Chapter 5

2229 Words
Mary Naiiyak akong bumaba at dumeretso sa labas ng bahay. Binuksan ko ang gripo at pinulot ang mga nakasampay na basahan. Kahit laba na ang mga iyon ay kinusot ko pa rin. Dito ko lang mailalabas ang galit ko kay Reymond. Galit ako mula sa panginginsulto niya sa akin. Parang sasabog itong dibdib ko. "Name your price! Name your price mo mukha mo! Gago!" Muntik ko nang masira ang basahan sa sobrang pagdiin doon ng mga kamay ko. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay pumikit. Hindi ko makakalimutan ang masakit niyang salita. Para akong nanliit sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay isa lang akong mababang uri ng tao. Oo. Si Reymond ang unang halik ko. Siya rin ang lalaking unang nakahawak sa mga hita ko at braso. Kung matatanggal lang ng sabon ang pagdikit ng balat niya sa akin ay baka nagbabad na ako sa tubig sa loob ng isang araw. "Ang kapal ng mukha! Porket mayayaman kayo ay ginaganito ni'yo na kaming mahihirap!" Muli kong kinusot ang basahan. Nangingitngit ang mga ngipin ko habang ginagawa iyon. "Mary?" Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Manang Raquel sa likuran ko. Agad kong binitiwan ang kinukusot na basahan at lumingon sa kaniya. "Kanina pa kita hinahanap. Maghahapunan na tayo." Malakas akong lumunok. Nawalan ako ng ganang kumain at ayaw ko ng pumasok sa kusina. May sarili kaming mesa sa kabila at doon kami kumakain na mga katulong kapag tapos na ang mga amo namin. "Tigilan mo na iyan sa kakakusot. Masisira mo iyang basahan eh! Halika kana dito para makapagpahinga kana rin." Bumuntong-hininga ako at tahimik na sumunod kay manang Raquel. Masaya silang nagkukuwentuhan habang kumakain samantalang ako ay nilalaro lang ang pagkain ko sa plato. Nakakainis! Hanggang ngayon ay naninikip ang dibdib ko dahil kay Reymond. "Mary? Isang araw palang yata ang kakakilala mo kay sir Reymond ay mukhang bibigay kana? Pinahirapan kaba maglinis?" Napaigtad ako mula sa malalim na pag-iisip nang magsalita si Lida. Napatingin ako sa kanila at lahat na silang nakatingin sa akin. Lumunok ako at yumuko. "Magkakaroon ako ng heart attack kapag nagpatuloy pa ito." Bulong ko. Mahina silang nagtawanan kaya sinaway sila ni manang Raquel. "Ano kaba? Bata kapa? Kayang kaya pa yan ng energy mo na makipagsagutan kay Sir. Laban lang Mary! Fighting!" Napangiti ako. Akala ng mga ito ay simpling pagpapahirap lang ang ginagawa sa akin ni Reymond. Hindi nila alam na mayroon kaming hindi karumal dumal na nakaraan kaya ako nagkakaganito. "Salamat sa inyo. Salamat rin Lola Raquel." Binalingan ko ang matanda at pilit na nginitian. Tahimik kaming kumain. Kahit wala akong appetite ay pinilit ko pa rin. Ayaw kong malipasan ng gutom lalo na kung ang amo ko ay isang demonyo. Wala akong sapat na lakas para makipag-away sa kaniya kapag pinabayaan ko ang sarili ko. Kinabukasan ay pinatawag ako ni Chairman Vladimir sa kaniyang library. Kinakabahan ako habang papalakad papunta sa library niya. Ito ang unang beses na mag-uusap kami kaya iniisip ko kung paano ko siya kakausapin pabalik. Nakasalubong ko si Madam Laura sa pasilyo. Bihis na bihis at mukhang may lakad. Nakasunod sa kaniya ang personal maid niya. "Magandang umaga po, Madam." Bati ko sa kaniya. Gumilid ako at yumuko. Huminto siya sa tapat ko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Kakausapin ka ng asawa ko para sa studies mo. Huwag ka sana mag-demand ng mga impossible. Maliwanag ba Mary!" Napalunok ako. Itong si madam Laura ay iba rin kung mag-isip. Hindi ko alam kung bukal ba sa loob niya na pang-aralin ako ng kaniyang asawa o napipilitan lang dahil wala na siyang magagawa. "Opo, madam. Masusunod po." Muli niya akong tiningnan. "Dapat lahat ng pag-uusapan ninyo ng asawa ko ay sasabihin mo sa akin mamaya." Muli akong tumango. Nawalan ako ng sagot at tanging tango lang ang nagagawa ko. Nang maglakad siya palabas ay napahinga ako ng maluwang. Pumikit ako at hinaplos ang tapat ng dibdib ko. Lahat yata ng myembro ng pamilyang ito ay nakakakaba makausap. Si Nikos ay napapabilis niya ang t***k ng puso ko pero si Reymond ay napapainit niya ang ulo ko. May kaniya kaniya silang uri ng katangian na hindi alam ng mga tao sa labas. Kinikilala silang mabubuting tao at matulungin. Isa din sila sa karesperespito dito sa bansa namin. Pero ang hindi alam ng lahat ay may ugali ang mga ito. Malalim akong humugot ng hininga nang nasa tapat na ako ng library ni Chairman. Isang beses akong kumatok bago itinulak ang pinto papasok sa loob. Bumungad sa akin ang malawak na espasyo ng library. Moderno lang ang interior pero napakaganda sa loob. Nakaupo si Chairman Vladimir sa kaniyang working table. Ang assistant naman nito ay nasa harapan niya. Tumikhim ako. "Magandang umaga po, chairman." Yumuko ako sa kanila. "Tuloy ka. Maupo ka." Ito lang ang sinabi at muling binalik ang mga mata sa papeles na nasa mesa niya. Tiningnan ko ang pahabang brown na couch at naglakad palapit doon. Kinakabahan ako kaya namamawis pati singit ko yata. Nang makaupo ako ay hinintay kong kausapin nila ako. Pinagdikit kong maigi ang mga hita at panay ang paglunok. "Makakaalis kana Thomas. Tatawagin na lang kita mamaya." "Sige po chairman lalabas na po ako." Hindi na ako tiningnan ng secretary niya at agad itong lumabas. Tinanggal ni Chairman ang suot na salamin pagkatapos ay tumayo. Naglakad siya palapit sa akin at umupo sa kabilang side. Sinandal niya ang likod at tumingin sa akin. "Gusto mo ba ng tsaa, Hija?" Agad akong umiling. "Hindi po ako umiinom niyan, salamat po sa alok ninyo." Tumango siya. "Kumusta ka? Kumusta ang pagtatrabaho mo rito?" Napaayos ako ng upo at tumingin sa kaniya. "Okay lang naman po ako Chairman. Maraming salamat po sa mga kabutihan ninyo. Ngayon po ay personal na akong magpapasalamat sa pagpapaaral ni'yo sa akin." Tinaas niya ang kamay. Umiling sa akin. "Wala iyon Hija. Ang hiling ko lang ay sana makapagtapos ka." Ngumiti ako. Magaan siyang kausap at hindi nakakatakot. Muli akong nagpasalamat. Nang abutin niya ang tubig upang uminom ay bigla iyon natapon sa damit niya banda sa kaniyang dibdib. Nanlalaki ang mga mata ko. Agad akong dumukot ng tissue at walang alinlangan na lumapit sa kaniya. Lumuhod ako sa tapat niya at pinunasan ang basang damit niya. "Chairman, okay lang po ba kayo?" Mahina siyang tumawa. "Okay lang ako Hija. Okay lang ako." "Baka po sipunin kayo nito." Muli akong dumukot sa tissue at nag-aalalang tinuyo ang kaniyang basang dibdib. "Okay lang ako Hija. Okay lang ako." Ulit niya. Sa sobrang pag-aalala ko ay hindi ko namalayan na may pumasok at lumapit sa amin. "Pa, are you okay?" Muntik ko ng mabitiwan ang hawak na tissue nang marinig ang boses ni Reymond. Nasa tapat na namin ito at nag-aalala din sa ama niya. Nang paglipatin niya kami ng tingin ay nakaramdam ako ng kakaiba. Ano bang nasa isip ni Reymond? Agad niyang tinanggal ang kamay ko sa tapat ng dibdib ng papa niya kaya nabitawan ko ang tissue at nahulog iyon sa sahig. "I'm okay son. I just spilled my water." Hindi nagsalita si Reymond at siya na ang nagpunas sa ama. Bumalik ako sa kinauupuan at hindi na alam ang gagawin. Nang bumalik ang lahat sa normal ay binalingan ako ni Reymond. "Anong ginagawa dito ng katulong natin?" Muntik na akong maiyak sa itinawag niya sa akin. Alam ko namang katulong lang ako pero masakit pala kapag naririnig mo ng paharapan kung anong posisyon mo. "Hijo?" Tawag ng ama niya. Nag-iwas ako ng tingin at hindi nagsalita. Parang bala lang ang salita ni Reymond na tumama sa dibdib ko. Tama nga ang mga kasambahay dito. Masama ang ugali nitong panganay na anak. "Mayroon akong importanting sasabihin sa iyo papa. Puwede ba kitang makausap in private?" Nag-angat ako ng tingin sa kanilang mag-ama. Tumingin sa akin si chairman. "Hija, pasensya kana kung hindi tayo makakapag-usap ngayon. Ipapatawag na lang kita sa susunod." Magkasunod sunod akong tumango sabay tayo. "Walang problema po chairman. Sige po, aalis na ako." Tumango siya sa akin. Mariin na nakatingin sa akin si Reymond na para bang may kasalanan ako sa kaniya. Impakto! Agad akong tumalikod at lumabas mula sa library. Napailing ako nang palabas na ako papunta ng kusina. Nagdududa kaya siya sa eksenang naabutan niya? Siguro kahit sinong makitid ang utak ay pag-iisipan kami ng masama ni Chairman sa posisyong iyon. Nagulat ako at nataranta. Hindi ko alam ang gagawin nang makitang basang basa ang suot ni Chairman sa bandang dibdib niya. Una kong naisip ang kalusugan niya kaya ko agad na tinuyo ang kaniyang basang damit para hindi siya magkasipon. Masama bang gumawa ng kabutihan sa kapwa? Siguro para kay Reymond ay hindi tama iyon. "Hay! Ano bang iniisip mo Mary? Masyado kang advance!" Binatukan ko ang ulo sabay iling. Kinalimutan ko ang nangyari sa library at umakyat sa kwarto ni Reymond. Naiwan pa doon ang mga gamit ko nang takbuhan ko siya kagabi. Pinalitan ko ng tubig ang map. Binanlawan ko ang basahan sa sink ng bathroom niya at nagsimula akong maglinis. Bukas ay may pasok na ako kaya lilinisin ko ng maayos itong kwarto niya para walang masabi sa akin. Pinalitan ko ang bedsheets. Pati ilalim ng kama ay nilinis ko ng maayos. Malaking trabaho itong kuwarto niya lalo na at puro carpeted ang sahig. Kailangan kong i-vacuum ng maayos dahil baka may mapansin siyang dumi roon na hindi ko nakita. Maselan na maselan raw si Reymond kaya nag-iingat akong makaiwan ng alikabok sa loob ng kwarto niya. Nang matapos ko ang kwarto ay sa banyo naman ako. Sa shower ay ayaw niyang may bakat ang salamin doon kaya hinuhugasan ko iyon ng maayos bago tuyuin. Sinunod ko ang closet. Isa-isa ko na naman inayos ang arrangement ng mga gamit niya at pinaraanan ng basahan ang dapat na paraanan. Ngunit nang matapos na ako ay siya namang pasok niya. Magkasalubong ang mga kilay at mukhang galit na galit sa mundo. Nagbaba ako ng tingin at ginilid ang mga gamit kong panlinis. Namaywang siya sa harapan ko. Hindi ko ma-appreciate ang itsura ni Reymond kahit guwapo pa ito. Nauna ang galit ko kaya para lang siyang patay na puno sa aking paningin. "Anong relasyon mo kay papa?" Napaangat ang mukha ko sa kaniya at namimilog ang mga mata ko. "A-ano?" He tsked. "Bingi kaba o nagmamaangmaangan lang? Tinanong ko kung anong relasyon mo sa papa ko at ganoon na lang ang trato sa iyo kumpara sa mga matatagal naming kasambahay?" Malakas akong napalunok. Tama nga kung anong nasa isip ko kanina. Kahit hindi siya nagsasalita sa library ay alam kong inaakusahan niya ako sa kaniyang isipan. "Wala akong relasyon kay Chairman. Nagpapasalamat lang ako sa kaniya dahil pag-aaralin niya ako." Ngumisi siya. Kinamot ang chin at mariin akong tinitigan. Habang tumatagal ang mga mata niya sa akin ay mas lalong dumidilim. "Sa tingin mo maniniwala ako Ms three hundred." Pinasadhan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo ko. "Naging costumer mo rin ba si papa sa casino na pinagtatrabahuhan mo sa bulok na bayan ninyo?" Dumilim ang paningin ko. Kaya kong tanggapin ang masasakit niyang salita pero ang akusahan ako ng maling impormasyon ay hindi ko iyon matatanggap. Below the belt na ang sinabi niya. Nilapitan ko siya at balak sampalin ulit pero agad niyang nahuli ang kamay ko. "Napakabastos ng bibig mo Reymond!" Ang luhang nagbabadya sa mga mata ko ay biglang bumalik. Masama ko siyang tiningnan at hinila ang pulsuhan. "Ganiyan ba ang tingin mo sa akin?" Ngumisi siya ulit. "Anong iisipin ko kung sa casino kita unang nakilala at ang trabaho mo ay--" Hindi niya natapos ang sasabihin. Dinuraan ko siya sa mukha kaya napapikit ito sabay bitaw ng pulsuhan ko. "s**t!" Malutong niyang mura. Inabot ang hem ng damit at pinunasan ang mukha. Tumalim ang mga mata ko sa kaniya. "Walang hiya ka rin ano! Pagkatapos mo akong pilitin sa araw na iyon ay sasabihin mo ito sa akin!" Nakakaloko siyang tumawa. "Nakailang costumer kana ba sa casino na iyon? Nakakapagtaka lang na napadpad ka rito sa Maynila Mary. Wala ka bang nahanap na mayaman sa lugar ninyo kaya ka lumuwas?" Muling kumulo ang dugo ko sa kaniya. Matutuwa siya kapag nalaman niya ang kahinaan ko kaya hindi ako dapat magpatalo. "Total inuungkat mo naman ang pagiging mukhang pera ko ay sige tatapatin na kita." Natigilan siya sa pag-ngisi at kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?" Ngumisi ako. Tiningnan ko siya mukha nang hindi kumukurap pagkatapos ay nagsalita. "Kung gagawin naman akong kabit ng papa mo ay bakit ko aayawan. Mayaman siya. Makukuha ko ang lahat ng gusto ko." Parang sumabog na bulkan si Reymond pagkarinig sa sinabi ko. Agad niya akong nilapitan at madiin na hinawakan sa magkabilang braso. "Huwag mong susubukan na sirain ang pamilya ko! Huwag na huwag mong subukan!" Napangiwi ako. Para niyang pinipigilan ang dugo ko sa pagdaloy sa diin ng pagkakahawak niya sa magkabila kong braso. Pero kahit nasasaktan na ako ay nagawa ko pa rin ang sumagot sa kaniya. "Hindi ako naninira! Kung masisira man ang pamilya ninyo ay hindi ko na kasalanan iyon!" He gritted his teeth. He was mad and scary! Tinulak niya ako sa kama niya at dinaganan. "Bago mo magawaan ng masama ang pamilya ko ay ako muna ang sisira sa buhay mo, Mary! Ako!" Kinuyumos niya ako ng mapusok na halik na halos ikapugto ng aking hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD