Nakakubli si Noah sa isang sulok kung saan naroon
ang ang ilang mga lobo.Paano ba naman ay hiyang
hiya siya sa suot. Napilitan siyang piliin ang dress na
bukas mula ilalim ng dibdib hanggang ilalim ng
tiyan.Kulay black iyon at tinernuhan ng kanyang
mama ng kulay gintong sapatos na kumikintab sa
liwanag.Nakalugay ang kanyang hanggang baywang
na buhok.Naka make up din siya at na clutch bag na
gold.Siyempre pa para itakip sa naka exposed niyang
tiyan.
Sinadya niyang magpahuli sa likod ng kanyang mga
magulang para hindi makita ng mga ito na gusto
nitong itago ang hitsura.Ang daming handa at nag
uumpisa na ang celebration.Karamihan ay puro mga
kakilala sa negosyo.Umiiwas ang dalaga sa mga tingin ng
mga binata.Pagpasok palang kasi ni Noah ay lumayo
kaagad ito sa mga magulang dahil alam niyang baka
ipareha nanaman siya sa mga ito.
Mabuti na lamang at sumalubong ang kanyang tita
Luisa at tito Matt .Sinamantala ni Noah ang pagkakataon
upang makalayo sa banda doon.
Maya maya lang ay nakarinig siya ng
bulongbulungan.Mula sa pagmamasid sa pagtitipon
ay napasunod ang tingin niya sa babae't lalaking
magka abresiyete.Ang babae'y tila anghel ang mukha
na nakangiti,bagaman simple lang ang damit na suot
ay tila isa iyong marangyang kasuotan sa pagdadala
ng babae.Nakasimpleng jumpsuit na kulay puti at
sandalyas na flat na kulay leather brown.Maikli ang
buhok nitong umabot lang sa itaas ng tainga ngunit
lalo iyong bumagay rito.Perlas lamang ang suot na
lalo iyong bumagay rito.Perlas lamang ang suot na
hikaw ng babae at maliit na relos
pambisig.Samantalang siya ay makatawag pansin ang
suot.
Napadako ang paningin ni Noah sa lalaking kung gaano iniksi
ng buhok ng babae na kasama nito ay siya namang hinaba ng buhok
nito.Makintab at itim na itim na nakapusod ang
buhok ng lalaki.
Nakita na niya ang matatalim na mga matang
iyon.Matangos na ilong mapupulang labi at may
balatkayong ngiti na hindi mo mawari kung
nasisiyahan ba o nagagalit.Matangkad ito sa tantiya
niya ay nasa anim na talampakan ang taas.Malapad
at alsado ang dibdib.May magandang
pangangatawan at tulad ng babae'y maganda
magdala ng damit.Suot ang black polo nito at gray
slack sa paa din ay brown leather shoes na medyo
matulis ang dulo.Halatang hindi taga rito kung
pumorma.
Hindi nagkabula ang kanyang
sapantaha.Sumalubong ang mag asawang Cordova
rito at natakpan na ang dalawang tinitingnan
niya.Nang mapuna ni Noah na lilingon lingon na ang mga
ito at ang kanyang mga magulang ay dali dali siyang
pumuslit sa bandang kusina.
Kumuha kaagad siya ng plato at kutsara tinidor
upang palabasin na kakain siya.
"Mam Noah?Bakit dito po kayo kakain?Sana po ay
nagpasabi ka nalang kayo ng dinalhan kita doon."
Ang matandang katulong nina tita Luisa niya na
nagtatanong sa kanya.
"Ah ok lang po nana Marta!May hinahanap po kasi
akong putahe na wala na roon."
"Ay ganon ba?Hayaan mo at pasasabihan ko ang mga
crew doon na tingnan maige kung paubos na ang
bawat putahe ng madagdagan kaagad nila.Abay
trabaho nila iyon ah?"
"Ok lang po nana."
At napilitang sumadok na kahit hindi naman siya
gutom.Saka pumwesto sa mesang marmol na nasa
gitna ng kitchen.Hinatak ang stool at umupo na.
Nagpaalam na si Nana Marta at iling ngiti ito sa
kanya.Mabuti nalang at tila nakahalata ito na ayaw
niyang matanong pa.Nginitian naman niya ang
matanda.
Malayo na ang itinatakbo ng kanyang isip habang
inuunti unti niya ang kinakain,gaya nalang ng
pagiging excited niya kapag naroon na siya sa
kumbento.Pinili niya kasi ang banda sa Binangonan
rizal kung saan naroon ang Immaculate Conception
convent.Nag inquire narin siya sa binabalak na
pagpasok.
"Hey you!Who are you?And what are you doing here?"
Napalunok si Noah dahil buhat sa kanyang likuran ay
may malaki at dumadagundong na boses na narinig
niyang nagsalita.Nabitin ang tangka niyang pagsubo
upang sagutin ito kahit nakatalikod siya.
"Um,marami na kasing tao doon kaya dito na muna
'ko."
"Dont you know that its rude talking with your back to someone?"
Sa kahihiyan at walang magawa ay dahan dahang humarap si Noah kipit parin ang bag habang yukong
nagsalita.
"I'm sorry."
Muntik na siyang napapiksi ng hawakan nito ang
kanyang baba upang itaas at makatingin ng deretso
rito.Ilang na ilang siya ng suriin nito ang buo niyang
mukha.
"I know it's you kitten!aw,no.Its a Cat now.!"
Namilog ang kanyang mga mata ng makita niya kung
sino ang lalaki.
"You've changed a lot and as I can see,you're full
grown up Cat.!
"Im sorry If you'll excuse me."
Tumango siya saglit dito at nagsimula ng lumakad
paalis.
Dinaklot kaagad ng lalaki ang kanyang braso sa knayang kabiglaan at galit
mga mata ang nabungaran niya sa pagkapaharap
niya rito.
"Hanggang ngayon ay hindi ka parin nagbabago
Noah.Bastos kaparin.Kinakausap kita pero
tinatalikuran mo parin ako!."
"H-Hindi pero kasi.Pasensiya na talaga."
Hindi na malaman ni Noah kung paano pahuhupain
galit na nakikita niya sa mga mata nito.
Hinawakan siya sa mukha ng isang kamay at pinisil
iyon at laking gulat niya ng ismakin siya nito sa
labi.Awtomatikong umigkas ang isa niyang kamay sa
mukha nito.Rinig ang lutong ng sampal niya rito at
napatakip sa kanyang bibig na pinaghalong takot at
kaba ang kanyang naramdaman.
Nakita niya lalo ang nagbabaga nitong mata dahil sa
ginawa niya rito.Dali dali sana siyang tatakas ng
hapitin nito ang kanyang baywang kaya niya
nabitawan ang kanyang clutch bag sa sahig.
Tangka nitong ulitin ang gagawin at ihaharang niya
sana ang isang braso niya ng matigilan ito.
Nagtataka siya kung bakit ito nakatingin sa bandang
likuran niya kaya kakaba kaba siyang lumingon sa
tinitingnan ng lalaki.
Putlang putla siya sa nakita.Naroon at kumpleto ang
kanilang mga magulang at nakatakip ang bibig
parehas ng mommy niya at tita Luisa.Ang daddy
naman niya at tito Matt ay pawang pinid lang ang
mga bibig.
Tinulak niya kaagad ang lalaki ng mapagtanto kung
anong hitsura nilang dalawa ng oras na iyon.
"What's happening here?"
Takang taka ang kadarating lang na babae sa
kanilang lahat na naroroon.
Lumakad siyang palayo at iniwan ang mga ito.Labag man sa kagandahang asal ang kanyang ginawa ngunit kinakailangan,baka kasi hindi niya makayanan ang kahihiyan,sa susunod nalang siya magpapaliwanag.Hindi rin nya kasi alam kung paano haharapin ang mga naroon.
"Yes iho?Anong nangyayari?"
Kasunod na tanong ng mama niya.
"Wala po ma!Natutuwa lang ako at nagkita
kami kaya lang hindi ko alam na hanggang ngayon ay pikon parin pala ang aking kababata.Sorry for that matter.Ngiti at pagpapaunawang mukha ang kasunod na sabi ni Qiuel sa mga ito.Alam niya kasing mababait ang mga magulang at ang mag asawa.
"Come here baby!"
Agad na sabi niya na ang pinatutungkulan ay ang girlfriend niya.
Saka lang kumilos ang mga naroon.Kahit mukhang
hindi kumbinsido sa sinabi niya.
••.
Hiyang hiya siya sa nangyari kanina.Pinigil niya ang
galit na umaahon sa kanyang dibdib.Ganoon parin ang
lalaki,hindi niya napigilang manumbalik sa kanyang
isipan ang isang bagay na ginawa nito dati na siyang
naging dahilan ng tuluyan niyang pag iwas dito.
Grade six siya noon kung hindi siya nagkakamali ay
nasa second year naman ito.
"Hey kitten! Yes you! Dont try to ignore me
again.Come here!"
Napatigil ang batang Noah bigla sa paglalakad sa damuhan sa
linen park kung saan sana nila balak maglaro ng
kaniyang mga kaibigan.
Hawak ang bolang pang volleyball ay daban dahan at
mabibigat ang hakbang na lumapit siya kay Quiel na kanina pa malaki ang mga matang nandadarag.
"Bakit?"
Tanong niya rito ng nasa harapan na siya nito.
Mukhang basang basa ang itim na itim na buhok
nito.Tantya niya ay galing ito sa paglalaro ng
basketball dahil naka jersey pa ito at nakashort din
na pang basketball.
"I said come here! Dito sa malapit sakin,huwag kang
matakot hindi kita kakainin and besides, I don't eat
cat."
Tulad ng sinabi nito ay lumapit siya pero halatang
may pag aatubili sa kilos niya.
Parang nainip ito at hinatak na ang braso niya para
tuluyan siyang makalapit dito.
Saka ito tumungo sa kanya at hinalikan siya nito.
Sa laking pagkagulat niya ay hindi siya
nakagalaw.Hindi lang kasi basta halik ang ginawa
nito.Tulad ng sa mga napapanood niyang palabas
pag aksidenteng nakikita niyang naghahalikan ang
mga bida,ay ganon ang ginagawa nito sa
kanya.Nalaglag ang bolang hawak niya.
Naalarma lang siya ng may narinig na palakpakan at
malalakas na sipulan na nang gagaling mula sa mga
bush.Pulang pula siya ng makita ang mga kabarkada
nitong nagtatawanan.
Tinignan niya ito ng masama at umiiyak na
nagtatakbo siya.Ang lalong masaklap ay ng makita
niyang hindi lang pala ang mga iyon ang
nakakita.Nakita rin iyon ng mga kaibigan niya na
mukhang mga nabigla rin.
Lalo siyang nanakbo dahil sa kahihiyan.
Kahit anong pilit ng kanyang mommy na tanungin
siya kung bakit siya umiiyak ay hindi niya ito sinagot.
Iyon ang dahilan ng kanyang trauma.Ni hindi man lang nito naisip na ang babata pa nila,ang bata pa niya upang gawan ng ganoon.Maloko na si Barachiel bata palang.
Magmula sa araw na iyon ay lumayo siya rito ng
tuluyan dahil ninakaw nito ang isa sa
pinakamahalaga sa kanya.
Ang kanyang first kiss..
from me:If you like my stories you can support me by following me here and hit the heart button and here is my G.Cash acc:09998134482 under the name of S*R*H U.(this is not obligatory)Any ammount will do,or you can message me here for the details.THANK's READERS!!!