"Naku, kawawa naman yung asawa niyang walang kaalam-alam sa mga pinaggagawang kalokahan ng mister niya! tsk tsk tsk!" ani ni Leon habang tutok na tutok sila sa panonood ng teleserye sa telebisyon.
"Huwag kang mag-alala, Leon. Dahil matutuklasan din 'yan nang asawa niya, sabi nga nila walang sikretong hindi nabubunyag." Ang sabi naman ni Baron na isang utility staff sa pinagtatrabauhang restaurant at pasimple siyang sumusulyap sa dalagang si Feya, na kasalukuyang nakatingin rin pala sa kaniya.
"Bakit ganiyan ka makatingin sa akin?" taas-kilay na sabi ng dalaga sa kaniya. Pero binalewala lang siya nito at ipinagpatuloy na lamang niya ang ginagawang paglalampaso ng sahig.
Si Baron ang isa sa mga kinaiinisan ni Feya. Tila parang pinag-iinitan siya nito parati at kung minsan ay nahuhuli pa niya itong nakatingin sa kaniya. Subalit hindi na lang niya gaanong pinagtutuunan ito ng pansin. Bagkus iniisip na lamang niya na baka may lihim itong pagtingin para sa kaniya.
"Nakakaimbyerna naman ang palabas na 'yan! pabitin pa! abangan pa raw bukas e, mabubuking na sila ng asawa niya. Hay nako! kung ako lang talaga yung babaeng asawa niyan ay baka nailampaso ko na ang pagmumukha ng kabit niya sa tae ng kalabaw! nakakagigil!" nayayamot na saad ni Leon sa pinapanood nitong teleserye habang tahimik namang nakasamid si Feya sa kanila at nasorpresa pa siya sa kaniyang narinig.
Samantalang pinagmamasdan naman siya ni Baron at pasimpleng napapangisi.
"Leon, kung ako naman yung kabit ay baka sa mga sandaling ito ay nanginginig na ako sa takot. Lalo na kapag narinig kong ilalampaso mo lang pala ang pagmumukha ko sa dumi ng kalabaw, hindi ba Ma'am Feya?" sabay napalingon sa gulat ang dalaga ng bigla siyang tawagin ni Baron.
"Ha? a e, oo." Ang sabi na lang niya sabay iniwasan niya ng tingin ang pilyong binata.
"Ikaw ba Ma'am Feya, ano ba ang gagawin mo kung sakaling malaman mong nangangaliwa pala sa'yo ang asawa mo?" tanong ni Leon sa dalaga at pagkatapos ay nagsilapitan naman sa kaniya ang ilang mga katrabaho nila at tila nag-aabang silang lahat sa isasagot nito.
Hindi tuloy siya mapakali at palipat-lipat ang tingin niya sa mukha nang mga taong nasa harapan niya. Pinagpapawisan siya ng matindi at ninenerbyos. Pakiramdam tuloy niya ay sinasadya siyang ipitin sa sitwasyon na iyon. Medyo natagalan pa siya sa pagsagot sapagkat hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang isagot sa tanong ni Leon. Mabuti na lang at biglang dumating si Yohan, kaya naman nagsialisan sila kaagad at nagsibalikan sa mga kani-kanilang trabaho.
"Swerte!" pabulong namang sabi ni Baron ng padaan siya sa harapan ng dalaga. Sinundan siya ng tingin ni Feya at tumaas ang isang kilay niya ng marinig ang binata.
"Good Morning everyone!" masayang bati naman ni Yohan sa kanila habang kay Feya lamang siya nakatingin.
"Good morning din po sir. Yohan. Mukhang masayang-masaya po yata kayo ngayon nadiligan?" pagbibiro ni Baron ngunit ningitian lamang siya ni Yohan at hindi na siya pinansin.
"By the way Ms. Feya, pwede mo bang dalhin sa office ko yung list ng bagong recipe na papalitan natin sa menu?" utos nito sa kaniya.
Kunwari list ng recipe yung pinapadala pero iba naman talaga ang motibo niya! bulong ng binata sa kaniyang isipan habang pasimple rin siyang sumusulyap kina Yohan at Feya.
"Okay po, sir. Yohan." Matamlay na sagot ni Feya at agad din itong nagtungo sa loob nang kusina upang kunin ang pinapautos ni Yohan sa kaniya.
Samantalang umakyat na ng hagdanan si Yohan patungo sa kaniyang office. Ilang minuto lang ay sumunod namang umakyat si Feya habang bitbit ang ilang papel na pinapadala sa kaniya.
"Tikiman na!" ang sabi ni Baron ng dumaan si Feya sa kaniyang harapan. Huminto siya sandali at galit siyang napalingon sa binata.
"Bakit po Ma'am?" patay malisyang sabi ni Baron. Inirapan lang siya nito ng mata at pumasok na sa loob ng office ni Yohan.
"Uy! Baron, naiisip mo ba kung ano ang naiisip ko?" sabay lumitaw naman sa harapan niya si Leon.
"Pisti yawa! kanina ka pa ba diyan?" aniya at muli na lang niyang ipinagpatuloy ang pagwawalis sa sahig.
"Ano sa tingin mo ang sunod na mangyayari?" tanong nito. Napaisip naman si Baron sa itinanong ni Leon. Hindi niya mawari kung ano ba talaga ang tinutukoy nito. Kung yung teleserye ba sa palabas na pinapanood nila kanina o yung sikretong alam niya tungkol sa dalawa?
Sandali siyang napahinto sa pagwawalis at ipinatong niya ang siko sa ulo ng walis tambo.
"Huwag kang mag-alala dahil matalino s'yang babae at hindi s'ya basta-basta na lang nagpapaloko." Pagkasabi ay agad niyang binitbit ang walis tambo at iniwan na niyang mag-isa si Leon. Samantalang nakasunod naman ng tingin ang binata sa kaniya at napakamot na lang siya ng ulo.
BUMUNGAD kaagad kay Yohan ang nagkukumpulang mga tao nang makita niya ang ambulansya at patrol sa labas ng kanilang bahay.
Nabigla na lamang siya nang makita niya ang yellow warning sign na nakadikit sa gate nila. Kinabahan siya bigla at dali-daling bumaba ng kaniyang kotse.
"Anong nangyayari rito? bakit kayo nasa tapat ng bahay ko?" usisa niya sa ilang kapulisan na nasa labas.
"Kayo po ba ang asawa ni Mrs. Hadiya?" tanong ng isang police officer sa kaniya.
"Oo, ako nga ang asawa niya. Bakit mo naitanong? at saka hindi mo pa sinasagot yung tinatanong ko sa inyo." Kabadong aniya.
Tumingin-tingin siya sa paligid at pakiramdam niya ay may masamang nangyari sa loob ng bahay nila. Kaya naman hindi na siya nakapagtiis pa at agad siyang pumasok sa loob ng bahay nila.
"Hadiya! Hadiya! Hadiya!" paulit-ulit niyang pagtawag sa pangalan ng kaniyang asawa. Sinundan naman siya ng ilang pulis sa loob ng bahay nila at nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakahiga sa sofa at walang malay ang asawa niya.
"Hadiya!" sigaw niya tapos agad din niya itong nilapitan at hinawakan sa kamay.
"Hadiya, gumising ka! Nlnandito na ako mahal ko. Sinong walanghiya ang gumawa nito sa'yo?" mangiyak-iyak niyang sabuli ngunit wala naman talagang luhang pumapatak sa kaniyang mga mata.
"Huwag po kayong mag-alala mister dahil nagpapahinga lamang po siya. Nga po pala ako si Philip Alvarez at siya naman po ang kasama kong si Linda Perez. Kami po ang nakatalang police incharge sa kaso na nangyari rito sa bahay niyo ngayon at pati na rin sa inyong misis." Pagpapakilala ni Philip at sabay nilang ipinakita kay Yohan ang identification nilang dalawa.
"Ano ba talaga ang nangyari rito?" mainahong tanong ni Yohan sa kanila.
"Robbery, ang nangyari dito sa loob ng bahay n'yo. Sinubukan pong lumaban ng asawa niyo sa masasamang loob kaya medyo nagtamo rin po s'ya ng ilang galos sa kan'yang katawan. Nakaramdam rin po s'ya ng pagka-shock dahil sa nangyari kaya po siya nawalan ng malay." Paliwanag ni Philip.
"Pero wala na po kayong dapat ikabahala pa dahil stable na ang lagay n'ya at protektado na po namin kayo ngayon." Ani ni Linda.
"Gano'n ba?" ang nasabi lang ni Yohan habang nililibot niya ng tingin ang loob ng kanilang bahay.
Nakakalat ang bawat gamit nila sa kung saan at mayroong mga basag na flower vase sa sahig. Basag rin ang malaking window glass nila at pati na rin ang wedding picture nilang mag-asawa.
"Nga po pala dapat n'yong pasalamatan yung naglakas loob na tumulong sa asawa niyo kanina sa mga hostage taker." Biglang napatingin si Yohan sa sinabi ni Linda sa kaniya.
"Tumulong?" nagtatakang aniya.
"Opo, s'ya nga po pala yung tumulong sa asawa n'yo." Itinuturo ni Linda yung lalaking nakatayo sa bandang likuran ni Yohan. Samantalang, dahan-dahan namang napalingon si Yohan at napatayo na lang siya sa gulat nang makita ang tinutukoy nito sa kaniya.
"Bab- ba- Baron?" gulat niyang sabi at halos nanlaki pa ang kaniyang mga mata.
"Ako nga po sir. Yohan!" alikik na sabi naman ng binata.
Nakipagkamayan naman siya kay Baron ngunit lutang ang kaniyang isipan tungkol sa binata.
Hindi siya makapaniwala na sa lahat ng taong makikita niya roon ay si Baron pa. Malakas kasi ang kutob niyang may nalalaman ito tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Feya. Lalo pa nang magsumbong ito sa kaniya na palagi siyang pinag-iinitan, kung kaya't hindi siya mapakali at parang lumalamig ang pakiramdam niya sa sobrang nerbyos.
"So, ikaw pala yung matapang na tinutukoy nila sa akin?" kinakabahang saad niya kay Baron.
"Your welcome sir!" nakangising sagot nito habang pahigpit ng pahigpit ang pagkakamayan nilang dalawa.
"Magkakilala po kayong dalawa?" pagkarinig nila kay Linda ay agad nilang binitawan ang isa't-isa.
"Of course! we know each other very well. Baron is my most reliable employee of all!" pagkasabi ni Yohan ay bigla niyang inakbayan sa balikat ang binata.
Napatingin naman siya kay Yohan at ngumiwi ito sa kaniyang labi.
"Si sir. Yohan, siya yung tipong maalaga at mapagmahal sa lahat ng empleyado n'ya. Hindi po ba, sir?" pilyong aniya kahit may iba itong nais ipabatid sa kaniya.
Nakuha naman niya kaagad ang pinupunto ng binata, kung kaya't agad din niyang inalis ang pagkakaakbay nito kay Baron.
"Ah i see, kung gano'n po ay maaari bang makausap muna namin sandali si Baron? may ilan pa po kasi kaming mga katanungan sa kan'ya tungkol sa mga nangyari kanina." Nakangiting sabi naman ni Philip.
"Of course! yes! sige na Baron sumama ka na muna sa kanila." Sabay tinapik-tapik niya ang likuran ng binata. Napasinghot naman ng ilong si Baron at pasimple siyang lumapit kay Yohan.
"Bakit?" usisa niya sa binata. Ngumisi ulit si Baron at bumulong ito sa kaniyang tenga.
Saglit lang iyon ngunit nanlaki naman ang mga mata ni Yohan sa kaniyang narinig. Tinapik rin siya nito sa kaniyang balikat at pasipol-sipol na umalis.
Samantalang, dahan-dahan namang nilingunan ni Yohan ang kaniyang asawa na si Hadiya. At laking gulat na lamang niya nang makitang nakamasid rin pala ito sa kaniya. Kaagad niyang iniwasan ng tingin ang asawa at muli siyang lumingon sa direksyon ni Baron. Sakto namang napalingon din si Baron sa kaniya at ngumunguya ito ng bubblegum sa kaniyang bibig.
"Watch out. Do you think she knows nothing?" ang ibinulong ni Baron sa kaniya.