Kumatok si Alexa sa pintuan nila. Si Mrs. Dela cruz ang nag bukas nito
"O..M..G" nagulat si tita nung makita ang mukha ni Alexa "What happened to you?" hinawakan muna ni tita ang pisngi ni Alexa bago ito yakapin
Hindi nakapag salita si Alexa at humagulgol sa dibdib ng kanyang ina
Umalis si Alexa sa pag kakayakap ng ina "Niligtas ako ni Mandy mom" naluluha si Alexa nung sabihin nya yon kaya napatingin sa akin si tita at tinignan ulit si Alexa
"Halina muna sa loob at pag usapan ang bagay na yan" yaya sa amin ni tita
"Pasensya na po at kailangan na po naming umuwi, tita. Hinatid lang po namin dito si Alexa ni dad" pag papaumahin ko kay tita
"Pwede bang pumasok muna kayo ng daddy mo iho?" paghihingi ng pabor ni tita
"P-pwede naman po pero sasabihin ko muna po kay dad" nag paalam ako na babalikan ko muna si dad sa kotse nya para pumasok muna sa loob
Kumatok ako sa kotse nya "Dad, pinapapasok po tayo ni tita sa bahay nila" pag paalam ko sa kanya "Sige ba" pag sangayon nya sa akin at lumabas ng kotse
Naglakad kami pabalik sa pintuan nila. Nandodoon pa ren si tita pero wala na si Alexa
"Good evening Mr. Ronnie" bati ni tita kay dad
"Good evening den Mrs. Dela cruz" bati den ni dad sa kanya
"Halina't pumasok muna kayo" yaya sa amin ni tita
Pumasok kami sa bahay nila at nadatnan namin si Mr. Dela cruz na nakaupo sa sala. Nung makita nya kami ay tumayo siya para batiin si dad
"Good evening Mr. Ronnie" bati ni tito kay dad
"Good evening den Mr. Dela cruz" bati den ni dad kay tito
"Nasaan po si Alexa?" wala sa sariling natanong ko si tito
"Ang sabi nya sa akin ay maliligo muna sya. Ano ba ang nangyari't bakit balisa siya nung pumasok?" tanong sa akin ni tito
"Nung umalis na po kasi kayo ay tinanong nya ako kung bakit pumunta pa ako sa dinner nyo. Madami pa po kaming napag usapan hanggang sa napikon na po ako, kaya nag panggap akong galit at pumunta sa cr para ayusin ang sarili. Lumabas na ako para balikan si Alexa pero wala na akong nadatnan doon, kaya mabilis akong lumabas ng resto at hinanap sya. Pag labas ko po doon ay narinig ko po ang boses nya na humihingi ng tulong. Hinanap ko po siya, hanggang sa marating ko ang madilim na bahagi doon sa lugar na yon. Natagpuan ko nalang po sya na nakahiga at may lalaking nasa harap nya na tinatanggal ang belt nya" mahabang paliwanag ko
Lumapit si tita at hinawakan ang mag kabila kong kamay na parang umaasa na may ginawa ako para sa anak nya "Ano naman ana g ginawa mo, iho?"tanong sa akin ni tita
"Lumapit po ako doon sa lalaki para sapakin sya---" hindi ako natapos sa pag sasalita dahil niyakap agad ako ni tita "Maraming salamat iho" pag papasalamat nya sa akin at umalis sa pag kakayakap
"Mom, dad" naluluhang tawag pansin ni Alexa sa mga magulang nya. Agad naman syang nilapitan ni tita para yakapin "Ayos lang ako mom-- No.. hindi ako ayos-- Ewan ko mom" humagulgol na naman si Alexa
Lumapit den si tito sa mag ina nya "Anong ginawa nya sayo, anak" animong galit na sambit ni tito
"He tried to r**e me, dad. But Mandy came and punch the not so old man many times.." naluluhang paliwanag ni Alexa "..nakaka trauma cause, I dont know what to do" naiyak na talaga siya
"Thank God that Mandy is there to help you" nilingon pa ako ni tita nung sabihin nya yon
"Tita, tito, mauuna na po kami" paalam ko sa kanila dahil masyadong gabi na, Tinignan ko naman si dad at sangayon siya sa ginawa ko
"M-mandy.." lumapit sa akin si Alexa "..I t-think it's yours" inabot nya sa akin ang.. CELLPHONE KO!!
Kinuha ko naman iyon at nag tatakang tumingin sa kanya "Paano mo nakuha 'to?" tanong ko
"Do you remember nung natapunan mo ako ng coffee? Hindi kami nakapag date ng boyfriend ko because of you" natatawang sumbat nya
Kaya naman natawa den ako "Paano mo ito nakuha?" muling tanong ko
"Nung lumabas ka nakita ko yung phone mo. Then tinawag kita but hindi mo ko pinansin" nalulungkot kunwaring kwento nya
"Tsk tsk.." lumapit sa akin si dad "Mauuna na kami, Alexa. Be careful next time, Mandy" paalam nya kay Alexa
"Sige po tito. Mom, dad ihahatid ko muna po sila sa labas" paalam neto sa mga magulang nya
"Mag iingat kayo" habilin sa amin nila tito't tita
Lumabas na kami ng pintuan nila at nag paalam na kay Alexa
"Sa susunod, mag iingat and mapag masid ka na sa paligid ah" habilin ko kay Alexa
"Ikaw kasi.." paninisi sa akin at umirap "..iniwan mo ako bigla" nalulungkot kunwari aniya
"Ikaw den kasi.." paninisi ko den sa kanya at kunwaring nag mamaktol "..lapit ka ng lapit sa akin---" natigilan ako sa pag sasalita nung ilagay na ang hintuturong daliri sa aking labi na para bang pinapatahimik ako
Inalis nya agad ito "Oo na. Tito, ingat ho kayo netong mokong na 'to" turo nya sa akin
Natawa naman si dad sa inasta nya
"Sige na iha't bumalik ka na doon sa loob" utos ni dad kay Alexa
"Opo ingat" nag simula na syang mag lakad pabalik. Humarap ulit ito sa amin at kumaway
Nagsimula na kaming bumalik ni dad sa kotse at sumakay roon
Habang nasa byahe ay tinignan ko ang relos ko
10:46?
"Late na pala, dad" pag papaalala ko sa kanya. Hindi nya naman ako pinansin kaya tinignan ko nalang yung phone ko
Lowbat na yung phone ko kaya naman hindi ko na ito ginalaw pa
"Ang galing talaga ng tadhana, ano?" pag basag ni dad sa katahimikan
"Anong tadhana ang sinasabi mo dad?" tinanong ko den sya. Hindi ako papatalo mwehehehe
"Kay Alexa pa napunta yang phone mo--" pinigilan ko agad siya kaya naman naihinto nya ang kotse "Oppppss!-- walang ganyan, dad" pangongontra ko sa kanya
Nag titigan pa kami at sabay tumawa. Napahawak pa ako sa tiyan ko dahil sa pag ka oa ko
Inistart nya ulit ang sasakyan at nag patuloy sa pag dadrive
Nung makarating kami sa bahay ay madalim na at wala ng tao sa sala
"Mag ccr muna ako" paalam ni dad at pumunta na sa cr
Ako naman ay kumuha muna ng tubig sa kusina. Nakakapagod sumuntok ng mga taong weak
Charot!
Pabalik na sana ako sa sala nung makarinig ako ng kaluskos. Kaya naman sumilip muna ako sa sala para tignan kung sino yon
Nakita ko si Nica na sinara yung pintuan kaya naman pinag krus ko ang aking mga kamay at hinihintay na lingunin nya ako
Pag lingon nya ay daig nya pa ang nakakita ng multo, halos mapatalon pa sya sa gulat nung makita ako
"S-sir" animong kinakabahan o di kaya'y natatae na hindi mo malaman
"Umuwi ka na naman ng ganitong late" kunwaring nagagalit sa kanya
"S-sir" bakas sa kanya na kinakabahan siya
Unti unti akong lumapit sa kanya pero hindi ko parin inaalis ang nakakrus kong mga kamay. Habang lumalapit ako ay umaatras naman siya
"S-sir" sambit nya habang umaatras
Hindi naman ako huminto sa pag lapit sa kanya hanggang sa masandal na siya sa pintuan
"Sabihin mo nga sa akin Nica---" hindi ako natapos dahil tumili siya nung bumukas ang pinto at muntik na syang mahulog
"Ahhhhh" tili nya pero nasalo ko pa ren siya
"Ayos ka lang?" tanong ko pero hindi nya ako sinagot. Tumayo siya ng maayos at tumingin sa malayo
"Mauuna na ako sir, Goodnight" paalam nya pero hinawakan ko siya sa kamay
"Mandy?.." biglang labas ni dad sa cr "Sino yung tumili?" tanong nya pa kaya binitawan ko na si Nica
Nagmadaling umalis si Nica kaya sinundan ko nalang siya ng tingin
"Mandy?.." sulpot ni dad sa dilim "..sino yung tumili?" tanong nya ulit. Naamoy kong bumaho ang ihip ng hangin kaya medyo lumayo ako kay dad
"Daga lang, dad. Muntik na syang mahuli ng pusa kaya nag panic at tumili" pag papalusot ko
"Teka--- kailangan ko pang pumunta sa cr" nag lakad siya na parang penguin
Natawa naman ako sa kapangitan ng mukha nya
Sinarado ko muna ang pintuan at pumanik na rin. Kinuha ko ang phone ko at chinarge ito
Nilinis ko muna ang sarili ko sa banyo at natulog na ren