MATAPOS kong i-parking ang aking kotse ay naiinis na ibinaba ko ang ibang gamit na naroon sa loob ng sasakyan. Nauna kasi'ng makarating sa mansiyon sina Jazz kaya naman heto at mag-isa lang yata akong maghahakot nito. ''Bwisit na lalaki 'yon! Wala man lang yata'ng balak na tulungan ako rito.'' Hindi ko maiwasan'g maibulalas ang mga katagang iyon. Pinakahuli kong ibinaba ay ang bag na may laman'g mga personal hygiene ko at halos maibato ko 'yon kay Jazz nang matanaw kong papalapit pa 'lang siya ngayon sa kinatatayuan ko. ''Kung kailan tapos na ako rito ay saka mo lang naisipan na lumabas!'' kaagad na singhal ko sa kanya nang tuluyan na siyang makalapit. ''Tsk...bakit, bawal na bang tumulong?'' sarkastikong tanong niya. ''Hindi ko na kailangan ang tulong mo! Kaya ko na 'tong hakutin.''

