"What????"
"Yes mom you heard it right."
Nakayuko at mahina ang boses na tugon ni Noah.
"But Maria Yohana Vergara alam kong walang
masama sa gusto mo,Pero anak namannnn...gagaya
kapa sa kababata mo?hindi ba't muntik ng himatayin
sa desisyong iyan ang mag asawang Cordova dahil sa
bunso nilang anak?"
"Hindi ba dapat ay natutuwa po kayo mommy?Mali
ba na gusto kong maglingkod sa Diyos?"
"Wala akong sinabing mali ka.Pero anak,sino na lang
ang magpapatakbo sa mga negosyong pinaghirapan
namin ng tita mo? Isa pa anak iisa ka lang!sino na
lang ang mag aalaga sakin?Samin ng daddy mo?Hindi naman sa inaasa namin sayo iyon kaya lang,,,"
"Kaya lang ay ano mom?"
"Kaya lang ay,„Anak..."
Lumapit itong pumapatak na ang luha sa kanya.
"Mabuti ang Diyos at makatarungan anak,pupwede
ka namang maglingkod sa ibang paraan.Pero ang
pagpasok sa kumbento?"
"Mom! Ang akala ko po ba ay susuportahan n'yo ako
sa lahat ng gusto ko at hindi kayo tututol?"
"Oo nga anak! Ang buong akala ko pa nama'y
pagkatapos mong mag aral ay ang pag aasawa naman ang aasikasuhin mo?Noon ang akala ko kaya wala kang panahon sa pag boboyfriend ay dahil gusto mo lang makapag concentrate sa pag aaral,ni hindi mo man lang kami inabisuhan sa desisyon mo na yan noong una pa man."
"Mom, kaya nga po nagpapaalam ako sa inyo."
Lumapit siya sa ina at pinaghahalikan niya ito sa
pisngi.Iyon ang nadatnan ng daddy niya.
"Did I missed something here?"
"Kausapin mo nga ang anak mo Harold!"
"Bakit?something wrong baby?"Tanong ng kanyang daddy sa kanya at nilapitan siya hinawakan sa balikat upang maiharap siya rito.
"Dad! I want you to promise me that you'll understa-nd me."
"Ano ba iyon anak?"
"Promise me first dad!"
"Ok,ok!"
"Gusto ko pong mag madre."
"Natigilan at napatalikod ang kanyang ama saglit at
humarap ito."
"Hindi ba't?? Hindi kaya gusto mo lang sundan doon
si Zach?"
"That's not true dad! Alam ko po kung ano ang gusto
ko.Iyon ay ang makapaglingkod sa Diyos!"Totoo na-man kasing noon pa ay hindi nila akalaing dalawa ni Zach na parehas na landas ang nais nila.Noong pa-nahon na iyon ay nangako sila sa sarili na tutuparin ang kanilang mga pangarap.At hindi nila iyon sina-sadya.
"Dad?"
"Papayagan kita."
Napangiti siya sa sinabi nito at yayakapin niya sana
ito sa katuwaan.
"Pero sa isang kundisyon!"
"Anything dad."
"You will rethink about it.Huwag muna ngayon. Bibi-gyan kita ng isang taon."
"But dad!"
"That's final lady!."
At iniwan na siya nito sa malaki nilang sala.
Hindi niya masisisi ang kanyang mga magulang kung
iyon ang kanyang pasya.Kung sana ay may kapatid
man lang sana siya ang kaso parang nagsara na yata
ang matris ng ina para sa pangalawang anak.Totoo
naman ang sinabi nito na wala talagang mag aalaga
sa mga ito pagdating ng araw,subalit ipinasa Diyos
nalang niya ang tungkol dito.
Sinoporthan naman siya ng kanyang daddy ngunit
kailangan niya munang maghintay ng isang taon.Ta-pos nanaman siya sa kanyang pag aaral bilang psyc-hologist.Noong una ay tutol ang kanyang mga ma-gulang rito dahil wala itong connect sa negosyo nila. Ang hindi ng mga ito alam ay sinadyanniyang iyon ang kuhaning kurso dahil isa iyon sa kailangan sa loob.Sa bandang huli ay wala ng nagawa ang mga ito sa kanyang naging desisyon.Kaya noon pa man ay naging mabuti siyang anak.Bukod sa mga naging de-sisyon niya ay wala na siyang sinuway sa mga gusto ng mga ito.Hindi talaga matutuwa ang mga ito sang ayon sa pagkakaalam niya.Unang una ang gusto ng mga magulang asawa na siya dahil hindi na siya bu-mabata.Sa edad naman na 26 ay maganda parin naman siya.Madalas nga siyang makuhang muse at isali sa mga kumpetisyon ng pagandahan ngunit tu-matanggi siya lagi.Balingkinitan ang kanyang kata-wan,malaporselana ang kanyang kutis at sobrang
kinis ng kanyang balat.Mataas narin sa babae ang 5'5
na height.Mapupungay at mapupula ang kanyang
labi at parang kagaya sa mga babaeng nag aahit pa ng
kilay upang gumanda,siya ay natural at maganda ang
pagkakaarko ng kilay.Malalambot ang kanyang mga
kamay at maganda ang hubog ng katawan.Sa
madaling salita ay maganda siya.
Kaya't naiintindihan niya ang mga magulang,idagdag
pa roon na nag iisang anak siya.
Si Zach naman ay mag dadalawang taon na sa
semenaryo at hindi gaya ng magulang niya na sinple
lang ang naging pagtatalo.Hindi kagaya ng sa lalaki
na halos mabaliw si tita Luisa at nagalit naman si tito
Matt ng magtapat ang kanilang anak.Bukod kasi sa
napakabait na anak ni Zach gaya niya ay tapos din
ito.Ang pagkakaiba nga lang ay may dalawa itong
mga anak di tulad niya na nag iisa kaya walang
nagawa ang mga ito kundi iasa nalang sa unang anak
ang lahat.
May duda siyang mapipilit ng mga ito na umuwi ang
anak na matagal ng naglalagi sa states.Buhat kasi ng
magtapos ito ng elementarya ay ginusto nitong
mamalagi roon kasama ang lolalolahan ng lalaki.Alam niya kasi kung gaano katigas ang damdamin nito at hindi rin niya alam,o silang lahat na yata kung saan ito nagmana.Hindi nga ba't kabikabila aang naging girlfriends nito at may sumingaw pa na nakabuntis ito dati?wala na siyang balita tungkol sa kwento na iyon nuon.Every two years ang uwi nito ngunit wala pa yatang isang buwan kung magbakasyon ito sa kanila at pagkatapos ay babalik din kaagad doon.
Hindi niya alam kung tama ba ang nararamdaman
niyang baka mas mabuti pa ang paglayo nito dahil
bukod sa laging napapaaway ito na siyang nagiging
dahilan ng pagkakalagay sa kahihiyan ng mag asawa
ay hindi rin naman niya gustong mapalapit dito.Si-guro nuong una,subalit ng maramdaman niya at ma-siguradong ayaw talaga nito sa kanya ay nanahimik nalang siya.Patawarin sana siya ng Diyos tungkol di-to.Isa iyon sa ikinumpisal niya sa pari.Nalungkot siya ng ilang oras na ang mga magulang sa itaas ngunit hapon na ay wala pang bumaba upang magmeryen-da na siyang nakagawian na nila pag sumasapit ang alas singko ng hapon. Uunawain niya na muna ang mga ito dahil alam naman niyang hindi madali ang kanyang nais.Inihanda na niya ang sarili para doon tutal pinayagan na siya ng kanyang daddy iyon nga lang,kailangan niya munang maghintay ng isang taon pa.Sabagay mabilis na ang isang taon,hindi mo mamamalayang isang taon na pala ang tuling lumipas.
Hindi ba siya selfish ng lagay na iyon?Minsan gusto
niyang magtanong.