. Napansin ko na hindi man lang siya sumagot sa sinabi ko. "Look, I'm too shy sa ganun. Like I'm too shy to talk to other people na I don't know. Okay?" sabi ko naman sa kanya. "So why are you talking to me? You're not shy?" pabalang na tanong niya sa akin. Hindi ko naman siya nasagot agad. Totoo naman talaga malakas ang loob ko kapag siya ang kausap ko. "Because we're neighbors? I also know that you're a good man," hindi na niya ako sinagot. Hindi ko namalayan na narito na pala kami sa paaralan. "You can go down here. I just need to park the car." sabi niya pagkahinto ng sasakyan sa harap ng school. I was about to open the car's door para lumabas, bigla na lang nagkumpulan ang lahat ng studyante sa harap ng kanyang sasakyan. Dahil biglaan, napahinto ako at nangilid ang pagiging mahiyain ko. Hindi ako agad nakagalaw. "What's with these people?" frustrated kong tinanong sa sarili. "Hindi ba pwedeng mag-aral na lang ako dito ng matiwasay? I'm sorry, Thunder. Can I just go with you sa parking?" pagmamakaawa ko sa kanya. Parang hindi ko kaya na makita ako ng mga studyante kasama si Thunder. "Bakit ba kasi sikat ka? Madami tuloy akong kaagaw," maktol ko sa sarili. "What did you say?" sabi ni Thunder. "I heard someone say earlier, 'Ohemgeeee, may girlfriend na si Kai. Baka siya yung nagbigay ng food kahapon.' Who is Kai ba kasi?" tanong ko sa kanya. Nakita ko naman na bahagya siyang tumawa sa sinabi ko. "Gossssh! I saw you smile. It's my first time seeing you smile," masaya kong sabi sa kanya. He just smirked at me. "Seriously, Thunder, who is Kai?" Seryosong tanong ko sa kanya sino nga ba si Kai. Magsasalita pa sana ako nang binigay niya yung I.D sa akin. "Oh, I see it's KAI THUNDER GARCIA pala yung totoong pangalan mo." What a nice day. Sinabi na pala 'to ni McKay sa akin. Naalala ko yung sinabi niya sa akin na Kai pala yung tawag sa kanya ng mga tao dito. Bago pa lang yung pasokan dami ko nang alam about sa kanya, but on the negative side, marami rin akong kaagaw sa kanya. Bakit ba kasi sobrang gwapo eh. "You can go down here. There's no student here, and it's near to our building. You can peacefully go inside," sabi niya. Bakit ang dami niyang alam? Siguro nagtatago rin siya sa mga fans niya. "Wait, Thunder. Can you teach me how to use this Grab app, please? I don't know paano umuwi later eh," pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi ko pa talaga alam kung paano gamitin. "Naaaah, I don't know either." Patay tayo diyan wala pa naman akong kaibigan dito para matawagan ko kung paano gamitin. "Sige, salamat," lumabas na ako sa sasakyan nang bigla naman siyang nagsalita. "Meet me here later at 5:00 pm sharp. Let's go home together." Napangiti ako sa sinabi niya at umalis, baka kasi bawiin pa niya yung sinabi niya. I have 8 subjects this semester. Marketing Management yung major ko. Di ko alam kung ito yung kinuha ko. Bahala na. Hanggang sa matapos na agad yung nakakapagod na klase. Minsan kasi may ibang subject kami na nasa ibang floor kaya umaakyat pa kami. Bumaba na ako, kasi last class namin pumunta kami sa third floor. Hinintay ko muna yung iba na makaalis para hindi ako makipag-unahan sa iba. Habang hinihintay ko yung elevator, biglang may tumawag sa akin. "Hey, attorney?" tawag sa akin ni McKay. "Hey McKay," ngumiti lang ako sa kanya at binalik agad ang tingin ko sa elevator. s**t, ito na naman sila. "Hey, what's your name?" tanong nung lalaki, sa pagkakatanda ko, Aidan yung pangalan. "Just wondering you're in a Law School then why are you here in our building," tanong sa akin nung isa pang lalaki na nasa tabi ni Thunder. "Why would you say that?" I confusedly asked the guy. "You know McK called you an attorney," sagot niya na naka-kamot ang ulo. "I suppose you're in a Law School," naka-tawa naman sa kanya lahat. "What? It makes sense, right?" kita talaga sa kanya ang pagkalito niya. "I called her attorney because her name sounds like attorney. Yun lang yun," natatawa pa na sabi ni McKenzie. Tumunog na ang elevator, hudyat na nasa ground floor na kami. Hindi na rin ako nag-salita at nakikinig lang sa usapan nila. Hindi rin kasi ako maka-relate sa usapan nila. Dali-dali akong lumabas sa elevator para agad na makalayo sa kanila. "Hey miss. Where are you going?" tanong ni Thunder sa akin. Oo nga, saan nga ba ako pupunta? Hindi ko siya nasagot agad, tinitigan ko lang siya. Nakakahiya naman sabihin sa harapan nang mga kasamahan niya na makikisakay ako. "Let's go," naintindihan ata ni Thunder ang nararamdaman ko. "What's going on here?" tanong nung isa pa niyang kasama, si Jeremiah ata pangalan non. Hindi ako masyadong magaling sa pagma-memorize ng names talaga. Nakita ko lang si McKenzie na nakangiti. "C'mon, guys. Let's go," aya ni McKenzie sa kanila. Pumasok na rin kami sa kotse. Ang awkward naman, di na naman nagsasalita si Thunder. "Grabe ang traffic," sambit ko upang maputol yung katahimikan. "Wala ba kayong practice now?" tanong ko kay Thunder. "No," ang ikling sagot niya sa akin. Tumahimik na lang ako at nakatingin sa labas. "What's your name?" diretsong tanong niya. Napa-ubo na lang ako sa tanong na 'yun. Hindi ba niya alam ang pangalan ko? Ouch ha! Pero bakit naman niya malalaman? Hindi naman siya kagaya ko na stalker. "You don't know my name? I'm hurt," biro ko sa kanya. Hindi man lang siya tumingin sa akin. Focus talaga siya sa pagdrive. Daldal nang daldal ako sa kanya. Nalimutan ko na nga tinatanong pala niya ako. Nagpark na muna siya sa harap ng bahay. "Anyway, KAI THUNDER GARCIA. I am ARRIETTY YSRIEL JIMENEZ. Nice to meet you," inabot ko yung kamay ko para makipag-shake hands. "And I AM YOUR FUTURE.....FUTURE WIFE," ngiti ko sa kanya at lumabas na sa kotse. Tumakbo ako papuntang bahay. s**t. Arr. Anong ginawa mo, nakakahiya ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD