Kabanata 4

1207 Words
Play "Take me to your heart by Michael Learns to Rock" __________ Lizella point of view* "Anong ginagawa mo dito?!" Tumawa lang siya parang walang narinig. "Kararating ko lang gan'yan na agad bungad mo. Pwedeng yayain mo naman akong umupo sa sofa na ito?" turo niya sa katabi niyang sofa habang nakangisi sa akin. "Maupo ka, mambubwesit ka na naman?" "Hindi naman ako nandito para inisin ka, andito ako para papermahin sayo 'to." lumapit siya lamesa na kung saan nakalapag ang kamay ko. Nilagay niya ang white coupon band sa harapan ko. "Ito ay isang agreement na pumapayag ako na bilhin ang lupa't bahay sa Batangas sa halagang 3million. Napermahan kuna 'yan actually dapat nga ikaw ang gumawa niyan kaso nalaman ko na marami kang gagawin ngayon. So, ako na ang gumawa para sayo, perma mo nalang ang kulang." 'Okay karin pala eh' Kinuha ko ang pen ko at pinermahan sa baba. "Ayan,Napermahan kuna, maaari kanang umalis."at ngumiti ako sakaniya ng pilit. Pilit na pilit. "No" At naupo siya sa upuan na nasa harapan ng lamesa. "Dito lang ako, babantayan ka pumerma at bibilhan ka ng pagkain pag nagutom ka."sinamaan ko siya ng tingin. Bad trip naman kasi bakit ba kasi ganito araw ko! "Inignore mo ang friend request ko sayo..pero nagreact ka sa latest post ko ibig sabihin ay inistalk mo ako." napamulagat ako sa sinabi niya at dali-daling binuksan ang f*******: ko nakita ko doon ang pag-Heart react ko doon. Mabilis kong tinanggal 'yon at tumingin kay Deion na tawa nang tawa. "Akala ko ba hindi mo ako bubwesitin?" walang ganang saad ko at lumingon sa pinto na parang may kumakatok. "Come in." I said. Pumasok ang secretary ni Daddy na si Brian na may kasunod na dalawang lalaki na may dalang mga White coupon band na alam kong 'yon ang mga papeles na kailangan permahan. "Ma'am Lizella, ito po ang iniwan na task ng Daddy niyo na gagawin niyo dito." napatango ako habang nakatingin sakaniya biglang tumapat ang tingin ko kay Deion na ang sama-sama ng tingin sa akin at kung kutsilyo 'yon siguro nasaksak na ako sa subrang talim. "Excuse me po, Ma'am." at sabay-sabay silang umalis at kaming dalawa na naman ang naiwan. "Bakit gan'yan ka kanina makatingin?"I asked him pero tanging lampas tingin lang ang ginawa niya bago tiningnan at binasa gamit ang mga mata niya. "Wala kabang trabaho, Deion?" tanong ko ulit. "Meron, actually may meeting ako..pero" tumingin siya saglit sa akin. "Pero ano?" "Pero pina-cancel ko na, mas importante kasi itong nakikita kong maganda." gusto kong ihampas 'yong lamesa sakaniya dahil ang baduy niya! Hindi parin mawala ang ngiti sa mga labi niya habang sinusubaybayan ang mga mukha ko."You're blushing, Baby."puksa niya. Napansin ko ngang umiinit ang pisnge ko sa hiya. Isa lang ang naisip kong solusyon para matigil na ang pag-init ng mukha ko ay ang pagpeperma ng mga documents na subrang dami. HINDI ko na siya pinansin pa no'n hanggang sa tumigil naman na siya at nagpasya na bumalik sa sofa at mangalikot nang mangalikot sa cellphone niya. Nakaw tingin lang ang ginagawa ko habang abala sa pagbabasa at pagpeperma. Minsan nama'y napapatingin siya sa gawi ko at napapangisi sa akin, hindi ko nalang iniinda 'yon at nagpatuloy nalang sa pagbabasa. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya kinuha ko 'yong baunan ko na may lamang Shanghai, kumuha ako ng isa nang may kamay na dumukot sa baunan ko at nakakuha ng isang Shanghai. "Hoy! Akin na 'yan."Tumayo ako at pilit na inaabot sakaniya ang Shanghai ngunit naisubo na niya. "Favorite ko 'to kaya sorry ka, Kaya kung pwede pahingi ako." Nagtaka ako bigla sa inasta niya. "Pati favorite ko, Favorite mo rin?!" nasapo ko ang noo ko at bumalik sa pagkakaupo. Nilagay ko ang baunan ko sa gitna habang ang documents ay nasa kamay ko. Salubong ang kilay ko habang ngumunguya ng nakatingin sakaniya na sarap na sarap sa Shanghai na ibinaon sa akin ni Mommy. "Ang sarap naman nito, Sinong nagluto?"Nakangiting tanong niya. Ngayon ko lang siyang nakitang naging isip-tanga este bata dahil sa Shanghai. "Ang Mommy ko."sagot ko.. "Mommy natin.."inambahan ko siya ng suntok na ikinahalakhak niya. "The more you hate, The more you love, So love muna ako." he winked at me. "Ang kapal mo!" singhal ko. Ngumiti siya."You make me happy today." Hindi ko maintindihan kong bakit bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. Napapasaya ko siya? "Lagi ka namang masaya, ah."Binitawan ko ang hawak kong ballpen at tumingin sakaniya. "No, Masaya lang ako pag-napapatawa ako ni Gabriella siya lang nakakagawa no'n noon...but now noong dumating ka at nakilala kita,for the first na nakaharap ko ang anak ng mga Del Carpio. Maganda ka at hindi ko inaasahan na sa unang pagkikita natin doon ulit ako sumaya, sumaya ako dahil sa simpleng ngiti mo. Sumasaya ako Lizella pag nakikita kitang nakangiti. 'Yon ang kaligayahan ko ngayon. That's why I'm here." Tila nahinto lahat ng sabihin niya ang mga katagang 'yon. "Hindi ko alam na may napapasaya pala ako na isang tao." Dinaan ko nalang sa tawa kahit parang naluluha ako kasi may napapasaya ako. "Yes, may napapasaya ka at ako 'yon. Everytime na makikita kita pakiramdam ko nabubuo araw ko, pakiramdam ko ikaw 'yong mundo ko na sayo lang umiikot ang lahat..ikaw 'yong ARAW ko na nagbibigay liwanag sa madilim kong mundo at ako naman ang BUWAN mo na babantayan ka sa gabi." Hindi ko alam kung bakit iba ang dating sa akin ng mga sinabi niya ngayon. Parang lahat ng binibigkas niya ay may hugot. Hindi ko nga alam kung saan niya nakukuha 'yan pero para sa akin puno ng hugot lahat ng binibitawan niyang salita. Hindi ko alam, Hindi ko talaga alam ang irereak ko sa nangyayari. Napasaya ko lang siya pero iba na eh! "Kung saan ka masaya,eh doon ka." "You mean dyan ako sayo?" Sumilay na naman ang ngisi sa labi niya. "Bwesit! Magtatrabaho na ako, umuwi kana nga."Pagtataboy ko sakaniya. Pero hindi siya tumayo na natili lang siyang nakaupo habang ang mga kamay niya ay nasa baba niya at tinititigan ako na ikinaiilang ko. Hanggang sa matapos ako sa mga ginagawa ko at magdilim na ay andyan parin siya, nakatingin na parang hindi nagsasawa sa mukha ko. "6pm na Deion, hindi kapa umuuwi." pagod kong ani. "Paano ako uuwi? Eh hindi kapa tapos, alangan namang iwan kita mag-isa dito. Hindi ko ata kaya 'yon." "Ano?!' Humalakhak siya. "Wala sabi ko halika na at hinihintay kana ng driver mo sa labas." Bigla ko na naman naalala ang kaninang nakakahiya. Arghh! "May problema ba?" umiling lang ako bago tumayo at iniligpit ang mga gamit ko. "Halika na." yaya ko at nagsimulang maglakad. Nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng opisina ni Daddy. Kunti nalang ang tao sa baba nang pababa na kami ng hagdan. Nakatingin silang lahat saamin lalo't sa kamay namin na magkasuklob. Pinipilit kong tanggalin ngunit lalo niyang hinigpitan at nilapit pa ako sa katawan niya. Napapikit ako ng marahan. 'Pag nalaman ni Daddy ito mapapagalitan na naman ako!' "H'wag mo silang pansinin, hayaan mo silang mag-isip ng kung ano dahil ang iisipin nila ay balang araw magiging totoo." Naramdaman ko ang labi niyang humalik sa tenga ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD