Kabanata 2 : (Yohan's Pov)

1801 Words
Enero 06, 2021; 2:05 am, natigilan ako at nalaman kong wala na ang asawa ko sa aking tabi. Nag Cr ba siya? tanong ko sa aking sarili. Bumangon ako sa kama nang maramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko. At saka, bumaba ako saglit at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Halos pikit pa ang kaliwang mata ko habang binubuksan ang repridyeretor. Kaagad kong kinuha ang unang pitsel na nakita ko at tinanggal ang takip. Halos maubos ko na ang laman nito sa sobrang uhaw. Hanggang sa bigla kong narinig na parang may nagbukas ng pinto namin. Bigla akong kinabahan kaya naghanap kaagad ako ng sandatang puwede kong ipanghampas sakaling may magnanakaw ngang pumasok sa aming bahay. Ang kutsilyo ang unang pumukaw sa aking paningin ngunit hindi ko kayang pumatay ng tao, kaya kumuha na lang ako ng walis tambo. Hinawakan ko ito ng mahigpit habang dahan-dahan akong naglakad patungo sa sala. Kahit natatakot at nanginginig ang buo kong katawan ay pinilit kong maging matapang. Lakas loob pa rin akong lumapit sa direksyon niya. Narinig ko ang mabibigat niyang yabag at nakita ko rin ang anino niya mula sa pintuan. Habang naramdaman kong palapit siya ng palapit sa akin, mas lalong lumalakas ang kaba sa aking dibdib. Nagtago ako sa isang sulok at binabalak kong hampasin siya ng malakas sa ulo 'tulad ng mga napanood ko sa pelikula. Isa, dalawa, tatlo at sa pang-apat na bilang ko ay bigla siyang huminto sa harapan ko. Nililibot niya ng tingin ang buong sala at parang may hinahanap. Akala ko ito na ang pagkakataon ko para hampasin siya ng malakas hanggang sa mapatumba ko siya, pero pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa at pabalik. Napansin kong nakasuot siya ng itim na kapote at maputik ang kaniyang ilalim. Nakaboteng itim siya at may bitbit na matulis na bagay sa kanang kamay. Ano yan? kutsilyo ba yan? ngunit ito ay masyadong malaki kung isa nga'ng uri ng kutsilyo. Lumapit ako ng kaunti para mas matingnan ang bagay na hawak niya sa kanang kamay niya. Teka? isa ba 'yang kalaykay? Nanlaki ang mga mata ko at napaatras ako nang makumpirma kong isa nga iyong uri ng kalaykay. Napansin ko rin na parang may tumutulo sa bagay na iyon. Kaya muli ko itong tiningnan at pinagmasdan, hanggang sa napatakip ako sa aking bibig nang matuklasan ko na ang tumutulo mula sa bagay na hawak niya ay sariwang dugo. Du … Dudugo? ibig sabihin, pumatay muna siya ng tao bago siya pumunta dito sa bahay ko? Pero bakit? ano ang layunin niya para sa aming mag-asawa? Ang paglalayag ko sa aking isipan. Napalunok ako ng malalim sa takot, ngunit kailangan ko pa ring maging matapang para sa aking asawa. Kung hindi, baka ito na ang huling sandali namin ng asawa ko sa mundong ito. Hindi ko na pinalampas ang isa pang pagkakataon, kaya agad ko siyang hinampas ng malakas sa ulo niya. Pero parang hindi siya natinag nung pinalo ko siya. Napahawak na lang siya sa ulo niya at lumingon sa akin. Napaatras ako at sinubukan ulit siyang hampasin ng malakas, pero nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang walis tambo na hawak ko. Hindi ko maigalaw ang dalawang kamay ko dahil mas malakas siya sa akin. Hinatak niya ang walis tambo, ngunit mabilis ko itong binitawan. Napaatras ulit ako habang binabato ko siya ng bawat bagay na mahahanap ko. Hanggang sa bigla nalang siyang lumapit sa akin at sinakal ako ng mahigpit sa leeg. Sinusubukan kong labanan siya. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa leeg ko, pero mas hinigpitan niya pa iyon at unti-unti akong nauubusan ng hangin sa katawan ko. Nang biglang pumukaw sa atensyon ko yung flower vase na malapit sa aming dalawa. Sinubukan kong abutin iyon saka ko ito sinampal sa mukha niya. Kaagad siyang napabitaw sa akin at tinadyakan ko siya ng sobrang lakas sa tiyan habang hawak niya ang mukha niya. Tumakbo ako patungo sa hagdan para umakyat sa aking asawa at protektahan siya sa itaas. Pero laking gulat ko ng bigla niya akong hilahin sa damit ko at kinaladkad pabalik sa sala. Hinubad ko ang damit na suot ko para makatakas ako sa kaniya ngunit kaagad din niya akong naabutan at hinigit sa aking buhok. Kumapa ako sa paligid at nagbabakasaling makahanap ako ng bagay na puwedeng ipanghampas sa kaniya. Subalit natigilan na lamang ako nang mapatingin ako sa kanang kamay niya. Nakasuot siya ng itim na guwantes at may hawak siyang kalaykay. Napatingin ulit ako sa mukha niya, pero wala akong makita kun'di ang itim na maskara na suot niya sa bibig. Natumba ako sa sahig nang hampasin niya ako sa ulo gamit ang bagay na iyon. Unti-unting nanlalabo ang mga paningin ko at parang umiikot ang bawat bagay sa aking paligid. Gumapang ako sa hagdan pero hinila niya ulit ako sa paa ko, pabalik sa sala. Hindi na ako nakalaban pa o nakabangon man lang, dahil paulit-ulit niya akong sinisipa sa iba't ibang bahagi ng aking katawan. Ang huling natatandaan ko ay ang pag-akyat niya sa hagdan bago ako tuluyang nawalan ng malay. Pagsapit ng kinaumagahan, pagkagising ko natagpuan ko ang aking sa loob ng kuwarto naming mag-asawa. Hadiya! siya kaagad ang unang pumasok sa isipan ko. Kaya naman, agad akong bumangon sa kama upang hanapin siya. “Hadiya, Hadiya! asawa ko!" sigaw ko habang hinahanap siya sa kabuuan ng kuwarto namin at nagmamadaling bumaba ng hagdan. “Had!-” napatigil lang ako nang matagpuan ko siya sa kusina at abala sa pagluluto ng aming almusal. “O bakit hon? hinahanap mo yata ako? may kailangan ka ba?" Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Lumapit lang ako sa kaniya at hinawakan ang pisngi niya. "Bakit? ano ang problema, mahal ko? hindi ba maganda ang naging panaginip mo kagabi?" para akong nabunutan ng tinik sa dibdib habang tinititigan ko ang mga mata niya at nakumpirma na hindi ito panaginip lang. Nagpapasalamat ako sa itaas dahil walang nangyaring masama sa aming dalawa at ang buong pangyayari kagabi ay panaginip ko lang pala. Niyaya ko na lang siyang mag-almusal at hindi sinabi sa kaniya ang tungkol sa panaginip ko. Mas pinili ko na huwag sirain ang magandang araw niya o puspusan siya ng labis na takot. Kaya, mas pinili kong itago na lang ito sa kaniya. I just acted like i normal do. Pero kahit anong pilit kong kalimutan ang nangyari, parang hindi pa rin mawala sa isipan ko. Pakiramdam ko, nangyari talaga ang lahat at hindi panaginip lang. Bigla kong napansin na may nakadikit na benda sa isang daliri ko. Kailan ko inilapat ang bendahe na ito? at saan ko nakuha ang sugat sa daliri ko? pagtataka ko mula sa aking isipan. “Love!” Hindi ko namalayan na kanina pa pala niya ako tinatawag. Kanina pa kasi naglalayag ang isipan ko sa mga nangyari mula sa panaginip. “Huh? So-sorry, mahal. Medyo inaantok pa yata ako.” Ang sinabi ko na lang sa kaniya at hindi ko na lang pinansin ang daliri kong iyon. “Pero mahal, anong oras na? hindi ka pa ba male-late sa trabaho?” “Huh?” saglit akong napatingin sa wall clock namin at nagmadaling pumunta sa banyo para maghanda para pumasok sa trabaho. Nawala rin sa isip ko na may trabaho nga pala ako. Kaya lang pati yung mga kailangan kong ihanda ay nakalimutan ko na ring kunin. “Honey, iwan ko na lang sa harap ng pinto mo ang isusuot mo, okay?” aniya. "Salamat mahal!" sabi ko sa kaniya, habang nagmamadali akong mag-shampoo ng buhok. “Aray!” napadaing ako ng malakas nang maramdaman ko ang pananakit ng likod ko. Pero hindi ko na lang ito pinansin at pinagpatuloy ang aking pagligo. Wala pang kalahating oras ay natapos na ako. Kaagad kong kinuha ang damit na inihanda ni misis sa pinto kanina. Pagkatapos ay nagbihis na ako at nagmamadaling nagsuklay, pagkatapos ay kinuha ko na ang sling leather bag ko at sinabit sa aking balikat. "Mahal alis na ako!" sigaw ko habang pababa ng hagdan. Napansin kong wala siya sa sala pati sa kusina. Saan kaya siya nagpunta? Nilibot ko ang bawat sulok ng bahay, ngunit hindi ko pa rin siya mahanap. “Mahal! mahal aalis na ako!” nagtataka pa rin ako dahil walang sumasagot. Kaya naman, naisipan kong pumunta sa bakuran at sana ay doon ko na lang siya makikita at dinidiligan ang kaniyang mga halaman. “Mahal, aalis na ako.” Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakita ko rin na wala siya roon. Kaya naisipan kong bumalik na lang sa loob, pero biglang may nakakuha ng atensyon ko. Napansin ko kasing nakatagilid ang isang palayok ng halaman niya kaya nilapitan ko ito para ayusin. Ngunit tumatagilid pa rin ito at patuloy lang na nahuhulog sa bawat pagtatayo nito. Napagtanto ko rin na ang dahilan kung bakit ito tumagilid ay dahil sa matambok na lupang kinalalagyan nito. Inalis ko saglit ang paso, saka ko tinapakan ang lupa para lumubog ito sa ilalim. Pero nagtataka pa rin ako kung bakit hindi pa rin natatanggal ang pagkakaumbok at parang may matigas na bagay sa ilalim nito. Pinagmasdan ko itong mabuti at sigurado akong hindi lang malaking bato ang nakabaon doon dahil parang hinukay at muling binaon ang lupa. Iniisip ko kung ano ang nakatago sa lupang iyon. Kaya kaagad akong naghanap ng puwedeng gamitin na panghuhukay doon. Pero nagulat na lang ako ng biglang sumulpot si Hadiya sa harapan ko. "Honey, nandito ka lang pala. Akala ko nakaalis ka na." Sabi niya at parang inaagaw ang atensyon ko doon sa lupa. "Saan ka galing? kanina pa kita hinahanap." ang sinabi ko na lang sa kaniya. Ipinatong ko ang braso ko sa balikat niya at niyaya ko siya pumasok ng bahay kahit nakasilip pa rin ako sa lupa. Simula noong araw na iyon ay naghinala na ako sa aking asawa. Anong sikreto ang tinatago niya sa akin? bulong ko sa isipan ko. Pakiramdam ko tuloy ay may itinatago siya sa akin na ayaw niyang malaman ko. *** FLASH NEWS "Kakapasok pa lang ng balita. Isang lalaki ang natagpuan sa malalim na bangin na sinasabing nasa trenta anyos at nakasuot ng itim na kapote. Nagtamo ito ng maraming galos sa iba't-ibang bahagi ng katawan at nagkalasog-lasog naman ang kaniyang mga buto dahil sa lalim ng banging pinaghulugan nito. Ang mga awtoridad ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ukol dito. Inaalam pa rin nila ang pagkakakilanlan ng biktima at sinasabing maaaring isa itong homicide o isa pang kaso ng pagpatay, dahil may namataan silang malalim na sugat mula sa ulo nito. Isa ring kahina-hinala sa kanila ang kapares nitong sapatos na magpahanggang ngayon ay hinahanap pa rin ng mga awtoridad, ito raw ay maaaring magsilbing ebidensya sa nasabing krimen o magkapagtukoy sa nangyaring insidente." -Reporter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD