Mandy's POV
Pag tapos namin kumain ng lunch ay umuwi na ren kami. Pumunta kami parking lot at sumakay sa kotse ni dad
"What's your plan about the project with 'alexa" pag didiin ni dad sa pangalan ni Alexa habang nag dadrive sya
Hindi ko alam isasagot ko
"Sige, di nalang kita tatanungin but promise me na gagawa kayo ng.." hindi ko na pinatapos si dad at nag salita na agad ako
"Yes" sabi ko naman at nag patuloy na sya sa pag dadrive
Nakarating na kami sa bahay nung mag gagabi na. Tumingin ako sa relos ko at 6:00 pm?
Ang tagal naman naming nasa office nila dad
Nakita ko ang 3b's at si Nicole na nasa sala pero wala si Nica
Nanonood sila ng tv kaya pumunta nalang ako sa kwarto ko para makapag pahinga
Nagpalit muna ako ng damit at naglinis ng kwarto ko at naglibot libot sa bahay
Ngayon ko lang nakita kung gaano kalaki ang bahay ni dad
Pag pasok mo doon sa main door ay makikita mo na agad ang sala. Katabi naman noon ang kusina na may kumpletong gamit
Pag naglakad ka pa ng konti ay makikita mo ang kwarto ng mga 3b's. Katabi naman non ang kwarto nila Nica at Nicole. Pinaggigitnaan ng kwarto ng 3b's ni Nicole at Nica ang cr
Pag pumanik ka naman ay makikita mo na agad ang mini office ni dad dito sa bahay katabi lang kasi ng office ni dad ang hagdan kaya madali kang makakapunta doon
Pag lampas mo doon sa mini office ni dad ay makikita mo naman ang guest room
Guest room, malaki ito para itong kwarto ko pero mas malaki ang akin
Katabi naman ng guest room ang study room ko na ginawa talaga ni dad para sa akin
Kapag nag lakad ka pa ng kaonti ay madadatnan mo na ang kwarto ko. Katabi ko naman ang kwarto ni dad
Nasa dulo naman nung hallway ang cr
Cr, na parang kalahati nung kwarto ko. Nakalock ito kaya hindi ito mapapasok
Tanging cr lang sa first floor ang nagagamit namin
Pababa na sana ako nung may nakita akong kuminang sa labas nung cr
Linapitan ko ito at nakita ko ang magandang alahas
Kinuha ko ito...
"Mandy" tawag na sigaw sa akin ni dad. Kaya nilagay ko muna ang alahas sa bulsa ng short ko
Naka short ako at sando
Binilisan ko ang paglalakad pababa. Pagbaba ko doon ay nakita ko ang 3b's, dad at Nicole
"Mandy, kain na tayo" yaya sa akin ni dad at umupo sa table kaya umupo na ren ako doon
Tahimik kaming kumain at pag tapos namin ay nagpaalam na akong mauuna sa kwarto para tignan uli ang alahas
Pagpasok ko nung kwarto ay linabas ko ang alahas galing sa bulsa ko
Makinang ito at ang gaganda ng mga bato nito pero madami ng alikabok kaya pinagpag ko ito at pinunasan
"Son?" dinig ko si dad kaya nilingon ko ito at pasimpleng tinago uli ang alahas sa bulsa ko
"Bakit po dad?" sabi ko habang lumalapit sa kanya. Pinasok ko naman ang kamay ko sa bulsa ko para di halatang may tinago ako
"Hindi ka pa matutulog?" tanong nya kaya naman tumungin ako sa relos ko
8:35pm na pala
"Ah hehe" nahihiyang sabi ko at kinamot kunwari ang ulo ko
"Ano yan, son?" sabi ni dad at sinundan ang tinitignan nya. Nakita ko syang nakatingin doon sa alahas na nasa lapag
Nakalimutan kong isara ang pinto kaya nakapasok si dad
"Wala ito dad" sabi ko at pasimpleng kinuha ang alahas
"Ano nga yan?" tanong na naman ni dad
"Fine, nakita ko ito sa cr dito sa second floor" at pinakita ko ang alahas
"P-paano mo yan nakita?" nauutal na sabi nya kaya naman nag taka ako
"Bakit po dad?" tanong ko naman
"Just answer me" sigaw nya sa akin kaya napaatras ako ng konti
"Naglilibot po kasi ako then may nakita akong kuminang sa labas nung cr kaya kinuha ko ito at tinago sa bulsa" pagpapaliwanag ko naman
"A-ah s-sige" sabi nya at nagmadaling lumabas
Anong nangyari doon. Humiga naman ako sa kama ko at nag isip isip
Bumangon ulit ako dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya nagmadali akong bumaba
Pagbaba ko doon ay wala ng tao. Tanging ilaw nalang sa kusina ang bukas kaya nagmadali akong pumunta sa cr. Hindi na den bukas ang mga aircon
"Ugghhh" napasigaw ako dahil sa sobrang sakit nung tyan ko
"Ahh saraaap" sabi ko naman nung matapos na ako
Lumabas na ako sa cr at laking gulat ko nung makaramdam ng lamig. Lamig na nanggagaling sa aircon
"Mamaaaa" sumisigaw ako habang tumatakbo papuntang hagdanan "Tulonggg"
Madilim na kasi sa parte ng hagdanan kaya bumilis lalo ang t***k ng puso ko
"Mama's boy ka pala" natatawang sabi nung boses babae. Lumingon lingon naman ako paligid pero wala akong nakita
"Sir? hahahahaha" natatawang labas ni Nica galing sa dilim
Umayos naman ako ng tayo para makita nyang seryoso ako
"Bakit nasa labas ka pa ng ganito ka-late?" kunwaring seryosong sabi ko
"Di nyo na kailangan malaman, 'sir" pag didiin nya sa sir kaya tumawa na naman sya "Hahahahaha"
Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Pantalon na black at white na tshirt naman na naka tuck in ang suot nya
"Sige na sir, paalam na. Goodnight" paalam nya "Ahooooo" tinaas nya ang dalawang kamay na parang zombie at tumalikod na sa akin. Natawa naman ako sa pagiging mukhang tanga nya
Hindi na ako nakaramdam pa ng lamig. Siguro pinatay nya na iyon kaya pumanik na ako at bumalik sa kwarto
Natatawa paren ako sa mukha nya
Naglinis lang ako at natulog na ren
~KINABUKASAN~
"Goodmorning everyone" nakangiti pa ako habang nag uunat. Diba, mukha akong tanga?
Bumangon na ako at pumuntang cr. May cr den kasi ako dito sa kwarto ko
Nung matapos ako ay bumaba na den ako para mag breakfast. Nandodoon ang 3b's, Nicole, Nica and dad na nakaupo na sa table
"Goodmorning" bati ko sa kanila
"Goodmorning den son" bati sa akin ni dad
Naghanap ako ng mauupuan
"Dito ka maupo kuya Mandy" liningon ko si Nicole na pinapagpag ang katabing upuan nya
"Ah sige" nakangiting sabi ko at umupo doon sa sinabi nya
Parehaba kasi ang shape ng table namin kaya naman nasa gitnang pwesto si dad at ang 3b's naman ay nasa kabilang side habang kami namang tatlo nila Nica at Nicole ay nasa kabilang side naman
Kumain nalang ako dahil sila dad lang at 3b's ang nag uusap
Pag tapos namin kumain ay inutusan si Nica para mag grocery
"Nica, mag grocery ka" utos ni Nanny Barbara sa kanya
"Sig--" hindi natuloy si Nica dahil nag salita ako
"Dad? pwede po ba akong sumama?" tanong ko kay dad
"Sige lang son" nakangiti si dad
Tumayo na si Nica at pumunta sa kwarto nya
Pumunta na den ako sa kwarto para mag palit ng damit. Pagbaba ko doon ay nandoon na den si Nica na maayos na ang damit
"Sir? let's go?" yaya sa akin ni Nica
"A-ah yes" sabi ko naman at nag paalam kay dad na aalis na
Nagulat ako nung pumunta sya sa garden
"Anong gagawin mo dyan? Eh dito ang daan papuntang supermarket?" tanong ko na tinuro pa ang kalsada
"Basta" sabi nya at nag patuloy sa paglalakad. Huminto sya nung makita nya ang isang bisikleta na nakapatong sa fence
"Ano yan?" tanong ko habang nakatingin sa bisikleta
"Edi bike. Ano pa nga ba?" pamimilosopo nya sa akin
"Tss" singhal ko
"Dyan ka sasakay" sabi nya at lumakad papalayo
"A-anong ako? S-sumabay ka na sa akin" sabi ko na iniwas ang paningin sa kanya at hinawakan sya sa braso
"Sige na, maglalakad na ako" sabi nya naman at nag patuloy uli sa paglalakad
Hindi ko na sya pinansin at nag bike na palabas. Liningon ko ulit syasya kaya huminto ako para hintayin sya
"S-sumabay ka na k-kasi" nauutal na sabi ko nung makalapit na sya sa akin
"Ayoko sir" sabi nya at nagpatuloy uli sa pag lakakad
"Bilis na.." sabi ko at sinundan sya "..isa" sabi ko naman at huminto sya
"Fine" inis na sabi nya at pumunta sa angkasan ng bisikleta
Binagalan ko lang pag dadrive para wala syang idahilan para humapit sa akin. Nung marating namin ang supermarket ay bumaba agad sya at naunang maglakad papasok
"Hoy!." sigaw ko habang inaalalayan yung bike "..saan ko ilalagay ito?" tanong ko naman pero hindi nya ako sinagot
Ipinatong ko nalang ito sa isang lugar. Nag madali akong pumasok sa supermarket at hinanap sya
Hinap hanap ko sya ngunit hindi ko sya makita kaya nag libot libot pa ako
Nung makarating ako sa bread station ay nakita ko syang inaabot yung tinapay sa pinakataas. Pumunta ako sa kanya at kinuha ang kinukuha nya
"Thank you" nakangiti sya nung maabot ko na yung tinapay. Hindi naman ako nag salita
"Tara doon sa mga gulay"sabi nya at tumungo naman ako. Nung makarating kami sa gulayan ay agad syang kumuha ng mga nasa listahan
Nung makumpleto namin yung gulay ay nag libot pa kami sa store para masiguradong wala ng kulang
"Y-yung nakita kita nung gabi.." sabi ko habang nag lalakad "..saan ka talaga pumunta noon?" tanong ko at nilingon nya naman ako
"Wala ka na nga doon, sir" sabi nya habang tumatawa "hahahahaha"
Sinamaan ko lang syang tingin at pumunta na sa counter. Dalawang plastic ang hawak nya kaya naman kinuha ko yung isa
Lumabas kami ng supermarket at nagulat ako nung bigla syang tumakbo sa bike nya at sumakay doon
"I-ikaw ang mag dadrive?" tanong ko nung makasakay sya
"Malamang sir.." sabi nya na kinindatan pa ako "..bilis na sakay na"
Sumakay naman ako at hinawakan ang dalawang plastic para maka pag drive sya
Nung una ay mabagal syang mag pa takbo pero nung nag tagal ay bumilis ito. Napahawak ako sa bewang nya kaya huminto sya at tinignan ang kamay ko
"Umm.." sabi ko na tinanggal ang kamay sa bewang nya "..sorry"
Narinig ko naman syang tumawa kaya naman nag taka ako
"Anong tinatawa tawa mo dyan?" tanong ko sa kanya
"Nakakatawa kasi yang mukha mo, 'sir" pag didiin nya na naman sa sir
"O-oo na mag drive ka na dyan at baka hindi kita matantsa eh.." pag bibitin ko sa sasabibin ko
"Ano sir?" tanong nya naman
"Wala, bilis na" sabi ko naman at nag simula na syang mag bisikleta ulit