TATLO'NG buwan na rin ang lumipas buhat nang maging kami ulit ni Jazz. At sa bawat paglipas ng mga araw ay mas lalo kong nararamdaman kung gaano niya ako kamahal. Maging si Ashley ay tuluyan na nga'ng napalapit saakin. Sa totoo lang ay parang totoong ina na rin ang turing niya saakin. Kaya nang sinabi niyang ako ang gusto niyang maghahatid palagi sa kanya sa school ay wala na akong nagawa kundi sundin na lang ang iyon. Subalit isang umaga ay hindi kami natuloy sa pagpasok sa eskwela dahil may babaeng bigla na lang humarang saamin sa labas ng mansiyon. ''Who is she tita mommy?'' Ani Ashley habang pinagmamasdan ang babaeng nakatayo ngayon sa aming harapan. Maganda ito, sexy at matangkad. Animo'y isa itong sikat na artista. Subalit nang mga sandaling iyon ay hindi ko nagawang sagutin ang

