Mandy's POV
Nung makarating kami sa bahay ay nakahain na ang mga pagkain sa table pero wala pa doon si dad. Ang 3b's at si Nicole lang ang nakaupo
"Nay, nakauwi na po kami" tawag pansin ni Nica sa 3b's
"Mabuti naman" sabi ni Nanny Barbara "Hali na, kumain na kayo" yaya sa amin ni Nanny Barbara
"Magpapalit muna ho ako ng damit" paalam ko at pumanik na sa taas
Naalala ko na naman si Maxine. Ayos lang kaya siya? Kumain na ba siya? Mahal nya pa ba ako?
Nag palit na ako ng damit at bumaba na ulit. Pag baba ko ay nakita ko si dad na nakangiti
"Hi dad" tawag pansin ko kay dad
"Son.." lumapit sa akin si dad "Mag didinner kayo nila Alexa, right?" pagpapaalala sa akin ni dad
"Ahh ehh opo d-dad" alanganin na sagot ko
"Mabuti't pumayag ka. Halina kumain na tayo" yaya sa akin ni dad at sabay kaming umupo sa table
Kumain kami ni dad at nung matapos na akong kumain ay nag paalam na ako na papanik sa taas para mag linis. Pag panik ko sa taas ay nahiga ako at nag pahinga
"Son" nagising ako sa tawag ni dad. Bumangon ako at tumingin sa relo
5:35pm?
Tumayo ako at pinagbuksan ng pinto si dad. Nagulat ako nung may dala syang damit pang pormal na nakasabit sa kamay nya
"Son, eto ang sosuotin mo" nilapit nya sa akin ang damit "Hindi ka pa ayos" gulat na sambit nya nung tignan nya ang kabuoan mo
"Dad sorry, nakatulog po kasi ako eh" napakamot ako sa ulo dahil sa pagkahiya
"Oo na. Magbihis kana't dalian mo dahil anong oras na malelate kapa sa dinner kasama nila" sabi ni dad at inabot sa akin ang damit at umalis na den
Sinara ko ang pinto at dumeretso sa bathroom para maligo at magbihis. Saktong sakto sa akin yung damit. Oo, sakto. Hindi maluwag, hindi den masikip
Binabagalan ko ang kilos ko para malate. Hehe
Nung matapos na ako mag ayos ay bumaba na ako para umalis na
"Dad, saan daw po kami mag didinner?" tanong ko kay dad nung makita ko sya sa sala
"Ang gwapo naman ni baby Mandy" namamanghang pag pupuri sa akin ni Nanny Baby
Kinindatan ko lang siya bilang pasasalamat
"Sa Hawin Restaurant, son" sabi naman ni dad
[HAWIN RESTAURANT- GAWA GAWA KO LANG PO YAN HEHE]
"Saan po yon dad?" tanong ko kay dad dahil hindi ko alam kung saan yung Hawin Restaurant na sinasabi nya
"Sige na nga't ako na ang mag dadrive sayo papuntang Hawin" sabi ni dad at kinuha ang susi nya "3b's kayo na muna ang bahala dito sa bahay. Aalis muna kami, maliwanag?" bilin ni dad sa 3b's
"Yes sir" sabi naman nung 3b's
Lumabas na kami ni dad at sumakay na sa car nya. Nakangiti siya habang nag dadrive
Huminto siya sa tapat ng isang malaking resto
"Nandito na ba tayo dad?" tanong ko kay dad nung huminto sya
"Yes son" sabi ni dad ay inunlock ang pintuan
"Ang ganda naman dito dad" sabi ko at ginagala ang aking mga mata
"Tawagan mo nalang ako kung pauwi kana para masundo kita" sabi ni dad
"Ah dad, n-nawala po kasi yung phone ko" pahina ng pahina na sabi ko
"Here.." abot ni dad nung phone nya saken "..use mine na. I will buy new phone nalang" sabi pa ni dad
"T-thanks dad" sabi ko at lumabas na
Kumaway ako pag kalabas
Pumasok na ako sa loob at ginala ang paningin. Tinignan ko ang mga taong nandoon at mukhang mayayaman silang lahat
Lumapit ako sa counter at tinanong kung may Dela cruz na naka book
"Yes sir. Mr. Dela cruz and his family are in room 7" sabi nung waiter
"Thank you" sabi ko at umalis para hanapin ang room 7
Pumunta ako sa hallway na puro kwarto na ang nandodoon. Huminto ako sa room na may 7 na nakasulat. Hindi mo makikita yung nasa loob dahil hindi clear window ang nakakabit doon
Kumatok ako at nung bumukas yung pinto ay si Mr. Dela cruz ang nagbukas ng pintuan
"I'm glad you came" nakangiting bati ni Mr. Dela cruz sa akin
"Thank you for inviting me here sir" sabi ko naman sa kanya
Ginala ko ang aking mga mata sa kwarto. Malaki ito at mukhang pribado
Pagpasok mo palang sa pinto ay makikita mo na agad ang mahabang table. Kapag tumingin ka naman sa mga gilid ay makakakita ka den ng tig isang table bawat gild na may nakalagay na foods
Tinignan ko naman ang bawat tao na nandodoon. Nandodoon sina Mrs. Dela cruz, Alexa at yung boyfriend nya
"Magandang gabi sayo iho" tumayo pa si Mrs. Dela cruz para batiin ako
"Magandang gabi den po Mrs. Dela cruz" bati ko sa kanya
"Maupo na tayo iho" yaya sa akin ni Mr. Dela cruz
Umupo sya sa gilid na sya lang ang tao. Katabi naman ni Mrs. Dela cruz si Alexa kaya tumabi ako doon sa boyfriend ni Alexa dahil blanko ang upuan sa gilid nya
Dumating na ang foods at ihinain ito sa harapan namin
"Kamusta ka naman iho?" tanong ni Mr. Dela cruz sa akin
"A-ayos lang naman ho" sabi ko naman
Tinignan ko naman si Alexa at sobrang sama nung tingin nya sa akin
"Diba sabi ko naman huwag kang pumunta" sabi ni Alexa na nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa akin
"Alexa" saway sa kanya ni Mrs. Dela cruz
"Kumain na tayo" sabi naman ni Mr. Dela cruz nung mailagay na lahat ng foods sa hapag kainan
Nag simula na kaming kumain at ilang minuto pa bago may nag salita ulit
"Dad, Mom this is Mark, My boyfriend" pagpapakilala ni Alexa sa boyfriend nya
"Ilang taon ka na iho?" tanong ni Mrs. Dela cruz kay Mark
"21 po" sabi naman ni Mark
"May trabaho ka ba?" tanong naman ni Mr. Dela cruz sa kanya
"Accommodator po sa hotel" sabi naman ni Mark
"Magkano salary mo a month?"
"5,000 sir"
"Ikaw iho?" tanong naman sa akin ni Mrs. Dela cruz
"Sa Philippines po ako nag tatrabaho. Accountant po yung work ko" sabi ko naman
"Mabuti yan" nakangiting sabi ni Mr. Dela cruz
Nag patuloy na kami sa pag kain
"Gaano na kayo katagal, Alexa?" tanong na naman ni Mr. Dela cruz
"1 month dad----" hindi natapos si Alexa dahil nag salita agad si Mr. Dela cruz
"1 month?!" gulat na tanong ni Mr. Dela cruz sa kanya "And you didn't bother to tell me about it"gulat na tanong paren ni Mr. Dela cruz sa kanya
"We keep it private muna tito" sabat ni Mark sa usapan nila
"Private? Parents kami, Mark. Alexa should tell us everything specially about love" galit na sabi ni Mr. Dela cruz
"I'm sorry tito" napapahiyang sabi ni Mark
Nagpatuloy na kami sa pagkain at nahinto ulit nung may nag ring sa phone ng mga kasama ko
"Yes. Sige. Papunta na ako" sabi ni Mark habang nasa tainga nya ang phone nya
"Who's that?" tanong ni Alexa sa kanya nung ibaba ang phone
"S-si m-mommy.." sabi ni Mark at tumayo na "..Tita, T-tito salamat po sa gabing ito pero kailangan ko na pong umalis may emergency po samin" paalam ni Mark
"Sige iho mag iingat ka" sabi nila Mr and Mrs Dela cruz
Lumabas na si Mark at tapos na kami kumain lahat
"Salamat po sa ngayon Mr and Mrs. Dela cruz" pasasalamat ko
"Don't call us Mr and Mrs. Call us tito't tita nalang" sabi naman ni Mr. Dela cruz
"Sige po t-tito" nahihiyang sabi ko naman
"Mauuna na kami.." paalam ni tito't tita kay Alexa "..Mandy, ikaw na ang bahala sa prinsesa namin" kinindatan pa ako ni tito nung sinabi nya yon
"Dad!" inis ni Alexa kaya napatayo siya
Kumaway lang sina tito't tita at nag madaling umalis
"Hindi ba't sabi ko.." pag bibitin ni Alexa at naglalakad papalapit sa akin "..wag kang pumunta?" sabi nya nung makalapit na sa akin
"Hindi naman ako makak tanggi sa dad ko at sa daddy mo" sabi ko naman
"Pwede kang tumanggi doon Mandy.." pag didiin nya sa pangalan ko "..o kaya hindi ka tumanggi para mainis mo talaga ako" sabi naman nya
"Hindi kita pag sasayangan ng oras Alexa" pag didiin ko din sa pangalan nya
"O kaya, gusto mo lang ako makita" panunukso ni Alexa
"H-hindi kaya" naiilang na sabi ko naman
Umusod pa sya ng konti sa akin kaya napaatras naman ako
"Stop it" inis na sabi ko
Hindi sya nag salita at nag patuloy sa pag usod sa akin hanggang sa makorner nya na ako sa dingding
"Gusto mo akong makita, Mandy" panunukso na naman nya. Hindi naman ako nakasagot
"Just kidding" natatawang sabi nya at lumayo sakin
"Mauuna na ako, bahala ka na sa buhay mo" inis na sabi ko at pumunta sa pintuan
Nilingon ko muna sya at pinipigil nya ang tawang tinitignan ako
"Bahala ka na talaga diyan" inis kunwaring sabi ko at lumabas doon sa kwarto
Pumunta muna ako sa cr para ayusin ang sarili ko
Paglabas ko ay bumalik ako sa kwarto namin para tignan kung nandoon pa si Alexa ngunit wala na akong naabutan kaya nag madali akong lumabas sa restaurant
"Help!" dinig kong boses ni Alexa
"Alexa?!" sigaw ko sa pangalan nya
"Mandyyyy---" sigaw ni Alexa sa pangalan ko pero hindi ko pa ren sya makita "Ahhhh" daing nya
"No one will hear you here" natatawang sabi nung boses lalake
Pumunta ako kung saan ko naririnig ang mga sigaw at laking gulat ko nung makita kong nakahiga si Alexa sa bato at may lalaking nasa tapat nya na nagtatanggal ng belt nya
Nagmadali akong lumapit sa lalake para sapakin sya
"Ahhh" daing nung lalake nung sapakin ko sya "Don't bother us here" utos nya sa akin at tinulak ako
Lumapit ulit ako sa kanya para sapakin ulit sya
"Ahhh" daing na naman nya
Nagaalalang tumingin naman ako kay Alexa at nung ibalik ko ang tingin ko doon sa lalake ay sinalubong nya ako ng isang malakas na sapak
"Mandy!" nagaalalang sigaw ni Alexa sa pangalan ko kaya napatayo sya kung saan sya nakahiga
Nagmadali akong tumayo para sapakin ulit yung lalake. Hindi lang isa kundi limang beses
Bumagsak sya dahil sa lakas ng mga suntok ko kaya umibabaw naman ako sa kanya at hinawakan sya sa kwelyo
"If you don't have a respect for a girl, you don't deserve my respect too, sir" bulong ko sa kanya at tumayo na
"Get out" utos ko sa kanya kaya nag madali syang tumayo para umalis
Nagmadali naman akong lumapit kay Alexa at laking gulat ko nung yakapin nya ako at humagulgol sa iyak
"T-thank you" nanginginig na boses nya
"Shhhhh" pag tatahan ko sa kanya at hinihimas himas ang likod nya
"Nasaktan ka ba?" tanong ko sa kanya at umalis sa pag kakayakap sa kanya
"Yes, nung itulak nya ako dito sa bato" turo nya sa bato kung saan sya nakahiga kanina
"Dadalhin kita sa hospital--" sabi ko naman
"Wag na" pigil nya sa akin
"Dadalhin na---" bitin na naman ako
"Wag na, please" sabi nya at humagulgol ulit sa iyak
"Fine, I'll call dad nalang para sunduin na tayo" sabi ko at linabas ang phone
Nung sagutin iyon ni dad ay hinintay na namin sya
"Let's go?" yaya ko kay Alexa
"Where are we going?" tanong nya
"Sa entrance" sabi ko naman kaya naglakad na kami papunta doon
Hinintay pa namin ng saglit si dad. Nagulat naman ako nung humagulgol ulit si Alexa
"Shhh" pag papatahan ko ulit sa kanya
Yumakap ulit sya sa akin at humagulgol sa dibdib ko
"Mandy!" tawag pansin sa akin ni dad. Nilingon ko lang sya at lumapit na sya sa amin
"What happened?" tanong ni dad nung makita nya si Alexa na humahagulgol sa dibdib ko
"Mamaya na muna dad. Iuwi muna naten si Alexa sa kanila" sabi ko naman kay dad kaya humiwalay na sa akin si Alexa
Nasa back seat si Alexa. Ako naman ang nasa passenger seat
Tahimik na nag dadrive si dad papunta kila Alexa. Nung makarating kami sa bahay nila ay nag pauna akong bumaba para alalayan si Alexa
"Dad, hahatid ko muna si Alexa sa pintuan nila" nagpaalam ako kay dad
"S-salamat ulit M-mandy" nangigninig na sabi pa ren ni Alexa