“Dito ka lang sa tabi ko, baby. Bakit ka ba nagmamadaling umalis?” ang wika ni Feya kay Yohan, sabay yakap ng mahigpit sa likuran nito habang nagmamadali naman nitong isinusuot ang pares ng sapatos niya.
"Alam ng asawa ko ang oras ng pagpasok ko at pag-uwi mula sa trabaho. At baka pagdudahan na niya tayo kapag umuwi na naman ako ng late sa bahay." Pagkasabi niya nun ay kaagad siyang bumangon sa kama at isinuot ang puti niyang polo.
“Pero mahigit apat na taon na tayong ganito! At nangako ka sa akin noon na hihiwalayan mo na ang asawa mo.” Bigla niyang hinalikan sa labi ang dalaga habang nakapatong ang dalawang braso nito sa balikat niya.
“Hindi ba't sinabi ko naman sa'yo noon na maghintay ka lang at magkakaroon din tayo ng kalayaang dalawa." Ang tinugon ni Yohan sa kaniya. Bigla namang sumimangot ang mukha ng dalaga at napaupo ito sa kaniyang kama.
“Lagi kang ganyan! pero wala kang ginagawa at hanggang ngayon, takot ka pa ring makipaghiwalay sa asawa mo!” galit niyang sinambit. Hindi na siya pinansin ng ginoo at pumunta na lang ito sa tapat ng pinto.
"Tatawagan na lang kita mamaya." Lalabas na sana siya ng pinto nang magsalita ulit ang dalaga.
"Sa oras na lumabas ka sa pintuan na iyan, asahan mong hindi ka na makakabalik pa rito dahil tapos na ang lahat sa ating dalawa." Saglit siyang napabitaw sa seradura ng pinto at lumingon siya kay Feya.
“Baby,” nilapitan siya nito at umupo sa kama habang sinusuyo ang dalagang nagtatampo.
“Seryoso ako sayo Yohan, kaya kung gagawin mo lang akong past-time mo mabuti pang maghiwalay na lang tayo.” Pagkasabi nun ay bigla siyang tumayo at lumapit sa bintana.
Si Yohan naman ay sumunod sa kaniya at yumakap sa bandang likuran nito.
“I'm sorry kung matatagalan ang pagtupad ko sa mga ipinangako ko sa iyo. Bigyan mo pa ako ng dalawang linggo, para makaisip ako ng mas madaling paraan para makipaghiwalay sa kaniya. Sayang naman kung iiwan ko lang 'yon na wala akong nakukuhang mana sa kaniya hindi ba?“ Bulong niya at hinalikan niya ito sa leeg. Matapos marinig ng dalaga ang sinabi nito ay humarap ito kay Yohan at hinawakan ang magkabilang pisngi ng ginoo.
“Alam mo kung gaano kita pinagkakatiwalaan at dahil mahal na mahal kita. So, I can't afford to share your time with her, i just want you to be with me all the time.” Sabi niya at biglang sinakop siya ng mainit na halik ni Yohan sa labi niya at kaagad namang tinugon ni Feya ang halik niya sa kaniya.
Pareho silang umikot at nagpalitan ng pwesto habang nagmamadaling hinuhubaran ang isa't isa.
Inihiga niya ang dalaga sa kama at muli itong hinalikan mula leeg pababa sa kaniyang dibdib.
Samantala, hindi niya namalayan na tumutunog ang kaniyang cellphone at tumatawag ang kaniyang asawang si Hadiya.
"Mahal kita, Yohan." Saad ng dalaga sa tenga niya na ikinangiti naman nito.
"Mas mahal kita, Feya." Tugon ni Yohan.
***
(F E Y A T R I C E - G A B R I E L L E)
“Pinagnanasaan kita. Wala akong karapatang gustuhin ka, pero inabot ko at kinuha ka pa rin. At ngayon tingnan mo kung ano ang nangyari sa iyo, sinusubukan mong akitin ang isang bampira." Mula sa aklat na Twilight na isinulat ni Stephanie Meyer.
Kung si Bella nga ay nahulog sa isang bampirang katulad ni Edward Cullen, ako namang isang BS Culinary graduate at mula sa isang relihiyosong pamilya ay nahulog sa isang lalaking may asawa na.
Nagsimula kami sa pagiging stranger, siyempre. Hanggang sa naisipan kong mag-apply sa isang Filipino-cuisine restaurant.
“Ako si Feyatrice Gabrielle, twenty-three years old.” Sobra akong kinakabahan ng mga sandaling iyon. Hindi ako mapakali at tumutulo ang pawis ko mula sa noo.
"Gusto mo ba ng tubig?" napaangat ako ng tingin sa nagsalita at napatingin sa bote ng tubig na inaalay niya sa akin.
"Salamat." Nanginginig pa ang boses ko at kaagad kong ininom ang tubig.
Narinig kong ngumisi siya kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Nang dahil doon ay parang nawala ang kaba sa aking dibdib pero bumibilis naman ang t***k ng aking puso.
Napaisip tuloy ako sa aking sarili, kung bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya?
Sumagi rin sa isipan ko na baka siya na ang taong nakatadhana para sa akin?
Halos naisip ko pa na kung papatulan ko ba siya, magkakatuluyan kaya kaming dalawa?
Kalaunan ay natanggap din ako sa trabahong inaplayan ko bilang assistant manager. Isa pa, nalaman ko rin na ang lalaking nag-alok sa akin ng tubig noong interview ay si Mr. Yohan Martinez, ang may-ari ng restaurant na ito.
Hindi lang iyon, nabalitaan ko rin na may asawa na siya. At take note, hindi lang siya basta asawa kun'di isang loyal na asawa.
Kaya hindi kataka-taka na may naiinggit sa kanilang dalawa at isa na ako roon.
Nadismaya ako nang malaman ko ang tungkol sa kaniya. Pumunta ako sa kumbento at paulit-ulit na humihingi ng tawad dahil mali ang umibig ako sa lalaking may asawa. Kaya naman mas pinili kong iwasan siya at pilit siyang binura sa isipan at damdamin ko.
Nakilala ko ang kaniyang asawa at masasabi kong nangingibabaw ang kaniyang kagandahan sa liwanag ng araw. Maaliwalas ang kaniyang aura at tila mas maganda siya lalo sa malapitan. Makikita mo talaga sa mga mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Bagay sila, at hindi maikakaila na sila ay isang halimbawa ng perpektong pagmamahalan ng mag-asawa.
Iyon din ang dahilan kung bakit nakakaramdam ako ng selos, hinagpis at kalungkutan sa aking sarili. Alam kong hindi ito ang dapat kong maramdaman.
Pero parang may nagpipilit sa isipan ko na bihagin ko ang puso niya at agawin siya sa asawa niya.
Hanggang sa dumating ang isang araw na kinatatakutan kong mangyari.
Disyembre 31, 2017. Ang team building namin ay ginanap sa isang beach resort, habang nagpabook si sir. Yohan sa isang luxury hotel para sa pansamantalang matutuluyan ng buong staff.
Sumama siya sa amin nang mag-isa siya. Para malinawan, sumama siya sa amin na wala ang asawa niya.
Sinabi lang niya na hindi maganda ang pakiramdam ng kaniyang asawa. Kaya naman, napagdesisyunan niyang magpahinga muna sa bahay nila.
“Feya! umupo ka na lang dito sa harap." Nagulat ako ng bigla niya akong tinawag at pinaupo sa tabi niya at umupo ako sa tabi niya ng magdamag sa loob ng kotse niya.
Ang sarap at napagaan sa pakiramdam na kasama mo ang taong mahal mo at nakikita siya ng malapitan.
Lalo na nang makapareha ko siya sa isang larong na pinagkukuluan ng mga katrabaho ko. Noong una ay parang naiilang pa kami sa isa't isa. Siguro dahil hindi naman kami madalas nagkakausap o nagkapansinan.
Pero dahil pareho kaming desperado na manalo sa larong iyon ay lalo naming ginalingan at paunti-unti ay nagkakaroon ng closure sa aming dalawa.
Halos mapatalon ako, hinawakan ang kamay niya at niyakap nang malaman kong pareho kaming nanalo sa laro. Pero syempre, lumayo kaagad ako at umiwas sa kaniya. Mahirap na baka kasi may makapansin sa akin na gusto ko siya. Pagkatapos maglaro, umupo muna ako saglit para magpahinga.
Nagulat na lang ako ng lumapit siya sa akin. Ngumiti siya, tapos hinawakan niya ang kamay ko. Hinikayat niya akong sumali muli sa ilang laro. Natigilan ako ng hinawakan niya ang kamay ko. Natuwa at napangiti ako sa ginawa niya. Kaya naman hinawakan ko rin siya ng mahigpit sa kamay niya at sumunod lang ako sa gusto niyang mangyari. Lumingon siya sa akin at nakaramdam ako ng spark habang magkatitigan kaming dalawa.
Sa mga sandaling iyon, nararamdaman kong may gusto din siya sa akin. At doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang pagmamahal ko para sa kaniya.
Dumating na ang gabi, at halos pagod na ang katawan namin sa paglalaro. Kaya naisipan na lang naming maglaro habang nakaupo. At ang spin the bottle ang naisip nilang laruin.
Kung saan kapag tinamaan ka ng nguso ng bote, tatanungin ka nila ng mga hindi inaasahang tanong. At kung gusto mong iwasang sagutin ito, mayroon silang ilang mga utos o tagubilin na dapat mong sundin.
"Ma'am Feya!" sigaw nila nang tumapat sa akin ang bote.
“Pass!” pabirong sabi ko sa kanila na ikinadismaya nilang lahat.
“Huwag kang ganyan ma'am, Feya! walang ganoon sa larong ito!” reklamo nila kaya napilitan akong sumali.
“Okay, tara na! huwag niyo lang akong pahirapan sa mga itatanong niyo sa akin ha?” parang bigla akong kinabahan.
“Ako po ma'am! may tanong ako para sa iyo." sabay taas ng kamay ni Lanz.
"Sige Lanz."
“May boyfriend ka na ba?” tanong niya habang tinutulak pa siya ng mga katabi niya at parang mga batang kinikilig. Medyo tinagalan ko talaga ang pagsagot sa kaniya para mabitin sila. Pero napansin kong inaabangan talaga nila ang sagot ko.
"Sa totoo lang? hmm … hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend.” Pagkatapos nilang marinig ang sinabi ko ay parang nanlaki ang mga mata nila at hindi makapaniwala.
“Seryoso? hindi ka talaga nagbibiro ma'am? sa ganda mong iyan ay hindi ka pa nagkakaboyfriend?” ang sinabi ni Leon sa akin, ang gay flirtation ng dining.
Hindi ako sumagot at ngumiti na lang ako sa kanila. Nahihiya akong aminin na nbsb talaga ako or no boyfriend since birth.
"Ma'am, may tanong po ako sa inyo!" si Jana naman ang sumunod na nagtanong sa akin. Ang magandang cashier namin sa restaurant.
“Sige, Jana. Ano 'yon?”
“Napansin ko lang mula kanina na parang mas gumaganda po kayo. Naisip ko lang na baka may nagpapatibok na po sa puso niyo ngayon.” Pagkasabi niya nun, nagtawanan silang lahat at pakiramdam ko namula ang mukha ko sa kahihiyan.
"Si ma'am Feya ay may inspirasyon na!" sigaw nung isa. Yumuko na lang ako at uminom ng beer.
"Tingnan mo namumula siya!" pangungutya ng katabi ni Jana sa akin, pagkatapos ay nagtawanan na naman silang lahat.
“Hoy, tumigil na nga kayo. Ako na po ang magtatanong sa inyo ma'am, Feya.” Natigilan ako bigla sa iniinom kong beer nang marinig kong ang boses ni Leon.
Lalo akong kinabahan dahil may kutob ako na alam niya na may gusto ako kay sir. Yohan.
"Ma'am, bukas ang ilaw o patay?" sa unang tanong niya, napalunok kaagad ako.
“Huh? kailangan ko pa bang sagutin 'yan?" nauutal na sabi ko sa kaniya.
"Siyempre naman, kailangan mong sagutin ang tanong ko sa iyo. Kaya, ano po ang sagot niyo? Bukas ang ilaw o patay?"
“Sige, bu- bukas?” tapos bigla silang nagsihiyawan.
“Ssh, tahimik! next question po ma'am, chocolate, or s*x?”
“Huh? wait, chocs-” hindi na niya ako pinatapos magsalita at kaagad niyang pinalitan ang tanong.
“Susunod na tanong, Hotel o motel?"
Kahit anong itanong niya sa akin, pakiramdam ko tuloy ay nasa nasa Boy Agenda Tonight pa ako.
“Hotel?” tapos nagsihiyawan ulit sila.
“Exciting ba ma'am? ito ang susunod na tanong. Maskulado ba o gwapo?"
“Gwapo.” Ang mabilis kong sagot.
“O narinig niyon yun? gwapo daw ang type ni Ma'am Feya kaya 'yung mga ambisyosong palaka na nagkakagusto sa kaniya, maghanap na lang ng kamukha niyo! Next ma'am, romantic ba o nakakatawa?" muling tanong nito.
"Nakakatawa."
“Okay, ang susunod ay maputi o kayumanggi?"
“Hmm … moreno?”
“Mukhang hindi ka pa sigurado sa kulay niya ha? singkit na mata o fish eyes? i mean, mapungay ang mga mata?”
“Singkit na mga mata.”
"Nasa huling tanong na po tayo, ma'am Feya.”
Hindi pa pala tapos, ang buong akala ko ay tapos na siya magtanong sa akin. May panghuli pa pala.
"Kung ikaw ay isang kanta, anong pamagat ng kanta ang maglalarawan sa iyo?"
Sa puntong iyon, medyo natigilan ako sa tinanong niya. Tumingin ako saglit sa kanan ko, kung nasaan si sir. Yohan. Hindi ko maiwasang humanga sa kaniya sa tuwing nakikita ko siyang masayang nakangiti at tumatawa. Doon ko rin naisip ang isa sa mga kanta ni Taylor Swift na palagi ko ring pinapakinggan sa aking cellphone.
“Lover.” Ang tinugon ko sa kaniya.