bc

My Wife's Secret Identity (Tagalog)

book_age18+
5.7K
FOLLOW
36.0K
READ
spy/agent
mafia
tragedy
mystery
secrets
crime
multiple personality
affair
wife
seductive
like
intro-logo
Blurb

๐๐จ ๐จ๐ง๐ž ๐ค๐ง๐จ๐ฐ๐ฌ ๐ฐ๐ก๐จ ๐ซ๐ž๐š๐ฅ๐ฅ๐ฒ ๐ฌ๐ก๐ž ๐ข๐ฌ. ๐๐จ ๐จ๐ง๐ž ๐ค๐ง๐จ๐ฐ๐ฌ ๐ก๐ž๐ซ ๐๐š๐ซ๐ค ๐ฌ๐ž๐œ๐ซ๐ž๐ญ๐ฌ. ๐’๐ก๐ž ๐ญ๐จ๐จ๐ค ๐ซ๐ข๐ฌ๐ค๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฅ๐ข๐Ÿ๐ž ๐ฌ๐ก๐ž ๐ฐ๐š๐ง๐ญ๐ž๐. ๐€๐ง๐ ๐ฌ๐ก๐ž ๐๐ข๐ ๐ง๐จ๐ญ ๐Ÿ๐š๐ข๐ฅ ๐›๐ž๐œ๐š๐ฎ๐ฌ๐ž ๐ฌ๐ก๐ž ๐ซ๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ ๐ก๐ž๐ซ ๐๐ซ๐ž๐š๐ฆ๐ฌ. ๐๐ฎ๐ญ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฉ๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ž ๐š๐ง๐ ๐ฌ๐ฆ๐ข๐ฅ๐ž ๐จ๐ง ๐ก๐ž๐ซ ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฌ ๐ฐ๐š๐ฌ ๐จ๐ง๐ฅ๐ฒ ๐ญ๐ž๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐š๐ซ๐ฒ. ๐’๐ก๐ž ๐ญ๐ก๐จ๐ฎ๐ ๐ก๐ญ ๐ฌ๐ก๐ž ๐ฐ๐จ๐ฎ๐ฅ๐ ๐›๐ž ๐ก๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐Ÿ๐จ๐ซ๐ž๐ฏ๐ž๐ซ. ๐€๐ง๐ ๐ฌ๐ก๐ž ๐ญ๐ก๐จ๐ฎ๐ ๐ก๐ญ ๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ž ๐ฐ๐š๐ฌ ๐ง๐จ ๐ฌ๐ž๐œ๐ซ๐ž๐ญ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐œ๐จ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ง๐จ๐ญ ๐›๐ž ๐ซ๐ž๐ฏ๐ž๐š๐ฅ๐ž๐.

๐”๐ง๐ญ๐ข๐ฅ ๐ก๐ž ๐Ÿ๐จ๐ฎ๐ง๐ ๐จ๐ฎ๐ญ.

๐‡๐ข๐ฌ ๐–๐ข๐Ÿ๐ž'๐ฌ ๐’๐ž๐œ๐ซ๐ž๐ญ ๐ˆ๐๐ž๐ง๐ญ๐ข๐ญ๐ฒ.

chap-preview
Free preview
The Beginning
May malakas na patak ng ulan noong araw na iyon. May hawak akong itim na payong habang naglalakad sa basa at maputik na kalsada. Isa, dalawa, tatlo, apat at sa ikalimang hakbang ko ay biglang hinawakan ng babae ang payong ko. Laking gulat ko nang makita ko siya, pero mas lalo akong namangha nang makita ko ang kagandahan niya. Parang nabihag niya 'agad ang puso ko noong una kaming magkita. Sapagkat siya ay isang anghel sa langit na may nagniningning na liwanag sa kagandahan. "I love you," ang salitang biglang nasambit sa aking bibig habang nakatitig pa rin ako sa kaniyang mga mata. "Ano?" nagtataka naman niyang sabi. Nagising ang diwa ko nang mapagtanto ko ang nakakahiyang sinabi ko sa harapan niya. Kaya iniwan ko ang payong ko sa kaniya at tumakbo ako papalayo. Makalipas ang dalawang linggo, muling nagtagpo ang landas namin. Ipinakilala siya ng aming guro bilang bagong estudyante sa aming paaralan. Hindi ako makapaniwala na magiging kaklase ko ang babaeng unang nagpatibok sa aking puso. Hadiya daw ang pangalan niya at simula noong araw na iyon ay sumikat na ang pangalan niya sa buong campus namin. Halos araw-araw ay dinadalaw siya ng kaniyang mga manliligaw sa silid-aralan at nag-aalok ng iba't ibang bagay. Madalas din siyang pinagkakaguluhan at pinag-aawayan ng mga lalaki. Halos daig pa niya ang isang sikat na artista sa dami ng kaniyang mga tagasuporta at tagahanga. Kahit mukha siyang bituin sa langit na mahirap sungkitin ay handa pa rin akong umakyat sa langit para siya ay mapasaakin. Kahit ito pa ay napakaimposible ring mangyari. Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ang ligawan siya at ipagtapat sa kaniya ang tunay kong nararadaman, kahit alam kong hindi ako bagay sa isang maladiyosang katulad niya. Kaya naman, ipinangako ko sa aking sarili na kahit anong sabihin niya o kung ano man ang magiging resulta, taimtim kong tatanggapin. "Ma ... may gusto akong sabihin sa iyo, Hadiya." Nanginginig pa ang boses ko sa sobrang kaba at hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. "Ikaw? (tinuro niya ako) naaalala na kita! hindi ba't ikaw ang lalaking nag-iwan sa akin ng payong? sandali lang." Pagkasabi niya nun, parang may kinalkal siya sa loob ng bag niya. Medyo nakaramdam ako ng saya dahil natatandaan pa rin niya ako kahit saglit lang kaming nagkita noong araw na iyon. "O yung payong mo!" sabay hinagis ang payong sa akin. "Alam mo ba kung ano ang pinaka-ayaw ko sa lahat? ang magbitbit ng mabigat na bagay sa loob ng bag ko at ang payong mo 'yon!" nagulat ako sa naging reaksyon ng mukha niya. Parang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Doon ako nasiraan ng kumpiyansa sa aking sarili, kaya umalis na lang ako at hindi na itinuloy ang plano kong pagtatapat sa kaniya. Kinabukasan, habang naglalakad ako sa hallway ng school namin, laking gulat ko ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Mariin niyang ipinatong ang isang kamay niya sa dingding at hinarangan ako. Sinubukan kong iwasan siya pero napaatras ako at napasandal sa pader. "Ikaw pala, Hadiya." sabay napalunok ako ng laway sa sobrang kaba. "Ikaw si Yohan Martinez, hindi ba? may nakalimutan kang sabihin sa akin kahapon, pero bigla kang umalis. Anong gusto mong sabihin?" tanong niya habang nakayuko lang ako at umiiwas ng tingin sa kaniya. "Huh? wala-wala. wala talaga!" Nauutal kong sabi sa kaniya, at bigla niyang itinaas ang isang braso niya sabay lagay din niya sa dingding at inilapit din ang mukha niya sa mukha ko. "Gusto mo ba ako? tinatanong kita, gusto mo ba ako?" agresibo nitong tanong sa akin. Bigla akong tumingala at napansin kong sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko na halos ramdam ko na ang paghinga niya. Pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko. Para akong bato na tumigas sa harapan niya at hindi makapagsalita. Napansin ko rin na lahat ng tao sa paligid namin ay nag-uusap at nakatingin sa amin. Pero parang hindi pa rin iyon big deal para sa kaniya. "Sige, ganito na lang. Simula ngayon, hindi ka na puwedeng tumingin sa ibang babae maliban sa akin. Dahil simula ngayon, akin ka na. Naiintindihan mo ba iyon?" gumuhit ang ngiti sa labi niya sabay kurot sa pisngi ko. Pagkatapos non ay umalis na siya habang ako nakatulala pa rin at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Seryoso ba siya? gusto niya ba talaga ako? Ang paulit-ulit kong tinatanong sa aking sarili. Pero bakit? bakit ako? ano ang nagustuhan niya sa isang wirdong katulad ko? Simula noong araw na iyon ay naging tampulan na kami ng tsismis at tukso sa buong campus. May mga sumisigaw sa tuwing dadaan kami o 'di kaya'y may nang-aasar, nanunulak sa akin at mayroon ding naiinis o nagagalit sa naging relasyon namin ni Hadiya. May iba pang gumagamit ng pisara para magsulat ng mga masasakit na salita tungkol sa aming dalawa. O kaya naman may nagdidikit ng litrato naming dalawa sa kung saan, tapos yung parte ng mukha ko lang ang bababuyin nila. Pero lahat ng iyon ay tiniis at tinanggap ko. Kahit na madalas nilang sabihin na baka binigyan ko siya ng gayuma o pinakulam sa mangkukulam. Hindi ko na kayang umatras dahil mahal ko na siya. Mahal na mahal ko na siya noong araw na sinabi niya sa akin na mahal niya rin ako. Kaya kahit mahirap, pinanindigan ko ang pagmamahal ko para sa kaniya. Masayang masaya ako! ito ang aking hindi malilimutang araw kailanman. Masaya akong humilata sa kama habang mahigpit ang pagkakayakap sa aking unan. Napakagaan ng aking pakiramdam na para akong nakalutang sa mga ulap. Ganito ba ang pakiramdam kapag in love ka? Sobrang saya lang at ang sarap pala sa pakiramdam. *** Lumipas ang maraming araw, linggo at buwan ay patuloy pa rin naming pinaglalaban ang relasyong mayroon kaming dalawa. Hindi kami karaniwang nagtatalo o nag-aaway, ngunit palagi naming isinasaalang-alang ang sitwasyon ng isa't isa. May nagsasabi pa nga na hindi raw normal sa isang relasyon ang hindi mag-away o makipagtalo ng madalas. Pero para sa amin ni Hadiya, mas komportable kami sa relasyong ito. Tahimik at walang pakialam sa mga problema. Kaya naman mas minahal p namin lalo ang isa't isa. Hanggang sa napag-usapan na naming dalawa ang tungkol sa pagbubuo at pagsisimula ng sarili naming pamilya. At hindi nagtagal, kaming dalawa ay nagsama na at ikinasal sa simbahan ng masaya. Naging maganda at maayos naman pagsasama naming dalawa bilang mag-asawa. Palagi kong nararamdaman na ako ang pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo. Dahil ang babaeng pinapangarap ko lang noon ay asawa ko na ngayon. Halos wala na akong ibang mahihiling pa kun'di ang makasama siya hanggang sa pagtanda naming dalawa. Pero, ang lahat ng iyon ay palabas lamang pala. Dumating ang panahon na hindi ko inaasahan na mangyayari sa buhay naming mag-asawa. Ito ang aming espesyal na araw, ang ikapitong taong anibersaryo ng aming kasal at pagsasama. Umalis ako kaagad sa aking opisina upang makauwi ako ng maaga at binabalak ko sanang surpresahin siya sa araw na ito. Pero hindi ko inaasahan na magugulat ako sa aking nakita at narinig. Nang makarating ako sa tapat ng pintuan namin, napansin ko kaagad ang itim na sapatos ng isang lalaki. Ito ay may sukat na 6.5 at 25.5 ang haba, na kahalintulad ng sukat ng aking paa, ngunit hindi ko pagmamay-ari ang sapatos na iyon. Ito ay galing mula sa ibang lalaki. Bigla akong kinutuban at kinabahan ng sobra. Bawat paghakbang ay katumbas ng pagpatak ng pawis mula sa aking noo. Dinahan-dahan ko ang aking paglalakad at siniguro kong hindi ako makakagawa ng kahit ano mang ingay. Nang makapasok ako sa pintuan bigla akong nahinto at nagulat. Napayuko ako at napakuyom ng mahigpit sa aking kamao. Parang gusto kong sumigaw at umiyak ngayon ngunit hindi ko magawa. Hanggang sa narinig ko pa muli ang pag-uusapn nilang dalawa. Hindi ako makapaniwala, totoo ba talaga itong naririnig ko sa kanila ngayon? Does my wife really cheating on me? Ang tanong na biglang sumagi sa isipan ko habang nakapikit ang mga mata ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook