PAGDATING ko sa coffee shop ay naroon na nga si Ethan. Papasok pa'lang ako ay tanaw na tanaw ko na ang malapad niyang ngiti. Kaya naman hindi ko maiwasan ang mapangiti rin habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan niya. ''Kanina ka pa ba?'' kaagad na naitanong ko. ''Actually, mga five minutes pa 'lang naman.'' Aniya na hindi pa rin napapalis ang ngiti sa labi. ''Sorry kung pinaghintay kita. Si Pauline kasi ay umandar na naman ang pagiging detective kaya hindi agad ako makaalis.'' Natatawang pahayag ko. ''It's okay. Siya nga pala, nag-order na rin ako." "Oh, thanks Ethan. Alam na alam mo talaga kung ano ang favorite kong kainin sa coffee shop na 'to. " Nakangiting wika ko. "Syempre naman!" puno ng pagmamalaki sa tinig nito. Maya-maya lang ay dumating na nga ang inorder niyang pagka

