Lizella point of view*
MAAGA akong nagising para makapag-ayos ng sarili dahil pupunta ako sa Company namin dahil inatasan ako ni Daddy na patakbohin 'yon dahil pupunta siya ng Cebu para sa investment niya sa mga Chu. Sa lagi kong ginagawa tuwing gumigising ako ay pagmumumog at paghihilamos. And after that, pupunta na ako sa bathroom para maligo.
After 50minutes sa pakikipagharutan sa tubig dahil ang lamig, actually hindi naman malamig kasi may hot water and cold water ang shower sa banyo ko.
Pagkatapos kong sinuot ang 3/4 Length Dolman sleeve at Skinny jeans ko ay pumunta naman ako sa mga heels ko para pumili na nababagay sa suot ko ngayon para naman desente ako lalo't dala-dala ko ang Apelyido ng ama ko at syempre ang Mommy ko na pinagmanahan ko sa ganda. Nakakahiya naman kung hindi ako fashionista no'h. Ayaw kong magmukhang baduy.
At 'yon nanga nakapili na ako, pinili ko 'yong Cone heel dahil type ko siya at bagay naman siya saakin, wala naman kasing damit na hindi bagay sa akin.
At nang maisuot ko na, naglagay na ako ng kunting liptint at lip gloss para kumintab ang labi ko. Pagkatapos kong gawin 'yon bumaba na ako at mula sa hagdan ay naaamoy kuna ang niluluto ni mama na Shanghai dahil favorite ko 'yon.
"Good morning,Mommy" masayang bati ko sakaniya at hinalikan siya sa pisnge.
"Good morning, Anak. Oo nga pala, pinapasabi ng Daddy mo na marami kang pipermahan na kailangan ay maresearch mo ng maigi at may mga papeles na darating galing Dela Cuesta Company." Napakamot ako sa noo ko dahil nastress ako bigla sa narinig ko.
"I see, Si Daddy?"
"Maagang umalis dahil para daw maaga siyang makarating ng Cebu para sa investment nila ng Chu. Oh, bago ka pumunta sa opisina kumain ka muna nakahanda naman na, niluluto ko nalang ito dahil babaunin mo ito dahil alam kong favorite mo ito at para may kainin ka pag nagugutom ka."Napangiti ako kay Mommy na ikinatigil nito.
"Oh bakit?"tanong niya.
"You're the most caring Mommy in the world!"masayang ani ko at niyakap siya.
"Ang O.A ng Anak ko, kumain kana dahil hinihintay kana ng Driver mo." Kumunot ang noo ko.
"Kailan pa ako nagkaroon ng driver?"
"Your Daddy took that, protect you. Just in case someone tries to get you, especially since Del Carpio is famous and you're carrying that Last Name. Lizella, just follow." Tumango ako bago ako naupo sa harap ng hapag kainan.
Naiintindihan ko naman ang proteksiyon at ginagawa nila para sa akin dahil nag-iisang anak lang ko na magmamana ng lahat. I'm only child.
"Alis na po ako, Mommy." hinalikan ko siya pisnge bago ako kumaway sakaniya. Sumakay na ako sa Van namin na Kulay black at nag-start narin itong umandar.
HABANG umaandar ang vam hindi ako mapakali dahil wala akong magawa kaya nagcellphone nalang ako at inopen ang f*******: ko. Namilog ang mga mata ko na makita ang notifications ko, sabog ito dahil sa mga comment ni Deion Dela Cuesta. Agad akong nagtungo sa Friend request ko at nakita ko ang mukha niya doon. Hindi ko naman ugaling mangstalk ng tao pero dahil curious ako sa timeline niya ay inistalk ko siya.
Nakita ko doon ang bio niyang. 'Gwapo ako h'wag kanang kumuntra, baby' natawa ako sa naging bio niya sa f*******:.
"Aba! Pati f*******: ang kapal-kapal ng mukha."hindi ko maiwasang ngumiwi ng makita ang latest post niya na nakatopless siya at nasa harapan ng malaking salamin.
'Business man ba talaga ito? Para kasing model. Ang ho---'
"Ma'am andito na po tayo."
"Ay! Ang hot mo!" Napahawak ako sa bibig ko habang nakatingin kay manong driver na nakanganga.
"A-Ah mauna na ako. Ginulat mo naman kasi ako!"Singhal ko at nagmamadaling lumabas, halos takbohin ko ang hagdan ng makapasok ako sa pinto na glass dahil sa pagka-stress sa naiisip ko kanina pa..
Ano ba naman kasi Lizella kung anu-anong iniisip mo 'yan tuloy naisabi mo sa driver mo, ano nalang iisipin no'n na inaabuso mo siya? Na type mo siya? Gaga ka naman kasi!
Napapailing akong pumasok sa opisina ni Daddy na opisina ko muna ngayon. Agad akong nagtungo sa swivel chair doon at inilapag sa ibabaw ng lamesa ang bag ko. Pinatong ko ang batok ko sa gilid at nag relax ng kaunti nang magbukas ang pinto.
""Hi, Lizella. We meet again." The jerk. Deion Dela Cuesta.
My day will be hell again! That's annoying Deion!