Kabanata 6 : Seduction

1745 Words

Hindi mapakali si Yohan ng mapasilip siya sa kaniyang phone screen at paulit-ulit siyang tinatawagan ni Feya. Kasalukuyan kasing katabi niya si Hadiya sa sofa habang nakasandal ang ulo nito sa kaniyang balikat. "Sagutin mo na baka importante 'yan." Ani ng asawa niya. "Sige sandali lang, hon." Kaagad naman siyang napatayo at nagtungo sa may hardin. Samantalang nakamasid naman si Hadiya habang kinakausap niya si Feya sa kabilang linya. Bigla naman umupo sa tabi niya si Baron at may hawak itong isang baso ng kape. "Sigurado ka bang bussiness call lang 'yon?" usisa ng binata. "May tiwala ako sa asawa ko." Sagot niya. "Wow! kahit sabihin ko pa sa'yong niloloko ka lang n'ya?" ang sabi niya tapos tumingin ito kay Hadiya. "Lalaki lang din siya kagaya mo. Hindi naman maiiwasan 'yon, hindi ba?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD