BUONG maghapon ay hindi talaga sa'kin humiwalay si Ashley. Ni hindi ko na nga halos makarga si Jazper dahil palagi siyang nakadikit sa'kin. Gayunpaman ay labis ang aking nadarama'ng saya dahil sa wakas ay nagbago na rin ang pakikitungo niya saakin. Mabuti na lang at hindi napagod si Jazz na ipaintindi sa anak niya kung sino at ano nga ba ako sa buhay nila. Gabi na nang umalis sa tabi ko si Ashley. Kaya naman matapos namin'ng maghapunan ay saka lamang kami nagkaroon ng pagkakataon ni Jazz na magkasama. Nilapitan ko ito. Tinabihan ko sa couch at tahimik kaming nanood ng tv. Maya-maya lang ay bigla itong nagsalita "Hey, baby! Wala ka pa bang balak na matulog?" Ani Jazz habang nakatuon pa rin sa tv ang kanyang paningin. "Ah, maya-maya pa ako matutulog. Tatapusin ko muna 'tong pinapanood

