One year ago... "HAPPY BIRTHDAY!" Sabay-sabay na sigaw ng mga batang dumalo sa first birthday ni Jazper. Labis naman ang pasasalamat ko kina Ethan at Pauline pati na rin sa lahat dahil kahit pa'no ay nairaos na ang kaarawan ng anak ko. "Baby, say Thank you to Tita Ninang and Tito Ninong." paglalambing ko kay Jazper na ang tinutukoy ko ay sina Pauline at Ethan. "Tenchu." Ani Jazper. Nabubulol pa ito sa ibang mga salita ngunit may mga pagkakataon naman na matuwid ang kanyang pagbigkas. "Ay, ang sweet naman." Papuri rito ni Pauline. Kapagkuwa'y kinarga niya ito. Ngiting-ngiti naman ito matapos siyang kargahin at nagtawanan kami nang bigla itong magpumiglas. Gusto pa 'lang lumipat kay Ethan at doon naman magpapakarga. "Uhm...Maze, 'yong ninong Jazz niyan, hindi mo man lang ba inimbita?"

