KAMI na lang nina Ethan at Baby Jazper ang naiwan sa loob ng aking silid. Kaya naman inunahan ko ng magsalita si Ethan. ''Oh, nakabalik ka na pala ng Manila." ''Yeah. Actually, kakarating ko lang. Dito na ako dumiretso nang malaman kong nanganak ka na pala.'' Seryosong tugon niya. "Mmm...kakauwi lang din namin ni baby.''Nakangiting sinulyapan ko pa ang natutulog na si Jazper. ''Mabuti naman at pareho kayong ligtas.''Dagdag pa niya. Nilapitan ito ni Ethan at gaya nga ng mga naunang komento ay hindi ko inaasahan'g gano'n din ang lalabas sa bibig niya. ''Maze, hindi sa iniinsulto kita ah, pero...sorry huh! Carbon copy talaga 'to ni Jazz. I already saw some pictures of Jazz no'ng baby pa siya and imposibleng magkamali ako ng tingin sa hitsura ngayon ni baby.'' Seryosong wika ni Ethan hab

