CHAPTER 6 Mrs. Laura Tan POV Matapos ang mga taon ng pagsusumikap at mga sakripisyo, hindi ko na kayang bilangin ang mga oras na ipinagpapasalamat ko sa Diyos na si Anna ang naging anak namin. Siya ang pinagmumulan ng lakas at pag-asa sa buhay namin ni Joseph, ang aking asawa. Ang pagiging breadwinner ng pamilya, ang pagiging tagapangalaga ng aming mga pangarap, at ang kanyang hindi matitinag na dedikasyon sa pamilya – lahat ng ito ay nagpapakita kung gaano kami ka-swerte na siya ang naging anak namin. Ngunit higit sa lahat, hindi lang siya basta anak. Siya ang aming proteksyon, ang aming kalasag sa bawat unos na dumaan at patuloy na dumadaan sa buhay namin. Kapag tumitingin ako sa kanya, natutunaw ang puso ko sa pagmamahal at paghanga. Ang hindi ko pa nasasabi kay Anna ay ang lalim ng

