Siyento estupido talaga ang kanyang kapatid kahit na
kailan.Akala ba niya ay matalino ito?Ang buong akala
pa naman niya ay nakatakas na siya sa kagustuhan
ng mga magulang sa pamamagitan nito?Ang tanging
nais niya ay maging malaya.Ayaw niyang may
nagpapatakbo ng kanyang buhay.Mahal naman niya
ang mga magulang subalit hanggang ngayon ay wala
paring nakakaintindi sa tunay na siya.Kaya nga ba't
pinabayaan niya sa piling ng mga ito ang bunsong
kapatid upang mailayo sa kanya ang camera ng mga
direktor at producer.
Noon palang ay ramdam na niya na may balak na ang
mga magulang na patakbuhin ang kanyang
buhay.Laking tuwa niya ng magkaroon siya ng isang
kapatid na santo upang dito mabaling ang mga
antensiyon sa pagpapalakad ng negosyo.Ngunit ang
inutil niyang kapatid mukhang balak ding
tumakas.Ginamit pa ang Diyos.Hindi siya banal
ngunit kumikilala naman siya sa Diyos.
Ngunit ano itong nababalitaan niya na tuloy tuloy na
ang desisyon nitong mag pari?noong una ang akala
niya ay nag titrip lang ang kapatid kaya tinawanan
niya lang ang mga bagay na iyon.Ngunit ano itong
kinukulit siya ng mga magulang ngayon? Ngayon
pang maligaya na siya rito at malayang nagagawa ang
mga gusto?Ilang ring naba ang natatanggap niya na
hindi niya sinasagot?
May trabaho naman siya rito at may perang
masasabi.Ngunit malayo sa negosyong gustong
ipahawak sa kanya.Pakiramdam niya ay pangbakla at pang ermitanyo naman ang
pagiging abogado na gusto ng ama niyang maging
siya.Dito'y may sarili siyang bar at ilan na ang mga
branches na nagkalat.
Ang kapatid na nga lang ang inaasahan niya ,sukat na
namundok naman ito sa bahay na bato.
Damn...
"Iha,heto ang mga pagpipilian mo.Mamili kana."
Nagtataka man ay inabot niya ito sa ina.Nanlata yata
siya sa mga pinili ng ina para sa kanya.Puro mga
daring kasi ang mga pinili nito.Kundi bukas sa likod,
e hanggang pusod yata ang lalim at buka sa
harapan.Mayron namang isa na pwede na sana
ngunit tila hanggang tapat naman ng pusod ang
slit. Hindi niya tiyak kung makakapagsuot pa siya ng
panloob dito,ang isa'y hanggang ibaba naman ng
dibdib ang pagitan sa baywang.Ayaw man niya isipin
ay parang sa magiging hitsura niya ay magmumukha
siyang pamigayin sa mga kalalakihan na ikinatindig
ng balahibo niya isipin niya palang.
Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ang
Ina.
Saglit itong tumikhim bago nagsalita.
"Magagalit ako kapag wala kang napili isa man sa
mga iyan."Mommy para saan po ang mga ito?"
"Gagamitin mo iyan sa susunod na linggo dahil
parating na si Barachiel."
"0,bakit po sa ilang taon na pag uwi niya ay ngayon
lang magkakaron ng welcome celebration?"
"Noon iyon.Iba na ngayon,he's staying for good."
Duda si Noah sa sinabi ng ina.
"He will and I will assure you!"
Parang nabasa nito ang pagdududa sa mukha niya.
Ewan mukhang malabo pa sa tubig kanal ang
sinasabi ng ina.Ang hindi niya malaman ay kung
paano siya mamimili sa mga nasa ibabaw ng
kama.May naisip siyang paraan bigla.
Pagkababang pagkababa ng kanyang ina ay pumasok
siya sa silid ng mga ito at hinatak ang daddy niya
palabas.
Nagtataka man ay sumunod naman ito sa kanya.
"Look dad,sa palagay mo kaya ay may babagay sa
akin sa mga iyan?kasi kung wala pwede po kayong
magsuggest ke mom."
Punong puno ng tiwala sa sarili na sabi niya rito at
nakangiting hinintay ang positibong sagot mula sa
ama.
"I think your mom is the best picker when it comes to
clothes.I see nothing wrong.Take your pick baby!"
Napa buka ang kanyang bibig sa narinig buhat dito.
"Dad,cant you see that its to loud?Ang kulay?"
"Sabihin mo sa mommy mo.Try to convince her first
at pag nagawa mo?Saka mo nako tawagin."
"But.. "
"I have something important to do baby."
At agad na lumabas ng silid.
Nanghihina siyang napaupo at napatingin sa mga
damit habang nakatulala at nag aalala.
Paano kaya niya ito gagawan ng paraan?.
Napatingin siya bigla sa suot.
Naka cotton pants siya na white at laging naka t-shirt
at three fourths pa.Kahit pa nasa bahay ay sanay siya
sa t-shirt at padjama habang natatakpan naman ng
medyas ang mga paa.Meron siyang ibat ibang
collection ng padjama ibat ibang kulay at
desenyo.Nag dedress din naman siya,yun nga lang,sa
pagtulog at mumu dress
Kahit tingnan mo ang buong closet niya ang pawang
mga laman ay pantalon t-shirt at sweater.
Sadyang ganoon lang talaga ang gusto niya.Ang mahaba't maitim na malkintab na buhok ay
laging naka bun,ayaw kasi ng mama niya ag maiksing
buhok.Alam niyang magagalit ito,kaya pinananatili
ng kanyang mama iyon ng hanggang baywang.Kung
siya lamang ang masusunod ang gusto niya kung
sakali ay boy cut,mainam narin yun dahil kapag
naman naka belo na siya ay hindi na niya
poproblemahin iyon.Mas komportable panga iyon
kapag itinago ng maikli kesa naman itatago niya iyon
ng mahaba,maiinitan lang siya.
Kamusta na kaya si Zach?Matagal na silang hindi
nagkikita.
Huling pagkikita nila ay noong sumama siyang
maghatid dito at balde baldeng luha ang ipinabaon
niya rito.Naunawan naman niya ang kaibigan dahil
iyon din naman ang pangarap niya.Medyo natagalan
lang siya ng kaunti dahil gusto niyang ihanda unti-
unti ang mga magulang.Taliwas sa pagsasabi ni Zach
sa mga magulang noon pa.
Kaya pala mabait din ito.Natatandaan niya pa na ito
ang savior niya sa lahat ng mga nang aapi sa kanya
lalo na ang kuya nito.
Miss na miss na niya ang kaibigan.
Kailan kaya sila ulit magkikita nito?
Ümaga palang ng araw na iyon ay kagulo na sa
malaking bahay ng magasawang Luisa at Matt sa paghahanda sa parating na anak.Gabi raw ito
darating ngunit maaga palang ay nag uumpisa na ang
mga kontak na nagpapacater ni Luisa.
Nagpaalam si Noah sa mga magulang na sisilip muna
rito.Ilang bloke lang naman ang layo ng bahay nila
sa kanyang ninang Luisa..Naisipan narin niyang tumulong sa pagdedesign
ng buong paligid.
"Iha nakuuu,ano bang ginagawa mo diyan at baka
ikay mahulog?!"
Nag aalalang tanong sa kanya ng tita Luisa habang
nakasampa siya sa hagdang yari sa aluminum.
"Ok lang po tita matatapos nanaman na eh."
"Ano kaba Noah! may itinalaga ako para diyan, may
mga taong gagawa niyan.Halika rito't bumaba kana."
Nakangiti siyang bumaba ngunit tinapos muna ang
huling isinabit.
"Iha hindi ba dapat ay naghahanda kana?Ano pang
ginagawa mo rito?Kumain kanaba?"
"Ok lang po tita,busog papo ako.Isa pa,hindi ba't
masyado pang maaga?"
"Kahit na! Dapat ay nagpapaganda kana para kay
Quiel ko."Napangiwi si Noah sa sinabi nito.Ngunit hinayaan
niya nalang ang ginang.
Nagpaalam na siya upang bumalik sa
kanila.Ipahahatid pa sana siya ni tita Luisa ngunit
sinabi niyang kasama niya ang kanilang driver
papunta rito.Kaagad naman itong pumayag.
"Ano kabang bata ka,kung san-san ka nagpupupunta
halika't isukat mo itong sapatos na napili ko para sa
mga dresses mo."
"Mommy,bakit naman po sobrang taas po yata iyan?
baka po hindi na ako makalakad?"
"Ganun ba?Kaya nga't halika na.Naroon na sa itaas
lahat at ikaw na ang bahalang mamili."
Pag panhik niya sa kanyang kwarto ay punong puno
ng mga kung ano ano ang naroroon.Ilang pares ng
mga sapatos,damit at mga pampaganda.
Napabuntunghininga siya.
"Ikaw naman anak.Pagbigyan mo na ako ngayon
nuon kasing debut mo ay ikaw lahat ang nasunod.Sa
totoo lang anak ay medyooo,, hindi maganda ang
taste mo sa damit at sa...Habang humahagod ang tingin ng ina sa hitsura ng nag iisang anak.
Hay naku basta sa araw na ito ay ako ang masusunod