GERALDINE: TAHIMIK akong bumalik ng opisina kasama si Lemuel. Masaya ako na ako ang pinili ni Sir Dawson na ipadala sa pinsan niya para maging secretary nito. Pero may bahagi din sa puso ko ang nalulungkot dahil napamahal na sa akin ang trabaho ko dito sa kumpanya niya. Maging ang mga katrabaho ko dito. Mababait ang mga kasama ko dito. Sa loob ng tatlong taon na pagtatrabraho ko dito, ni minsan ay wala akong nakabangga. Friendly at professional ang lahat kaya walang inggitan at selosang nangyayari sa kumpanya. "Lemuel, tulungan mo naman akong iligpit ang mga gamit ko," wika ko. Kinuha ko ang dalawang empty storage box na dinala sa mesa ko. "Bakit po, Ma'am? Tinanggal po ba kayo sa trabaho?" nag-aalalang tanong nito na nginitian ko. "Hindi naman. Ililipat lang ako sa kumpanya ng p

